KABANATA 9

1287 Words
LAKAS SILANGANAN HABANG TUMATAKBO NANG paatras, napatigil ako nang lumingon sa akin si Hiyas. Nang nakita niya ang ginawa ko ay tumawa siya. Hindi nagtagal, sinenyasan na niya ako na lumapit sa kanya. “Totoo po?” tanong ko. Nang tumango si Hiyas, agad ako napatakbo pabalik sa kanya. Pagdating ko sa tapat niya, agad akong yumuko bilang respeto o pagbigay pugay. Hindi nagtagal, umayos na ako ng tayo at tiningnan siya. Muli na naman siyang tumawa kaya napakunot na ang noo ko. Para tumigil siya, kinurot ko ang pisngi niya. Ang akala ko ay titigil siya sa ginawa ko, pero mas lalo lang siyang tumawa. Mukha siyang iba. Binitawan ko na ang mukha niya. “Ano ba ang meron?” “Naalala ko lang iyong ginawa mo. Bakit ganoon iyong takbo mo? Para kang sira,” aniya. “Iyon lang pala. Gusto ko maiba. Iba po kasi ako. Pero ikaw po? Bakit ka tumakbo? Iniiwasan mo ba ako? Gusto ko lang naman sana maging friends kita kasi wala akong friends na kasing-edad mo rito.” “Nope. Nahiya lang talaga ako,” aniya. “S-Sa akin?” nauutal kong tanong. Tumango siya habang nakangiti. “Sa ginawa ko na kanina. I guess, alam mo na iyon.” Napatango-tango na lang ako sapagkat alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Pero ano ba dapat ang gagawin ko? Kailangan pa ba namin pag-usapan iyon? Sa tingin ko ay oo para iba. “Hiyas, bakit mo iyon tinitigan?” matapang na tanong ko. Bumuntonghininga siya. “Nabigla lang ako. Hindi lang ako sanay.” “Ganoon lang pala. Sorry sa posisyon ko. Hindi ko man lang naisip na may mga babae rito. Alam mo bang naisip ko na gusto mo lang kumain—” “Hindi, ah! Hindi ako kumakain ng itlog,” sabi niya. “Ang ibig kong sabihin ay mga luto ng itlog. Ikaw, ha!” panunukso ko. Napatawa ako bigla sa iniisip niya. “Sorry. Bakit ka ba nandito sa labas?” “Gusto ko lang magmuni-muni. Naninibago lang kasi ako sa environment. Ang tahimik. Sa amin kasi, maingay. Maliban na nasa tabi kami ng kalsada, maingay ang mga kapatid ko.” “Gwapo rin siguro mga kapatid mo.” Napangiti ako. “So napopogian ka sa akin?” “Wala naman sigurong magsasabi na hindi. Hello? Kumukha mo kaya si Uncle Thomas—iyong lalaki sa loob. Mukhang same kayo ng lahi. Sana tama ang hula ko.” “Oo. Nag-usap na kami. Isa rin siyang portuguese. Pure nga lang siya. Ako, half cook.” “May I know kung sino sa mga magulang mo?” interasado niyang tanong. “Ang ama ko na hindi ko pa nakilala.” “Totoo? Sorry.” “Okay lang. Sanay na naman ako pag-usapan siya. Hindi rin naman ako nalulungkot kasi mahal ko siya. Iyon nga lang, tago ang pagmamahal ko sa kanya,” pagkwento ko. “Paanong tago?” “Nagagalit si Mama. Noong nabuntis kasi si Mama ni Papa, pinalayas siya ng pamilya ni Papa. Tapos si Papa naman ay walang balls. Hindi man lang tinulungan si Mama. Anyways, OFW ang mama ko. Anak si Papa ng ama niya. Mga grannys ko. Mayaman pala ang papa ko.” “Totoo. May tanong ako, hindi ka ba galit sa kanya?” “Hindi. Mahal ko pa nga.” “Paano nangyari iyon?” “Dahil papa ko pa rin siya. Gusto ko nga siya makita at tanungin kung bakit hindi niya ako mahal. Siguro kung malaman ko ang sagot niya at hindi pabor iyon sa akin. Masasaktan lang ako pero mahal ko pa rin siya.” “Sino ba ang hindi masasaktan? Pero bilib ako sa iyo, ha? After what he did to your mom, love mo pa rin siya. Masarap ka siguro magmahal.” “Aakbayan po kita, ha? Gusto ko lang mag-feeling close para iba.” Hindi pa man nakasagot si Hiyas ay inakbayan ko na siya. Hindi lang iyon, humakbang na ako habang akbay siya kaya sabay na kaming naglakad sa hallway. Hindi naman siya umalma at hinayaan lang ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ko rin alam kung masarap ako magmahal. Wala pa kasi akong girlfriend simula noong bata pa ako.” “Sa gwapo mong iyan?” “Hindi ko lang kasi alam kung paano sisimulan. hindi pa kasi stable ang life ko. Nakakahiya rin kasi kung hindi ko kayang librihin ang maging girlfriend ko. Wala akong maibigay sa kanya. Iyong kita ko sa yema, enough lang iyon para sa family at special needs ko.” “Practical ka pala.” “Sobra. Kasi ang mahalaga sa akin, ang pamilya ko. Pero ano pala. . . wala pa akong nagustuhan kahit isa.” “Totoo? Iyong love talaga?” “Oo. Pero appreciative naman akong tao. Katulad sa kapatid mo—si Busilak? Siya una nakita ko sa inyo. Ang ganda niya. Tapos sinundan pa iyon noong nakita ko si Madam. Grabe! Parang siyang kapatid ninyo lang. Pagkatapos, sumunod ka. . . para kang anghel sa aking mga mata. Ang huli kong nakita, si Banal. Doon pa lang, masasabi ko na ang gaganda ninyo ng lahat.” “Salamat for the appreciation.” “Pero mas maganda ka para sa akin kasi ang hinhin mo,” sabi ko. “A-Ako?” natatawang tanong ni Hiyas. “Oo.” “Hindi mo pa ako kilala.” Huminto ako sa paglalakad at binitawan siya. Pagkatapos, pumunta ako sa harapan niya. Ipinatong ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya at tinitigan siya. “Hindi ka ba mahinhin?” tanong ko. “Wala akong sinabi.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Pagkatapos, tinitigan niya ako habang ang lapad ng ngiti. Tinigisan naman ako sa titig niya pero hinayaan ko lang siya sa ginawa niya sa akin. “Hoy! Kinakabahan ako,” pag-amin ko. “Biro lang. Bagay ba akong maging seducer?” “Oo. Tiniga—ah. . . tinigalog mo sana ang seducer para mas maganda,” sabi ko. Sana lusot para iba. “Tinigasan ka sa akin?” “Hoy! Tinigalog sabi ko. Iba ka rin, ah. Alis na nga. Tinigasan tuloy ako. Bahala ka riyan!” Natapos kong masabi iyon ay umalis na ako. Natatakot na tuloy ako sa kanya. Baka kung magpatuloy siyang ganoon sa akin, matitikman ko siya. Halata pa naman na masarap siya. Habang naglalakad, hindi ko mapigilan na mag-isip ng masarap. Paano kung may mangyari sa amin? Papayag kaya siya? Pero mabait naman siguro siya at sinusbukan lang ako. Sa tingin ko, ganoon na nga. Kasi kung inaakit niya ako na intensiyon niya talaga, iba na siya. Hindi siya anghel. Anghelibog na siya. “Lakas!” pagtawag niya sa akin. Nilingon ko siya... “Naiinis ako sa iyo,” sagot ko. Tumawa lang siya kaya lalo lang akong nainis sa kanya. Paano niya nagawa iyon sa isang inosenteng binatilyo na tanging pagsasarili lang ang alam? Sa titig at himas niya sa kamay ko kanina, nakaramdam ako ng kakaiba. Parang iba siya! Bumuntonghininga ako. Kapag ako mas mainis? Bibigay ako sa kanya! Titirahin ko siya habang nagwawalis. “Hoy! Friends na tayo, ’di ba?” aniya sabay tawa. “Hoy! Naiinis na ako, ha!” sigaw ko. “Halika, Lakas,”aniya sa malanding boses. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa boses niya. Sa inis ko, nilapitan ko na siya. Bahala na si Batman! Kung may mangyari man sa amin dalawa, uulit-ulitin ko iyon para iba. Pagdating ko sa tapat niya, muli siyang tumawa. Sa inis ko, hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa madilim na parte para hindi kami makita. “Ano, Hiyas? Subo o tuwad?” panghahamon ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD