Chapter 16 - That Night (Part 1)

2174 Words

"JEREMIAH." Mapayapa akong umiinom ng soju na binili ko sa 7/11 nang mapatigil ako sa pag-inom dahil sa tinawag ni Sunset sa akin. "Jeremiah?" nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang noo. Nanatiling nakaiwan sa ere ang soju na iinumin ko sana ulit nang tinanong ko siya. "Galit ka ba ngayon?" Tinatawag lang naman niya ako sa pangalawang pangalan ko kapag galit siya sa akin. Kahit na hiwalay na kami ngayon, ganoon pa rin kaya ang pag-iisip niya? Na tatawagin niya akong Jeremiah kapag galit siya? "Oo," sagot niya sa isang mahina na tono, tila ba nawawalan na ng lakas para magsalita. "Galit na galit ako ngayon." Biglang kumirot ang puso ko nang marinig ko 'yon mula sa kan'ya. Sa bigat ng kasalanan mo, Mark, ngayon ka pa ba talaga masasaktan kung sinabi niya sa'yo na galit na galit siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD