CHAPTER 1 VISION

1849 Words
NAKARAAN Avriah "Mom! Mommy! Mommy!!!" Napabalikwas ako nang bangon dahil sa malakas na sigaw ni Olaf, ang panganay kong anak. Halos magiba na ang pinto ng aming silid dahil sa malakas niyang pagkakabukas nito kaya naman humampas ito sa pader at nagbigay ng malakas na ingay. "Hey son, lower your voice. Nagising na tuloy si mommy," mahinang saway ng kanyang ama na kaagad ding nakapasok dito sa loob ng silid mula sa balcony habang buhat-buhat ang one year old naming baby girl. Malamang ay pinaaarawan niya na naman ang aming baby. Every morning, maaga pa lang ay nasa balcony na silang mag-ama para magpaaraw. Gano’n din siya noon sa aming panganay na si Rhyan Olaf. "Get up now, mom. You promised me we would go to the mall today to buy my heelys," sabi ni Olaf na animo’y siga sa pag-akyat niya sa kama at lumapit sa akin. Napanganga naman ako sa kaniyang sinabi. Heelys? Nag-aalala akong tumingin sa kanyang ama. Lumapit naman siya sa akin at iniabot sa akin si baby Yesha at saka binalingan si Olaf. Si Yesha ay mabilis na sumubsob sa aking dibdib at pilit hinanap ang kaniyang dede. Kaya naman kaagad ko nang itinaas ang suot kong blouse na pantulog at pinadede ang cute na cute kong prinsesa. Dinig ko ang malakas na buntong-hininga ng aking asawa at halatang nag-iisip ng paraan para mapigilan ang kagustuhan ni Olaf. Nakita niya kasi kahapon ang isa niyang classmate na may heelys. ‘Yong shoes na may gulong. Inasar siya ng batang iyon kaya naman itong si Olaf ay nagmayabang din. Meron din daw siya niyon kahit wala naman. Eh gustong makita no’ng classmate niya kaya ngayon ay kinukulit niya ako na bumili niyon para maipakita niya. At dahil kahapon ay wala siyang tigil sa kakangawa sa akin ay napa-oo na lamang ako. Hayst. Nagkamali ako sa pagpayag sa kaniya. Baka kung mapaano pa siya sa heelys na ‘yan. "A’right, sige. You need to take a bath now then we will go to the mall." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng kanyang ama. "Yeyyy!!! Thanks, daddy!!!" Naglulukso si Olaf sa kama kaya naman gumalaw-galaw din kami dito pero si Yesha ay walang pakialam at patuloy lang sa kaniyang pagdede. "Daddy," tawag ko kay baby sa tonong hindi sumasang-ayon. Lumingon naman sa akin si baby at pasimpleng kumindat sa akin. Ano naman kayang plano nito? *** Pagdating namin sa mall ay ako ang may hawak sa mga kamay ni Olaf at si baby ang may buhat kay Yesha gamit ang baby carrier. Pumasok kami sa loob ng bilihan ng heelys. "I'm sorry, ma'am, sir pero out of stock na po ang heelys namin eh," sabi ng saleslady sa amin. Agad namang napahikbi si Olaf. "Did you hear that, son? Out of stock na daw ang heelys," sabi naman ni baby kay Olaf. Hindi kaya kinutsaba lang nito ang saleslady? "We can ask at other stores, daddy. Please, daddy. I will not wear it, I’ll just show it to Trevor." Tumulo na ang kaniyang mga luha sa pisngi at hindi ko mapigilang maawa sa anak ko. Kaagad ko siyang niyakap. Napahinga ulit ng malalim si baby bago lumapit sa amin at marahan ding hinila si Olaf palapit sa kaniya habang alalay ng isa niyang kamay sa kaniyang harapan si Yesha. "Okay, okay. But promise me you’ll not wear it. Mommy and I are just worried about you. Ayaw lang namin ni mommy na may mangyaring masama sa iyo. You can't wear those shoes yet because you are so young. Do you understand me?" malambing na sabi ni baby kay Olaf. "Yes po, daddy. I promise." Nagtaas ng kanang kamay si Olaf sa harapan ng kanyang ama. Pinunasan ko naman ang pisngi niyang basang-basa ng luha. "A’right, I'll just talk to the saleslady if ever magkaroon na ng stock mamaya ang heelys then they'll just send it to our house. Okay?" "What if there’s still no stock later, Daddy? Let's ask at another store, Dad, if they have such shoes." "Don't worry, magkakaroon daw sila mamaya. ‘Di ba?" baling ni baby sa mga saleslady. "Yes po, sir. Ipapa-deliver na lang po namin sa inyo mamaya," nakangiti namang sagot ng saleslady habang kumikinang ang kanilang mga mata sa pagtitig sa aking asawa. "See? We’ll just wait for your shoes in our house, okay?" Tumango na si Olaf pero bumaling pa siya sa saleslady. "Just make sure you do that, ate ha?" "Yes, little boy." Nauna na kaming lumabas ni Olaf ng store. Naiwan pa sa loob ng botique si baby para kausapin ang saleslady. Naglakad-lakad na muna kami habang patingin-tingin ng mga paninda sa mga nadadaanan naming botique. "Mom. Look at him, mom." Inugoy-ugoy ni Olaf ang aking kamay na nakahawak sa kaniya kaya napayuko ako sa kaniya. "Mom, look at the boy." "Saan ba?" May itinuturo siya at siguro ay itong batang binatilyo na malapit na naming makasalubong na nakatungo at abala sa kaniyang hawak na phone. "Mom, he will die! He’ll be shot in the head!" Nanlaki ang aking mga mata sa malakas na sinabi ni Olaf. May ilang nagtinginan sa amin kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ni Olaf nang magtangka na naman siyang magsalita. "Baby Olaf, quite, okay. Walang mamamatay." "But mom-" "Sssshhh...let's go, Olaf. Balik na tayo kay daddy." Kaagad ko nang hinila si Olaf pabalik kay baby. Nangilabot ako sa kaniyang sinabi. Ang bata-bata pa niya, bakit siya nagsasalita ng ganoon?! Kinalimutan ko na ang mga sinabi ni Olaf hanggang sa makauwi na kami sa aming mansion. Dumating din ang heelys shoes pero muling kinausap ni baby si Olaf ng masinsinan. Tumango din namang mabuti si Olaf at nangako rin sa kaniyang daddy. "Tsk. Kawawa naman ‘yong bata. Na-hold-up na nga, pinatay pa." Napalingon ako kay baby nang marinig ko siyang nagsalita. Nanonood siya ng t.v sa living room habang karga niya si Yesha na natutulog na at ako naman ay nag-aayos ng mga school things ni Olaf dito sa isang mahabang sofa. "Ano ‘yon, daddy?" tanong ko sa kaniya at napalingon din ako sa kaniyang pinapanood. "Panoorin mo ito, mommy." Nakita ko nga sa t.v ang isang binatilyo na pamilyar sa akin ang kaniyang kasuotan. Nangilabot ako nang mamukhaan ko na ang bata. Siya ‘yong binatilyong nakita namin sa mall kanina at sinabi ni Olaf na mamamatay! Napalingon ako kay Olaf na nasa gilid at abala sa pagco-coloring. Mabuti na lamang at hindi niya nakita ang balita sa t.v. Paano nangyaring nalaman ni Olaf ang mangyayari sa binatilyo?! *** "Baby Olaf, ipakita mo lang ‘yan kay Trevor tapos ay kukunin ko na rin, ha? Kailangan ko ‘yang iuwi. Hindi mo p’wedeng dalhin sa loob ng room, okay?" mahinahon kong sabi kay Olaf dito sa labas ng aming sasakyan. Narito na kami sa labas ng gate ng kanilang school. Ako na lang ang naghatid sa kaniya dahil biglaan ang meeting ni baby sa opisina. Si Baby Yesha naman ay iniwan ko muna kay mommy Yazzi dahil kapitbahay lang naman namin sila. Tuwang-tuwa nga iyon sa mga apo niya at halos ayaw nang iuwi sa amin. Mabuti na lamang at ayaw din ni baby na mawawalay ang mga bata sa kaniya kaya walang magawa si mommy Yazzi. "Yes po, mommy!" Papasok na sana kami sa loob ng gate nang biglang dumating si Trevor kasama ang kaniyang yaya. Suot ni Trevor ang kaniyang heelys at talaga namang ipinagmamayabang niya dahil inaakma-akma niya itong ibangga sa mga batang kaniyang nakakasalubong tapos ay tatawanan niya ng nakakaloko. "Ano, Ulapsnow?! Nasaan ang sinasabi mong heelys mo?! Wala ka pala eh. Puro ka lang satsat!" mayabang na sigaw ni Trevor kay Olaf na nasa aking tabi. "I have that, too! Here's mine!" Mayabang ding ipinakita ni Olaf ang hawak niyang box ng heelys pero hindi niya inilabas ang shoes. "But I don't want to wear it ‘cause I might die just like you." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Olaf. Kaagad ko siyang hinila at niyakap paharap sa aking katawan. Nabitawan niya ang box sa ibaba. "Anong sinabi mo?! ‘Di kita naintindihan, Ulapsnow! Wala! Wala! ‘Di ka marunong gumamit niyan gaya ko. Tingnan mo ‘ko, oh. Ako lang ang magaling! Hindi ka marunong!" Napaikot-ikot siya sa gilid ng kalsada. "Yaya, hawakan mo siya!" sigaw ko sa kasama niyang yaya na may nakasaksak na earphone sa tainga at pinababayaan lang ang kaniyang alaga na umabot na sa gitna ng highway. "Yaya!" sigaw ko ulit. Akma ko nang bibitawan si Olaf para sana ay lapitan si Trevor at hilahin patungo sa tabi ngunit nahuli na ako. Isang humahagibis na kotse ang bigla na lamang sumalpok kay Trevor at tumalsik ito sa ‘di kalayuan. "Yong bata!" "Oh my God!" "May nasagasaang bata!" "Tulong!" Nagkagulo na ang mga tao. Ako naman ay nanigas sa aking kinatatayuan habang yakap ko ng mahigpit si Olaf. Kitang-kita ng aking mga mata kung paano nangisay si Trevor at umagos ang masagana nitong dugo habang nakabulagta sa gitna ng kalsada. "Mommy..." Napayuko ako kay Olaf. Napaka-amo ng kaniyang mukha. Inosenteng mga mata…pero ano itong nangyayari sa kaniya? Isa ba itong sumpa? *** EIGHTEEN YEARS LATER "Alam ko dito ‘yon eh. Dito ko nakita ‘yon, kuya Rhy," my cousin Accel said while we were inside the National Book store, which is also inside the mall. She was looking for books she couldn't find. I ignored her ‘cause my eyes were focused on a busy beautiful girl reading one of the books here. Ang ganda niya, sobra. Ngunit sa pagtitig ko sa kaniya ay tila ba na-fast forward ang orasan. Bigla kaming nakarating sa isang parte dito rin sa loob ng mall. She continued walking slowly while she was still busy reading her books. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga nagkakagulong mga tao. I head down to the next floor in the escalator. They shout and signal to the people on the escalator. The woman I was following was also on the stairs, but I was still upstairs. "Huwag kayong sumakay!" "Umakyat na kayo!" "Balik! Balik!" Tatapak pa lang sana ako sa unang baitang ng escalator na paibaba nang bigla na itong tumiklop. Bigla akong natigilan at nanlaki ang aking mga mata. "Oh my God!!!" "Tulong!!!" "Yong mga tao!!!" Shit! Napahiga ang mga taong sakay ng escalator at mabilis silang dumausdos paibaba. Nakita kong bumuka ng malaki ang hagdan sa ibaba at doon lumusot ang mga taong sakay ng escalator. Ang kahuli-hulihang babaeng sinusundan ko ay lumusot na ang kalahati ng katawan sa malaking butas ng hagdan ngunit bigla muli itong sumara kaya naman nahati ang kaniyang katawan. Tumilamsik ang napakaraming dugo sa ibaba. Nagsigawan at gulat na gulat ang mga tao sa kanilang nasaksihan. Mayroon pang nawalan ng malay. "Kuya Rhy! Woi." Tila nagising ako mula sa isang nakaririmarim na bangungot. Naipilig ko ang aking ulo at muling napatitig sa magandang babaeng hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ng hawak niyang libro. Kumabog ng husto ang dibdib ko nang marahan na siyang naglakad at nagtungo sa cashier. Shit. This can't be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD