LAKAS SILANGANAN “MA, HINTAYIN MO ako!” sigaw ko. Hindi pa man tuluyan na makalabas si Madam sa pinto ay napahinto siya sabay lingon sa akin. Pagkatapos, tumawa siya na para bang natutuwa pa siyang nagkakaganito ako. Sinenyasan naman niya akong lumapit kaya agad akong tumayo patungo sa kanya. “Ano iyong sabi mo? Kakandong ka kay Don Thomas? Bakit mo naman gagawin iyon?” maangas kong tanong. “It was a joke, okay? Hindi pa ako baliw. Natatawa lang ako sa iyo kasi para kang nagseselos though never naman iyon mangyayari dahil hindi mo ako gusto at the first place,” sagot niya. “Pero bakit parang tinatakot mo ako?” “I’m just having fun with you. Dahil alam ko rin naman na susunod ka sa akin. Knowing you for a meantime. . . kilala ko na ang kalahati sa ugali mo.” “At tama ka po roon. Pas