“I’M SORRY." Iyon na lang ang nasagot ko dahil hindi ko alam kung paano ko itatanggi na nasa ibang dimensiyon nga ang utak ko gayong siya ‘tong kausap ko. Tama naman kasi siya, eh. Palutang-lutang itong utak ko at sa dinami-rami naman ng taong puwede kong isipin, si Mark pa talaga, eh naiinis nga ako sa mokong na ‘yon ngayon! “Thank you nga pala,” dagdag ko pa dahil ang sabi niya ay ang hot ko raw. Kung hindi ako nagkakamali ay compliment ‘yon, hindi ba? Kasi sabi niya ay hot daw ako, eh. Hindi naman ako mukhang hot sa paningin ko ngayon dahil hindi naman ako nakasuot ng sexy na damit at mas lalong hindi ako nakabikini pero ang sabi niya ay ang hot ko raw, kaya dapat lang ay pasalamatan ko siya, hindi ba? “For what?” nakaka-intimidate na naman na tanong niya habang nagkakamot siya s