CHAPTER THIRTEEN

1271 Words
Dristan Cole's POV: "Dristan, I need to talk to you. In person," sambit ni Scarlett pagkasagot ko ng tawag. "Why? May nangyari ba?" Tanong ko sabay pinark ang kotse. Kakarating ko lang sa Gala hotel kung saan may kikitain ako. Lumabas ako ng sasakyan at nagsimula nang maglakad papunta sa lobby. Sikat ang hotel na ito pero kokonti lang ang mga tao rito dahil isa itong luxurious hotel, tanging mga mayayamang tao lang ang nakakapasok rito. "Si papa.. pinalayas n'ya ako sa bahay." Nang magsalita si Scarlett ay saktong nakapasok na ako sa loob ng hotel. Natigilan ako at napakunot ang noo, "bakit?" "He was mad.. galit s'ya dahil nawala ako ng isang taon. Dristan, I don't know what to do. I thought pagbalik ko magkakasama na ulit kami ni Papa but I'm wrong. He's mad at me." Rinig kong naiiyak ang tono ng boses n'ya. "Scarlett-" "Dristan?" Hindi ko natapos ang sasabihin nang may babaeng tumawag sa akin at humawak sa balikat ko. Mabilis akong napalingon at nakita ang kaibigan ko. "I was right!" Ngumiti s'ya at mabilis na niyakap ako. "Dristan?" Nang marinig kong nagsalita si Scarlett ay binaba ko na agad ang tawag. "Who are you talking to?" Kumalas s'ya sa pagkakayakap. "Bakit mo binaba? Something like.. Scar yung name n'ya. Scarlett?" Nakakunot noo n'yang tanong. "You heard it wrong, I'm talking with Sky, a friend of mine from korea." Ngumiti ako upang ipakitang kalmado ako at hindi nagsisinungaling. "Ohh, I see. So.. how was your vacation in Korea?" Tanong n'ya sabay kumapit sa braso ko at hinila ako. "Anyways, let's go sa hotel room ko muna. Nagpadala ako ng favourite snack and coffee mo." "Thank you, Kyla." Ngumiti ako at sinundan s'ya. Kyla Villaforté is a high paying model. She's a friend since our teenage days. Nang maging college kami ay naging busy nga lang kami at wala nang gaanong komunikasyon sa isa't isa. Pero simula nang maging sila ni Caleb Kier ay aware ako doon. Highschool pa lang nang maging sila at minsan ay nakakasama ko rin si Caleb. I just don't know what she saw in Caleb back then para ma-in love sa isang lalaking iyon. Matapos naming bumaba sa elevator ay naglakad pa kami ng kaonti tapos ay huminto sa pintong puti, "we're here!" Mabilis n'yang tinapat ang fingerprint sa bandang doorknob tapos ay bumukas ito. Pagkabukas ng pinto ay agad na bumungad ang magarang unit n'ya. Sobrang lawak rito at kokonti lang rin ang gamit kaya naman sobrang linis tignan. Pumasok kami sa loob at sinundan ko s'ya papunta sa dining area tapos ay umupo sa dining table. Nakahanda na rito ang meryenda. "It's been so long since we had the time to talk like this," simula n'ya tapos ay inabot sa akin ang kape ko. Caramel coffee ito, ito ang paborito kong kape noon at ngayon ay hindi na. "We need to catch up." "Definitely," sagot ko sabay humigop sa kape tapos ay ngumiti. "Four or almost five years tayong nawalan ng communication," nakanguso n'yang saad sabay sumubo ng egg pie. "So.. how's your modeling career?" Tanong ko sa kan'ya habang pinagmamasdan ang expression ng mukha n'ya. "Well, it's going smooth naman. Actually, I've been earning quite high from modeling," nakangiti n'yang sambit. "And that's not all! I'm currently training to become an actress na rin." "Wow, that's impressive, Kyla." I had to act surprised even though I already knew about it. "How about.. your love life? Kayo parin ba ni Caleb? Kamusta naman kayo?" "Uhmm, we actually had a fight." Bumagsak ang mga balikat n'ya. "He's been too busy with work lately and I felt like sinisingit n'ya na lang ako sa schedule n'ya. He's not making an effort to make a time to see me." "If he's too busy.. why don't you make yourself busy more?" Tanong ko sabay sumubo ng tinapay. "I'm telling you, kung gusto ka pa rin n'ya, hahanapin ka n'ya. He will miss your presence." "Well.. I guess I should try that," medyo nagdadalawang isip n'yang sagot. Nang makitang magsasalita s'ya agad ko s'yang inunahan. "Hindi ba.. nagkaroon ng ibang babaeng fiancé si Caleb?" I acted confused, "what happened to them? I was too busy back then kahit mga articles ay hindi ko mapaglaanan ng oras basahin." "Oh.." nakita kong napakagat s'ya ng labi at napatingin sa kaliwa n'ya. "They broke up," sagot n'ya tapos ay tumingin s'ya sa akin. "Caleb is still in love with me and I am too. Kaya n'ya lang naman naging fiancé ang babaeng iyon ay dahil pinilit s'ya ng mga magulang n'ya. He had no choice pero noong ikakasal na sila dapat, naglakas loob na s'yang hindi sumipot dahil ayaw naman n'yang pagsisihan iyon. Caleb loves me, Dristan." "How about the girl?" Tinignan ko s'ya ng seryoso sa mga mata habang tinatanong ito. "How is she doing? Mukhang nasaktan s'ya." Napalunok si Kyla nang marinig ang sinabi ko. "I don't know about her, Dristan. Sabi ni Caleb she doesn't have a nice and pleasing personality tulad ng appearance n'ya. For sure hindi n'ya rin naman minahal si Caleb ng totoo. Mukha ngang nahulog lang s'ya dahil sa itsura ni Caleb at yaman." Kyla is trying to defend herself even though she's the one at fault. "How about you? Kamusta ka naman? Don't tell me until now wala ka paring girlfriend?" I could feel she's trying to avoid the conversation about her and Caleb. "Well.. you're actually right," sagot ko sabay tumawa nang mahina at napailing. "Seriously, Dristan? I'm starting to think na baka ako talaga yung gusto mo kaya hindi ka naggi-girlfriend!" She was right actually but that was before she fell for Caleb. I liked her and loved her during our teenage days. "Pero seryoso, wala parin talaga?" Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. "How about.. that.. Skye? Yung kausap mo kanina sa phone?" Agad kong naalala si Scarlett nang banggitin n'ya ito. Sht, Scarlett was crying earlier and I just drop the call. "She's just a friend, Kyla. Nothing more and nothing less. Just a friend." Tumawa s'ya nang mahina at ininom ang iced coffee n'ya. "Oh well, let's see kung kaibigan nga lang talaga." Mabilis kong inubos ang kape at muntik pa akong maubo nang mapaso ang dila ko. "Dristan! Are you okay? Bakit mo tinungga yang hot coffee mo? Are you insane?" Mabilis s'yang napatayo at kumuha ng tubig. "Alam kong nakakabaliw ang mag-doctor pero hindi ko ine-expect na pati sa pag-inom ay wala ka sa sarili." Inabutan n'ya ako ng tubig kaya naman tinanggap ko ito at ininom. "I just remembered, may kailangan pala ako agad puntahan." Nilapag ko ang baso sa lamesa at tumayo, "mauna na muna ako. I'll message you again." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin n'ya at agad na akong naglakad papalabas ng unit n'ya. Habang nakasakay sa elevator ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Scarlett. I hope she's doing okay. We couldn't afford to flop this mission, kailangan kong mabalik sa sarili si Scarlett. "Dämn," mahina kong saad nang hindi s'ya sumasagot ng tawag kaya naman binalik ko na lang ang phone sa bulsa ng pants ko. Pagkabukas ng elevator ay dali-dali akong naglakad papunta sa parking area at sumakay sa kotse ko. Pagkabukas ko ng makina ay natigilan ako dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Scarlett. Wala akong alam na lugar dito sa Pilipinas kung saan s'ya pwedeng magpunta. Huminga ako nang malalim at sinubukang mag-isip. Ang tanging naiisip ko lang na lugar ay ang resort kung saan nagtangka s'yang tapusin ang buhay n'ya. Mabilis na akong nagpaandar ng sasakyan papunta roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD