"Let our Lord hold him," malungkot niyang saad at damang-dama ko ang kawalan niya ng magagawa. Laglag ang pareho niyang balikat at animo'y pasan niya ang buong mundo. Wala akong maisagot sa kanya dahil kahit ako ay nalulungkot din. Gusto kong tulungan ang batang 'yon kanina ngunit paano ko gagawin 'yon gayong kahit ako ay hinahabol din ng kamatayan. "It's very frustrating 'cause even though I have a unique ability, I still have no idea how to use it correctly. Even if I save people, their destiny will still chase them. So I can't help but keep quiet aside and watch how different kinds of tragedies and incidents end their lives." "Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Makakahanap pa rin tayo ng paraan. Mahahanapan pa rin natin ng solusyon ito. Magtiwala lang tayo." Tila nabaligtad na ang mund