“HALA, ayos ka lang?!” parang tangang tanong niya nang makita niya na nalaglag ‘yong maleta sa paa ko mismo. Ni hindi man lang siya kumilos para kunin ‘yong maleta sa paa ko.
Buti pa ‘yong paa ko ay nagagawa niyang tanungin kung ayos lang. Samantalang ako, hindi man lang niya matanong kung ayos lang ako matapos niya akong iwan na parang bula.
Actually, hindi naman masakit maiwanan, eh. Parang kagat lang naman ng dinasour. Para ka lang din sinagasaan ng ten-wheeler na truck. Ganoon lang naman kasakit ‘yong nararamdaman ko na kahit kalian ay hindi niya malalaman dahil ang sakit na nararamdaman ko ay internal at hindi external.
Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay parang sakit ng ngipin. Hindi nakikita ng ibang tao o kaya naman ng kahit sino, pero ako, ramdam na ramdam ko. Ganoon ‘yong pakiramdam to the point na gusto ko na lang bunutin ang puso ko mula sa katawan ko para mamanhid na lang ako nang tuluyan.
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang gusto niya akong yakapin or what pero hindi niya magawa. Para siyang nangungulila na hindi ko maintindihan… na para bang ang tagal niya akong hinintay pero ngayong nandito ako sa harapan niya ay nakatunganga na lang siya at hindi siya makagalaw.
Pero ‘yon nga ba ang nararamdaman niya ngayon? O ‘yon ang gusto kong maramdaman niya dahil ‘yon ang nararamdaman ko at in denial lang ako?
Pero teka, wait, what? Yakapin? Aba, ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin nga niya iyon!
Una sa lahat, gustong-gusto ko siyang sapakin. Ang tanga niya kasi, eh. Nakita na nga niyang nalaglag ‘yong malaki at mabigat kong maleta sa paa ko, tapos tatanungin niya pa kung ayos lang ako? Malamang, hindi! Ang sakit kaya sa paa mabagsakan ng maleta? Feeling ko ay hindi ako makakalakad nang maayos dahil sa sakit ng paa ko ngayon. Charot, ang OA, parang maleta lang, eh.
Teka nga, bakit nga ba ‘to nandito sa harapan ko ngayon? Nandidilim tuloy ang paningin ko. Gusto ko tuloy magsabi ng masasamang mga… words. Charot.
May parte sa akin na natutuwang makita siya ulit, pero mas malaki ang parte sa akin na naiinis dahil nakikita ko na naman ang pangit niyang pagmumukha.
Charot! Masakit man aminin pero hindi siya pangit. Ugali lang niya ang pangit dahil isa siyang dakilang manloloko. Ni hindi man lang marunong magbigay ng explanation bago manloko at mang-iwan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niya ‘yon nagawa sa akin.
I always doubt myself if it’s my fault. Hindi ko kasi talaga alam kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali. Kung may nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan at ikinainis niya kaya nagawa niya akong saktan at gaguhin nang ganoon.
Tapos nandito siya ngayon at tinatanong kung ayos lang ako? Paki niya ba, ha?! Isa pa, mula noong niloko niya ako two years ago, hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng maging maayos.
Ano nga ba ang pakiramdam ng maging maayos at maging mentally stable?
“Mukha ba akong maayos, ha?” Inirapan ko siya bago ko itinayo ang maleta ko. Punyemas naman, bakit kasi siya nanggugulat? Ang sakit kaya sa paa kahit naka-boots ako! Putik na iyan! Buti sana kung makapal ‘tong boots ko pero hindi, eh! Mumurahin lang kasi ‘to, bakit ba? “Saka, bakit ka ba nanggugulat?” dagdag ko pang tanong sa kan’ya. Bakas na ang iritasiyon sa boses ko.
Nakatitig lang siya sa akin ngayon habang naglilitanya ako. Hindi man lang niya ako pinansin kahit na galit na ako sa kan’ya. Mas lalo lang tuloy akong naiinis dahil pakiramdam ko ay wala man lang sa kan’ya ang presensiya ko ngayon habang ako naman ay kinakabahan dahil sa presensiya na. Hindi ko alam kung bakit, pero pasalamat na lang din ako sa katarantaduhan ko dahil kahit papaano ay naitatago ko ang tunay kong nararamdaman.
“Ikaw ang nanggugulat,” sagot naman niya. “Hindi ko alam na may balak ka pa palang bumalik sa Pilipinas, sa lugar nating mahal…”
Umiinit na ang dugo ko sa dahil sa kan’ya at sa mga pinagsasasabi niya pero mas nagtaka ako nang mapansin ko na parang bitin ‘yong sinabi niya.
At nang dinugtungan niya iyon, napadasal na lang talaga ako sa Maykapal.
“…kita,” dugtong niya sabay kindat pa sa akin na naging dahilan para mapangiwi ako. Mas matindi pa ang pagngiwi ko ngayon dahil sa sinabi niya kaysa noong nakakain ako ng Durian, eh!
Napahilot na lang ako sa sentido ko bigla. Lord, bakit po ba ganito ang first day ko sa Pilipinas? Bakit naman siya pa talaga ang kailangan kong makita sa araw na ‘to? Sa dinami-rami naman po ng tao rito sa Pilipinas! Puwede naman na 'yong mga b.itch kong workmates na lang dito ang makita ko, eh! Mas kakayanin ko siguro ‘yon kahit na siniraan ako at tsinismis ng mga bruhang ‘yon last time, pero bakit siya pa?!
Puwede kayang sapakin ko na lang siya agad ngayon para kapag hinimatay siya eh wala na akong kakausapin? Chos. Good girl ako, okay? Dito ko na magagamit ang mga tinuro sa amin sa seminar sa States dati na tungkol sa patience. Patience, okay? Kaya mo ‘yan, Sunara Suzette!
Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako roon sa entrance kung saan idinadaan ang mga wheelchair. Ano nga ulit ang tawag dito? Nakalimutan ko na, ano ba naman ‘yan. Basta iyon! Ang mahalaga ay dito ko idadaan ang maleta ko para naman hindi na ako magbuhat!
Akmang hihilahin ko na sana ang maleta ko nang may biglang umagaw nito sa kamay ko. And my gosh, bakit ako nakaramdam ng something na parang kuryente noong nagdikit ang balat naming dalawa? Masyado na akong matanda para sa ganito. Feeling teenager lang ang peg, eh twenty-five na ako at madadagdagan pa ako ng edad sa February. Yikes!
“Excuse me?” I suddenly asked him, raising my right eyebrow. Alam niya ba kung ano ang ginagawa niya? Kakapalan lang naman ng mukha. Parang walang nangyaring lokohan two years ago, ah! Feeling close? Feeling inosente? Feeling walang kasalanan sa akin?
“Dadaan ka?” he teased at tumabi pa nga siya sa gilid habang hila-hila ang maleta ko.
At dahil napaka-corny niya ay hindi ako natawa, o kung sakali man na maging nakakatawa ang joke niya ay gagawin ko ang best ko na hindi tumawa kasi sino ba siya? Siya lang naman ang hinayupak kong ex-boyfriend. Yuck, I cannot deal with him anymore. Bakit ko pa nga ba kinakausap ang isang ‘to?
Please, give me a lot of patience. Ngayon pa lang ay mukhang magkakasala na ako. Where did he get the courage to talk to me after what he did?
What a ruthless j.erk.
“Nakakatawa ‘yon?” Tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya tinitigan nang masama. “Hindi. Napaka-corny mo.”
Inirapan ko lang siya bago ko pinagkrus ang dalawang kamay ko sa dibdib ko.
Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong gawin. Gusto ko siyang sapakin and at the same time, gusto ko siyang yakapin. Ang weird, hindi ba? Kasi gusto ko pa rin siya matapos niya akong lokohin at ipagpalit sa iba.
Parang isang lason si Mark na gustong-gusto kong inumin kahit na alam kong mamamatay lang din ako sa huli. It’s weird, but I can’t even evaluate my feelings. I still love him but it hurts so bad at the same time, lalo na ngayon na gan’yan lang siya umasta na parang walang nangyari sa aming dalawa noon.
Gusto kong sabihin sa kan’ya kung gaano kasakit para sa akin ngayon na ganiyan lang siya umasta kahit na sobrang gulo ng mga pangyayari bago kami maghiwalay, pero gusto ko rin sabihin sa kan'ya na kahit ganoon ay may natitira pa ring pagmamahal sa puso ko na nakalaan lang para sa kan'ya. Ang gulo ko ngang talaga, hindi ba?
Marami akong gustong sabihin pero ito lang ang nasabi ko.
“Alam mo, ang kapal ng mukha mo,” sambit ko bago ako dire-diretsong pumasok sa loob ng building.
Bahala siya sa buhay niya kung saan niya dadalhin ang maleta ko. Nasa maleta naman na dala ni May ang mahahalagang gamit ko kaya ayos lang. Ayaw ko na lang talagang makita ang pagmumukha niya dahil kapag nandiyan siya ay naguguluhan lang ako sa sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako at natutuwa at the same time. Natutuwa ba ako dahil ayos lang siya? Kahit na sinaktan niya na ako ay siya pa rin ang palaging iniisip ko. Kahit noong umalis ako papuntang States ay ang kalagayan pa rin niya ang inaalala ko kahit na dapat ang sarili ko ang iniisip ko noong mga panahon na ‘yon.
Katangahan.
Anyway, he changed a lot. He has a black hair now unlike before. Gray kasi iyan noong kami pa dahil sabi niya ay gusto niya raw magmukhang cool, eh hindi naman nangyari 'yon dahil mukha siyang katol. Isa siyang malaking buwisit.
Ang isa ko pa palang napansin ay mas toned na rin ang katawan niya ngayon. Mayroon pa siyang piercing sa tainga na itim at bilog ang design. Marami man ang nagbago sa kan'ya pero ang bukod-tanging hindi nagbago ay ang labi niya. Malaki pa rin ang upper lip niya at mukhang masarap pa rin ‘yon pisilin katulad noon.
“Palagi mo na lang akong kinukurot!” reklamo niya sa akin habang hawak-hawak niya ang labi niya. Nandito na naman ako sa condo unit niya at nakikinood ng fantasy movie. Mas gusto ko kasi rito sa unit niya kaysa sa sarili kong bahay, eh! Siguro ay dahil mas komportable ako rito dahil na rin sa amoy niya.
His presence feels like home.
“Ang cute kasi ng upper lip mo, eh. Ang laki,” puri ko naman sa kan’ya at akmang kukurutin ko pa sana siya ulit pero lumayo na siya sa akin kaya naman ay napasimangot na lang ako.
“Mayroon pang mas malaki riyan, gusto mo?” Nagtaas siya ng kilay sa akin at agad ko naman siyang hinampas ng unan dahil doon. Alam ko kasi kaagad ang tinutukoy niya kahit na hindi naman ako masyadong m******s, hindi katulad ni May na kotang-kota na yata sa kanonood ng erotic movies at kakabasa ng erotic novels.
“Manyak!”
I shook my head in disbelief. Ay ewan, bakit ko pa nga ba siya iniisip? Hindi niya deserve, okay?
Suwerte niya na lang talaga at nagkaroon siya ng ex-girlfriend na maganda at tunay na tao na katulad ko bago niya nakilala ang girlfriend niya ngayon na mukhang hipon pero halimaw sa loob. Or can I call her a human? I don’t think so.
Char lang doon sa mukhang hipon na part pero totoo 'yong sinabi ko na isa siyang halimaw. Stacey’s pretty, I admit. Kaya lang ay kahit ibaliktad man niya ang Dunkin Donut o ang word na mom, isa pa rin siyang kabit. Mananatili siyang kabit, at kahit na ibayad niya pa ang lahat ng kayamanan niya sa mundo ay mananatili siyang kabit.
Ang ganda-ganda ng mood ko kanina noong kausap ko si May pero ngayon ay sirang-sira na ito. Sana ay tumawag si sir Lean mamaya para naman makausap ko na ulit ang aking prince charming at buuin niyang muli ang araw ko, hay.
“Hello, sis! Ipinaakyat ko na ang maleta mo sa room mo, ha,” bungad sa akin ni May pagkapasok ko sa loob ng building. Nandoon na pala siya sa lobby at hinihintay akong dumating.
Tumango lang ako sa kan’ya bago ako dumiretso sa receptionist para maayos niya na ang mga dapat niyang ayusin bago ako umakyat sa room ko. Ayaw ko kasi ng hassle na bababa pa ako dahil may nakalimutan pa silang gawin. Room 541 pa naman ako, ang taas lang. At kahit mayroon namang elevator ay tinatamad pa rin talaga ako. Charot, excuse ko lang talaga ‘yon kasi ayokong lumabas masyado ng unit ko.
At kakabasa ko lang na nasira raw ang elevator kaya aayusin na muna nila 'yon pansamantala. Maaayos din naman daw mamayang alas-otso ayon sa nakasulat sa notice nila sa pinto ng elevator.
Ito lang ang bukod-tanging iniisip ko ngayon. Nasira ang elevator dahil malas si Mark. Tama, ang galing ko talaga!
“Uy, Dale! What’s up, pare? Grabe ang laki mo na, parang kailan lang ay bata ka pa,” bati ko kay Dale noong napansin ko na katabi pala siya ni May. Nakahawak pa siya sa beywang nito na para bang anytime ay may kukuha kay May mula sa kan'ya.
Anyway, ganito talaga ako bumati, parang gago lang.
Kumaway lang siya sa akin bago niya ibinalik ang kamay niya sa beywang ni May na busy naman ngayon makipagdaldalan sa akin. Sabi na nga ba, eh. Buntot talaga ni May si Dale. Madaling hanapin si Dale dahil kung nasaan si May ay nandoon din si Dale. Parang kambal-tuko lang.
Ang sweet naman ng dalawang ‘to. Parang gusto ko tuloy masuka, charot. Nakaka-bitter, eh.
“Kayo pa rin hanggang ngayon?” nagtatakang tanong ko pero siyempre ay joke lang iyon. Alam ko naman na magtatagal pa sila nang husto dahil sobrang mahal nila ang isa’t-isa. “Seven years na, ah! Masyado naman kayong matatag. Ayaw n’yong i-try mag-break kahit one year lang?”
Agad naman akong sinapok ni May kaya naman napatigil ako sa panggagago ko.
“Joke lang naman, punyemas!” Hinimas ko ang ulo ko gamit ang kanang kamay ko. Feeling ko tuloy ay naalog ang natitirang brain cells ko sa ulo. Kaunti na nga lang ito, eh!
“Bunganga mo, marumi pa rin,” natatawang sabi ni Dale habang inaalis ang buhok na kumalat sa mukha ni May ngayon.
Nakakainis talaga! Ang sweet nila!
May mga oras na naiinggit ako sa kanilang dalawa kasi kahit na pitong taon na silang magkasama, hindi nagbabago ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa. May mga oras na napapatanong ako sa isip ko na baka ay makasalanan ako noon sa past life ko kaya naman grabe ang mga pinagdadaanan ko ngayon, pero at the same time ay masaya ako para sa kanilang dalawa dahil deserve naman nila kung nasaan man sila ngayon.
“Mama mo marumi,” pambabara ko sa kan’ya.
Tumawa lang siya sa sinabi ko dahil sanay naman na sila sa bunganga ko, and as far as I know, parehas kami ni May na ganito mambara. Kaya nga magkaibigan kami, eh. Noong una ay akala ko na isang mahinhin na babae si May, pero noong naging close na kami ay isa pa pala siyang balasubas kagaya ko. Minsan nga ay hindi ko na sure kung sino ang mas balasubas sa aming dalawa, eh.
“Anyway, tantanan n’yo na nga muna ‘yan, lover birds.” Sinita ko na sila dahil naaalibadbaran na ako.
Naiinggit kaya ako, duh! Tapos kakakita ko lang sa ex ko kanina, so please, huwag naman muna nila iparamdam sa akin nang sobra na single ako at hindi ko sure sa sarili ko kung kailan ulit ako magkakaroon ng boyfriend… o kung magkakaroon pa nga ba?
“Inggit ka lang kasi wala kang dyowa,” pang-aasar naman sa akin ni May. Okay naman na sana sa akin na wala akong dyowa pero dahil dinugtungan niya pa ang sinabi niya ay na-badtrip lang ako lalo.
“Bakit kasi hindi mo na lang balikan si Mark?”
Napatahimik ako dahil sa tanong niya. Madali lang iyon sabihin para sa kan'ya dahil ang alam lang naman nila ay naghiwalay kami ni Mark dahil iniwan ko siya papunta sa States at ayoko na sa kan'ya. Alam kong masyado akong masokista dahil hinayaan ko pa na masira ang reputasyon ko rito sa Pilipinas bago ako umalis, pero hindi ko rin naman inasahan na kakailanganin kong bumalik dito para sa trabaho ko.
At sa Nasugbu pa talaga, ha! Sa dinami-rami naman ng lugar sa Pilipinas, dito pa talaga sa lugar na inaayawan ko.
At pumayag naman ang tangang si ako, kaya kung mayroon man akong dapat sisihin? Ako 'yon. Ginusto ko ang trabaho na 'to, eh! Isa akong tanga na sobrang hayok sa promotion!
“Mauuna na pala kami, Sunset.”
Mabuti na lang at nakaramdam si Dale na bigla akong na-estatwa ngayon sa kinaroroonan ko dahil bigla na lang niyang hinatak si Dale palabas ng building. Aangal pa sana si May pero nang buhatin siya ni Dale na parang sako ay wala na siyang nagawa pa.
“Tatawagan na lang kita, ha!” paalala pa ni May sa akin kahit na mukha na siyang kakatayin na baboy ngayon dahil sa itsura nila ni Dale ngayon.
Agad naman akong tumango kahit na hindi naman niya ako nakikita dahil ang layo na nilang dalawa sa puwesto ko.
“Ano ba ‘yan, Dale! Buwisit ka naman, eh!” narinig ko pang reklamo ni May kahit na hindi ko na sila nakikita. Grabe talaga ang boses niya, loudspeaker lang ang peg. Daig niya pa ang naka-microphone, eh!
Napabuntong-hininga na lang ako nang ako na lang mag-isa ang nandito. Ang hirap pala ng sitwayon ko, ngayon ko lang naisip.
Pero kapag nalaman ni May ang totoo, alam kong magagalit siya kay Mark. Magkakagulo pa silang lahat dito. Baka kahit si Dale ay magalit din kay Mark. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila nang dahil sa akin. Aalis din naman ako kaagad dito sa Pilipinas kapag naayos ko na ang mga kailangan kong gawin kaya hindi ko na kailangan pang sirain ang pagkakaibigan na mayroon sila ngayon. Mabilis lang naman ang tatlong buwan… siguro.
Sabi nila, kapag gustong-gusto mo raw ang ginagawa mo ay tatagal ang oras, pero kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo ay sobrang matagal ito… kaya hindi ako sigurado kung magiging mabilis nga ba o matagal ang tatlong buwan para sa akin.
“Okay ka na?”
“Ay, punyeta!”
Hindi ko naman sinasadyang magmura nang sobrang lakas. Hindi rin naman ako nagmumura kapag kausap ang ibang tao unless si Dale or May ang kausap ko pero napamura lang talaga ako bigla dahil akala ko ay mag-isa ako tapos may magsasalita sa tabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat doon, ‘di ba?
“Bakit ang hilig mong magmura?” tanong ni Mark sa akin habang nanonood kami ng vampire movie. Ang sabi nila ay maganda ito, at tunay naman iyon.
Pero itong si Mark, parang walang interes sa pinanonood namin. Mas gusto niya pa yata akong panoorin kaysa manood nitong palabas. Ang adik lang.
“Wala lang,” saad ko bago ako nagkibit-balikat. "Hindi naman talaga ako palamura, eh. Si Dale at May lang ang gustong-gusto kong minumura talaga, tapos ikaw din kapag nabubuwisit ako sa ‘yo. Bakit mo natanong?”
“Wala lang din,” sagot niya pabalik. “Minsan lang ay hindi ako komportable kapag naririnig kang nagmumura. Kung ako ang masusunod ay ayokong nagmumura ka, pero ang gusto ko, ikaw mismo ang magbago noon sa sarili mo at hindi manggagaling sa akin.”
“Paki mo na naman ba?” naiinis na singhal ko sa kan'ya.
Naiinis ako dahil sa bawat minuto na nakikita ko siya ay marami akong naaalala. Ibinaon ko na ‘to lahat sa limot, eh. Kainis naman talaga! Parang isang tangang CD ang utak ko na paulit-ulit nagre-replay ng mga alaala na ayaw ko namang alalahanin!
Napatingin ako sa kamay niya at napansin ko na dala-dala niya pa rin pala ang maleta ko sa kanang kamay niya. Kukunin ko na sana iyon sa kan’ya pero agad niyang inilihis iyon nang mabasa na under maintenance ang elevator.
“Bunganga mo,” wika niya sa akin habang umiiling nang bahagya. “Saan ang room mo?” dagdag niya pang tanong.
“Wala kang paki, okay? Wala,“ untag ko. Ang kulit naman ng isang ‘to. "Sino ka ba sa inaakala mo?"
“Ang tigas pa rin ng ulo mo,” saad niya bago niya ako sinamaan ng tingin. Ni hindi niya pinansin ang tanong ko,
Wow, ha! Ako pa raw ang matigas ang ulo? At teka lang, siya pa ang galit sa akin ngayon?! Kakaiba siyang talaga!
“Ikaw naman, ang kapal ng mukha mo," sagot ko sa kan'ya bago ko nagpameywang sa harap niya. "Tanong ko lang, wala ka bang kahihiyan? Nagka-amnesia ka ba?”
He accidentally loosens his grip on my luggage bag because of my question. I grabbed that chance to steal the luggage bag away from him. Mabuti na lang at hindi na iyon nalaglag sa paa ko.
“Please," pakiusap ko sa kan'ya. "Kung wala ka namang gagawing matino, just shut the f.uck up and let me have my stay here in peace.”
I started to walk onto the janitor while Mark was left dumbfounded. Buti nga sa kan’ya!
“GRABENG workout naman ‘to,” reklamo ko nang makarating na ako sa unit ko gamit lang ang hagdan. Sana talaga ay maayos na ang elevator mamaya dahil baka ito pa ang maging cause of death ko, charot not charot.
Nakita ko na nakalagay sa tapat ng pintuan ko ang isang maleta ko kaya naman ipinasok ko na ito sa loob ng condo unit pagkatapos kong i-scan ang card key ko sa pinto. Mamaya ko na lang siguro ito lalagyan ng pin code kapag natapos na akong mag-ayos ng gamit ko. Siguro ay 1111 lang din ang ilalagay ko dahil isa akong dakilang makalilimutin.
Ibinalibag ko ang mga maleta ko sa gilid bago ako tumakbo ako papunta sa kama ko na kaagad ding makikita pagkapasok sa pinto. Hindi naman kasi kalakihan ang mga unit dito. Sa loob ng isang room ay sama-sama na kaagad ang kama, ang sala, ang kusina, at ang banyo. Sa gilid ng kama ay mayroong study table dahil isinali ko ito sa request ko. Madalas kasi na roon ako pupuwesto kapag nagsimula na akong mag-edit ng documents para sa trabaho.
Pagkasalampak ko sa kama ay ibinaon ko kaagad ang mukha ko sa unan at sumigaw para mailabas ko ang inis ko.
"Kingina mo, Mark!” Iyon agad ang una kong nasambit. Wala na akong iba pang nasabi pagkatapos no’n dahil sumigaw na lang ako nang sumigaw. Hindi ko na rin napansin na nag-uunahan na palang tumulo ang luha ko habang inaalala ko ang pagkikita namin kanina na nagdala na naman sa akin papunta sa nakaraan.
Ang tanga ko ba dahil dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakaka-move on? Ang tanga ko ba dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na masasagot ang mga tanong sa isipan ko?
Ang tanga ko ba dahil sa loob ng dalawang taon, mahal ko pa rin ang taong wala namang ibang ginawa kung hindi gaguhin lang at paglaruan ang nararamdaman ko?
“Oo, Sunset. Tanga ka. Tanga.” Sinagot ko na ang sarili ko bago ko ibinaon ulit ang mukha ko sa unan habang inilalabas ko ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak ko.