HEAVEN SIA COLLINS POV
"And they lived happily ever after." Kaagad pumalakpak ang aking bunsong kapatid.
"A-ang galing n-naman ng l-lovestory nila ate. B-bukas buy mo 'ko ulit ng new books, ha," tila nahihirapan niyang saad kasabay nang kanyang pag-ubo. Nakahiga na siya sa kama at nakikita ko na ang pamumungay ng isa niyang mata.
Ang kabila niya kasing mata ay nababalutan ng benda. Nabubulok na ito dala ng kaniyang sakit na thyroid. Kumalat na ito sa kanyang utak at hindi na makakaya pang agapan. Pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa ni mama. Naghahanap pa rin kami ng paraan para mapagaling siya.
"Okay, baby. Sleep ka na, ha para tomorrow may new books ka na ulit. Syempre, bibilhan ka ulit ni ate," sabi ko sa kanya habang punong-puno ng ngiti ang aking mga labi.
Pero kabaligtaran naman ito ng aking nararamdaman. Seven years old pa lamang siya pero dumanas na kaagad siya ng ganito kalalang sakit. Pagkatapos mamatay ng aming ama mula sa isang raid na naganap sa isang abandonadong building na hindi namin alam na isa pala siya sa mga kasapi ng isang illegal gambling ay ang kapatid ko naman ang pinarusahan.
Siguro ay kulang pa ang pagkawala ng buhay ng aming ama dahil sa dami nang nagawa niyang kasalanan kaya pati ang kapatid ko ay pinahihirapan.
"P-promise ate, ha." Muli na naman siyang umubo.
"Yup, promise. Inom ka muna ng tubig bago matulog para hindi ka na ubuhin, ha." Kaagad kong kinuha ang isang baso ng tubig at inilapat ko sa kanyang bibig.
Pagkatapos ay inayos ko na ang pagkakakumot sa kaniya at saka ko siya hinalikan sa noo.
Bago ako magtungo sa aking silid ay sinilip ko muna si mama sa kanyang silid. Nakita kong abala siya sa pagkuk'wenta ng natitira na lang naming pera. Pinagbentahan ito ng iba pa naming ari-arian para maipampagamot sa bunso kong kapatid.
Napalinga ako sa kabuuan ng aming mansion. Siguro ay kailangan na rin namin itong ibenta. Kunsabagay ay hindi naman ito nagmula sa isang marangal na trabahong pinaghirapan. Nagmula ito sa isang illegal na gawain kaya siguro ay inuutay-utay na itong bawiin mula sa amin.
Napahinga na lamang ako ng malalim at saka nagtungo sa sarili kong silid. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para kay mama. Gusto kong matulungan siya sa lahat ng gastusin.
Hindi maaaring tutunganga na lamang ako habang siya ay nakikita kong nahihirapan.
***
KINABUKASAN
Naglalakad na ako sa kahabaan ng hallway patungo sa main entrance ng mall nang isang matandang babae ang bigla na lamang lumapit sa akin.
"Huwag ka ng tumuloy!"
"Ay!" napasigaw ako sa gulat at napahawak sa aking dibdib dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa aking harapan at pagsigaw niya sa aking mukha. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang titig na titig sa akin.
Nakasuot siya ng bandanang itim at marungis ang kanyang hitsura.
"N-nanggugulat ka naman, nanay eh." Halos maiyak ako habang naghahabol ng aking hininga.
"Huwag ka ng tumuloy. Katapusan na, katapusan na. Huwag ka ng tumuloy, katapusan na," bulong niya sa akin.
"Ano po bang sinasabi niyo? Ito po ang tinapay, oh. Baka nagugutom lang kayo." Iniabot ko sa kaniya ang tinapay na hindi ko naubos kaninang breaktime sa school.
Kinuha niya rin naman ito pero patuloy pa rin siya sa mahinang pagsasalita.
"Iniisa-isa na niya tayong lahat. Nagbabalik na siya. Ang lumikha sa atin ay nagbalik na! Mamamatay na tayong lahat!" nagsisigaw na siya sa gitna ng hallway. Sa karamihan ng mga nagdaraanang tao na napapatingin sa kaniya pero walang pakialam at nilalampas-lampasan lang siya.
Nilampasan ko na rin siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang humawak sa aking braso ng mahigpit.
"Huwag ka ng tumuloy. Katapusan na, huwag ka ng tumuloy," bulong pa rin niya sa aking harapan habang may nanlalaking mga mata.
"H-hindi po p'wede, nanay. Kailangan ko pong bilhan ng books ang kapatid ko. Sige na po." Pilit kong binaklas ang kaniyang kamay mula sa mahigpit niyang pagkakakapit sa aking braso. Bukod doon ay natatakot na rin ako sa kaniya at kinikilabutan sa mga pinagsasasabi niya.
Patuloy pa rin siya sa pagbulong at nang tuluyan ko ng maalis ang kaniyang kamay sa aking braso ay nagmadali na akong umalis at iniwan siya. Naiiling na lang ako at pilit kinalimutan ang matanda.
Pagdating ko sa loob ng mall ay sa National Bookstore kaagad ako nagtungo. Nang makapasok ako sa loob ay nagulat ako nang matanaw ko sa loob ang lalaking nagpapakabog palagi ng husto sa dibdib ko.
Rhyan Olaf Mcfadden.
School mate ko siya noon pero ngayon ay hindi na dahil naka-graduate na siya. Isang taon ang tanda niya sa akin at ngayon ay nag-aaral pa rin ako sa college.
Hindi kami close at mas lalong hindi kami friends. May feelings ako para sa kaniya pero hanggang doon lang 'yon. Masaya na akong makita siya sa araw-araw mula sa malayo. Hanggang tanaw lang kumbaga.
Kahit hindi niya naman ako napapansin ay okay lang. Mas priority ko ang aking pag-aaral at ang aking pamilya. Ilang buwan na lang at makakatapos na ako sa pag-aaral.
Lumiko na ako sa ibang way at naghanap ng books para kay Precious, ang aking kapatid. Dumampot ako ng mga books na fantasy. Siguradong magugustuhan ito ng kapatid ko.
"Alam ko dito 'yon eh. Dito ko nakita 'yon, kuya Rhy." Nadinig ko ang malakas na boses ng kaniyang pinsan na si Accel pero hindi ko na sila inabala pang tingnan.
Minsan ay nawiwirduhan din ako sa kanilang magpinsan. Hindi ko alam kung bakit? Feeling ko lang ay may kakaiba sa kanila. Silang dalawa lang ang palaging magkasama kahit saan sila magpunta. Ayokong mag-isip ng masama pero ewan ko ba.
Haayst! Nababaliw na yata ako.
Pero kahit gano’n, siya pa rin ang gusto ko. Tsk.
"Snow white?" pabulong kong basa sa libro kong hawak. Siguradong magugustuhan ito ng kapatid ko kaya ito na lang ang bibilhin ko.
Binuksan ko ang unang pahina at binasa ang pamagat habang naglalakad na ako patungo sa cashier. Kaagad ko na rin siyang binayaran at lumabas ng National Bookstore.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagbabasa habang naglalakad at walang pakialam sa paligid. Pagdating ko sa hagdan ay nakita ko ang umpukan ng mga tao na sasakay sa hagdan kaya pinili ko na lang na magpahuli.
Pagtapak ko sa unang baitang habang nakatutok pa rin ako sa hawak kong libro ay nakarinig ako ng mga ingay mula sa paligid. Pero wala akong panahong maki-usyoso.
"Huwag kayong sumakay!"
"Umakyat na kayo!"
"Balik! Balik!"
Lumalakas ang kanilang pag-iingay hanggang sa mapatingin na ako sa ibaba ng sinasakyan kong escalator.
Una kong nakita ay ang matandang nakaitim ng bandana na sa palagay ko ay sa akin lang nakatutok ang kaniyang paningin habang kumikibot-kibot ang kaniyang mga labi. Habang sa kaniyang tabi ay ilan pang mga tao na nagsisimulang mag-umpukan at sumisigaw habang nakatingala sa aming grupo na kasalukuyang sakay ng escalator.
Napaigtad ako nang biglang huminto ang sinasakyan naming escalator, gano’n din ang iba pa. At sa isang iglap lang ay bigla itong nag-flat. f**k!
Nadulas kaming lahat at mabilis na nahulog paibaba. Malakas na sigawan ng mga tao ang umalingawngaw sa kabuuan ng mall. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong biglang bumuka ang ibaba ng hagdan at nahulog doon ang mga naunang taong sakay.
"Mamaaa!!!" napasigaw ako sa takot nang ako na ang susunod pero sa isang iglap lang ay bigla akong nawala sa p'westo at naramdaman ko na lang ang malalakas na brasong kumulong sa nanginginig kong katawan.
"Mamaaa.. mamaaa," malakas akong napahagulgol sa sobrang takot habang nakayakap at nakasubsob sa dibdib ng taong hindi ko pa nakikilala pero siyang nagligtas sa akin.
"Sssshh. You are now safe, baby," bulong niya sa akin habang yakap niya ako ng mahigpit. Natigilan naman ako nang makilala ko ang kaniyang tinig.
Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya habang kumakabog ng sobrang lakas ang aking dibdib. Nagtama ang aming mga paningin. Mas lalo akong naluha nang makilala ko siya.
"R-Rhyan."