"Pinakialaman mo ang nakatadhana!"
"Ha!" Nagulat ako at napabaling sa matanda na nasa tabi na pala namin ni Rhyan. Nakayakap pa rin sa akin si Rhyan at halos ayaw akong bitawan.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ng matanda habang palipat-lipat ang kanyang paningin sa aming dalawa ni Rhyan at patuloy pa rin siya sa kanyang mga pagbulong.
"Ang nakatadhana ay nakatadhana. Hindi mo maaaring baguhin ang nakasulat," bulong pa rin niya habang mas inilalapit pa niya ang kanyang mukha kay Rhyan.
Si Rhyan naman ay mas humigpit ang pagkakayakap sa akin at nakipagsukatan ng tingin sa matanda.
"Hahabulin ka pa rin ng iyong tadhana. Mag-iingat ka. Ang nakasulat ay kailangang matupad," bulong niya sa akin at nangilabot ako nang siya ay ngumisi at naglabasan ang mga nangingitim at naninilaw na niyang mga ngipin.
"That's what I will never allow to happen. Ako ang kauna-unahang taong bubura ng kung anumang nakasulat sa sinasabi mong tadhana," matigas na sagot ni Rhyan sa matanda ngunit para bang mas lalo pang natuwa ang matanda sa kaniyang narinig.
Nagpakita ito ng mas kahindik-hindik na pagngisi.
"Buhay sa buhay," bulong niya sa aming harapan. "Kaluluwa sa kaluluwa," at bulong niya sa mukha ni Accel na nasa tabi na ni Rhyan.
Yumukod ito at napansin ko ang ginawa niyang pagtitig sa gilid ni Accel at doon din ngumisi. Sumilip ako doon ngunit wala naman akong makitang bagay na kailangan niyang titigan doon.
"Leave us alone," matigas na sagot ni Accel sa matanda.
Lumingon muna sa akin ang matanda bago niya kami tuluyang iniwan habang patuloy pa rin siya sa kanyang pagbungisngis.
Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa siya ay makalayo ngunit gano'n na lamang ang gulat ako nang bigla siyang naglaho sa hangin.
Muli akong nilukuban ng matinding takot at nangatal ang buo kong katawan.
"N-Nawala. N-nawala siya," bulong ko sa balikat ni Rhyan habang hindi maalis ang paningin ko sa lugar kung saan naglaho ang matanda.
Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Rhyan.
"Ssshh, don't mind her. Baliw ang matandang 'yon. The most important thing right now is that you're safe," banayad niyang sabi sa akin.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at tumingala sa kanya.
Halos maduling ako sa sobrang lapit ng aming mga mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina at mas lalong hindi ako makapaniwala na nayakap ko ang lalaking sa panaginip ko lamang napapagpantasyahan.
Hawak niya pa rin ako at hindi binibitawan. Napababa ang aking paningin sa kaniyang mga labi at hindi ko maiwasang mapalunok.
Yumuko ako nang mapansin kong nakatitig siya sa akin at ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"A-anong s-sinasabi niya? Anong tadhana?" mahina kong tanong sa kanya.
Muli akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot sa dibdib nang muli kong maalala ang mga sinabi ng matanda. Hahabulin ako ng tadhana? Anong ibig niyang sabihin?
Hinintay ko ang sagot ni Rhyan ngunit lumipas ang minutong naging tahimik siya at humugot ng malalim na hininga. Kaya naman mas lalong naragdagan ang nadarama kong takot.
"Tumabi kayo! Tabi!"
"Huwag kayong humarang sa daanan!"
Sabay kaming napalingon sa mga nagkakagulong mga tao sa ibaba ng hagdan. Halos mapuno na ang buong groundfloor at punong-puno rin ng mga tao sa itaas.
Nagsidatingan na ang mga Medics, Soco, Investigators at kung ano-ano pang mga team at sinimulan na nilang lagyan ng barrier tape ang pinangyarihan ng insidente.
Nakipagsiksikan din kami sa mga tao at nakiusyoso sa loob. Nakita naming iniisa-isa na nilang kuhanin ang mga bangkay na nagkaluray-luray na ang mga katawan at nagkalat na rin ang mga dugo sa ilalim at sa labas ng escalator.
Nangilabot ako sa aking mga nakita. Napatakip ako sa bibig ko at pakiramdam ko ay masusuka ako! Paano kung hindi ako nasagip ni Rhyan? Malamang ay patay na rin ako ngayon!
"Let's go."
Muli akong hinila ni Rhyan palabas sa mga umpukan. Pakiramdam ko ay maso-suffocate ako sa dami ng tao.
"Here."
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang i-abot sa akin ang books na nabili ko kanina sa National Book Store.
"N-Nakuha mo.." Kinuha ko ito at niyakap.
Kahit papaano ay nakaramdam pa rin ako ng saya dahil may mai-uuwi pa rin ako para sa kapatid ko kahit may nakakakilabot na trahedya ang nangyari sa akin. At saka wala na rin akong pambili nito.
Tinitipid ko lang ang allowance ko para mabilhan ko ang kapatid ko ng mga gusto niya dahil ang importante lang para sa akin ay maging masaya siya.
"Ahm, p-paano ako m-makakapagpasalamat sa iyo? S-Sinagip mo ang buhay ko," nahihiya kong tanong kay Rhyan.
Naiilang akong salubungin ang kanyang mga mata na palaging nakatitig sa akin ng taimtim. At hindi ko rin masaway-saway ang puso ko mula sa kaninang pang paghuhuramintado.
Pinangarap kong mapalapit sa kanya at mapansin niya ngunit ngayon, heto na. Hindi lang paglalapit ang nangyari sa amin. Nayakap ko pa siya ng mahigpit at nalanghap ang napakabango niyang amoy.
"I don't need anything. Ang maging ligtas ka ay okay na ako. Masaya na ako," malumanay niyang saad na ikinatitig ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay biglang nagtalunan ang lahat ng lamang-loob ko sa loob ng tiyan ko. Anong ibig niyang sabihin na masaya siya kung ligtas ako?
Parang gusto ko na yatang tumalon ng pagkataas-taas!
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit pero huwag na lang. Baka bigla pa niyang bawiin ang sinabi niya eh. Sayang naman ang kilig ko.
"Ahm, t-thank you. I know, h-hindi sapat ang thank you lang but thank you pa rin. S-Sabihin mo lang k-kung anong kailangan kong gawin p-para makabawi ako sa pagligtas mo sa akin."
"Really? You'll do everything?"
Bigla akong natigilan at napalunok sa klase nang pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko ay naging triple pa ang paglagabog ng dibdib ko.
"Ahm, y-yeah. P-Pero 'yong kaya ko lang. W-Wala akong pera eh."
Bigla naman siyang natawa na ikinatitig ko sa kanya. Pakiramdam ko ay bigla akong inilipad sa alapaap nang matunghayan ko ang napakagwapo niyang ngiti. Naglitawan sa paningin ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
"Parang sinabi mong manggagantso ako, ah."
"H-Hindi naman sa gano'n. P-Pasensiya na." Halos mapatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang hiya. Alam ko naman kung gaano siya kayaman. Isa sila sa mga pinakamayayamang estudyante sa buong Unibersidad na pinapasukan ko.
Pero dati lang 'yon dahil naka-graduate na siya at ako ay ga-graduate pa lamang sa college. Si Yesha na lamang, ang bunso niyang kapatid ang naiwan doon. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit palagi ko pa rin siyang nakikita doon?
Siguro ay para sa kapatid niya. Siguro ay mahigpit siyang kuya at binabantayan niya ang bunso niyang kapatid na medyo may pagka-spoiled brat.
"A'right, isa lang ang gusto ko bilang kabayaran mo."
Muling napabalik ang paningin ko kay Rhyan. Kinabahan akong bigla sa gusto niyang hinging kapalit sa akin.
"A-ano 'yon?"
Nanginig ang mga tuhod ko nang muli niyang kunin ang isa kong kamay at marahan niya itong pinisil. Kakaibang init ang inihatid nito sa aking katawan. Kakaibang haplos sa puso ko.
Hinila niya ako at muling inilapit sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at ini-angat kaya naman muli na namang naglapit ang aming mga mukha.
"Dahil may utang ka sa akin..." bulong niya sa aking mukha habang tini-trace ng thumbmark niya ang nangangatal kong mga labi. "In return..."
"A-ano?" Halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
"I want you...to always be by my side. Huwag na huwag kang lalayo sa akin. If you're going somewhere, I should be with you. 'Cause from now on...you are my GIRLFRIEND and I already OWN YOU," bulong niya sa akin habang palipat-lipat ang kanyang paningin sa aking mga mata at bababa sa aking mga labi. Ni-emphasize pa niya ang salitang girlfriend at own you.
"G-girlfriend?" Bigla naman akong natulala sa kanyang sinabi.
"Yeah, may angal ka ba do'n?" Napansin ko ang pagkagat niya sa ibaba niyang labi kaya bigla itong namula.
"Ahm, w-wala po." Napalunok ako at napansin ko naman ang ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. Hindi ko magawang alisin ang aking paningin doon.
"Good. Let's go home, Yeobo." Umakbay na siya sa akin at inakay na ako sa paglalakad. "I can give you a kiss, anytime you like," bulong niya pa sa tainga ko na ikina-init naman ng pisngi ko!
Napansin ko naman mula sa gilid ng mga mata ko ang pag-iling ni Accel habang nakatitig sa aming dalawa ni Rhyan, na para bang hindi niya gusto ang nangyayari. Ayaw ba niya sa akin?
And wait, anong ibig sabihin ng sinabi ni Rhyan? Yeobo? At 'yong h-halik...ibibigay niya ba talaga sa 'kin 'yon? Oh my God!