LAKAS SILANGANAN NANDITO AKO SA isang duyan na gawa sa isang pinagbuhol-buhol na lubid. Nakahiga lang ako habang panay kuha ng larawan sa sarili ko. Siguro, mga mahigit isang oras na rin ako rito. Ang ipinagtataka ko, bigla lang ako nawala sa mood. Ang saya ko lang kanina pero ganito na ang nangyari. Para bang pinagkaitan ako ng mundo na lumigaya. Habang tinitingnan ang mga kuha kong larawan, napakunotnoo na lang ako sa mga nakikita ko. Wala man lang ni isang nakangiti. Lahat ng mga iyon ay nakasimangot. Napabuntonghininga na lang ako sabay silip sa restaurant. Nandoon kasi sina Madam dahil sinamahan niya si Don na kumain. Hindi naman sana bata si Don para samahan pa, ’di ba? Ako dapat ang sinasamahan niya dahil mas bata ako kumpara kay Don. Napanguso naman ako nang makitang nagtawa