"ANO'NG nangyari sa'yo?" tanong ni Dale kay May pagkabalik niya sa unit nito. Nakapagtataka ang naging aura ni May ngayon, dahil kung kanina bago siya lumabas ay nakangiti siya at masayang-masaya dahil gagawin niya raw ang lahat para mapasama si Sunset sa gala namin ngayon kahit na kasama nila ako sa gala nila, ngayon ay nakasimangot na siya at tila may malalim na iniisip. "Wala," maikling turan lang ni May sa kan'ya. "Hindi raw sasama si Sunset. Tayo na lang muna ang maggala ngayon, tulad ng dati. Nami-miss ko na rin kayong makasama sa galaan, eh, kahit kayo lang lagi ang kasama ko." Punong-puno ng kalungkutan ang boses niya, at kung napansin ko iyon, sigurado ako na mas napansin iyon ni Dale. "Mark," pagtawag sa akin ni Dale sa akin bago niya inabot sa akin ang susi ng kotse niya. Ko