LAKAS SILANGANAN “MA, ANO PO ang sagot ninyo? Sabi ninyo po ay aalagaan ninyo ako,” sabi ko. Ngumuso pa ako para mas mukhang cool. Bumuntonghininga siya. “Oo na. Halika na. Ang arte mong bata.” Natapos iyon masabi ni Madam ay may ibinulong muna siya kay Sir Landi at sa isa pa niyang kaibigan. Pagkatapos, nilingon na niya ako at sinenyasan na tumayo. “Tulungan mo ako, Mama,” sabi ko. “Batang ito,” reklamo niya. Sana hindi pa siya mainis sa akin. Pagtayo ni Madam, inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon at nagmadaling tumayo. Pagkatayo ko, nagsimula na kaming humakbang paalis. Habang naglalakad, magkahawak ang mga kamay namin ni Madam. Para tuloy kaming magkasintahan sa pelikula na may pamagat na ”The 20 Years Gap”. “Ma, nang-iinit na po ang katawan ko,” sabi ko. Napal