CHAPTER FOURTEEN

1244 Words
Evelyn Scarlett Grace's POV: Hindi ko alam kung bakit sa Aqua paradise resort ako dinala ng mga paa ko. Dito nagsimula ang lahat, dito ko nakita ang totoong kulay ni Caleb, dito ko naranasang ipahiya sa harap ng napakaraming tao at dito ko rin nakilala si Dristan na tinulungan akong magbago. "Ma'am? How may we help you?" Tanong ng babaeng staff na nakatayo sa counter. "One room with one bedroom," sagot ko sa kan'ya sabay nilabas ang wallet ko. Puro card galing kay papa ang laman nito at dahil sa nangyari kanina na pagtaboy n'ya sa akin ay nahihiya akong gamitin ito. "Studio type na lang pala," agad kong bawi sa sinabi kanina dahil kailangan kong magtipid. Limited lang ang cash ko at kailangang mapagkasya ko ito. "One studio type costs 2k per night, is that all right po?" Tanong n'ya habang nakangiti. Hindi ako sumagot at tumango lang sabay naglabas ng pera. "Can I have your details po? Such as name, contact number along with your current home address?" "Evelyn Scarlett Grace," sambit ko sa pangalan ko at sunod kong sinabi ay ang contact number ko pati na rin ang address sa bahay. "Hmm.." nakita kong napakunot ang noo n'ya habang nagta-type. "May record na po pala kayo dito." Mukha s'yang naguguluhan tapos ay tumingin sa akin. "Can I have your I.D. po?" Kinuha ko ang I.D. ko at saglit akong natigilan nang makitang lumang litrato ko pa pala ang nakalagay rito. Medyo malayo ang itsura ko dito. Sobrang taba pa ng pisngi ko at ang dull ng itsura ko. "I haven't renewed my I.D. yet since kakauwi ko lang from my vacation in Korea," paliwanag ko sabay inabot sa kan'ya ang I.D. Nang tignan n'ya iyon ay binalik n'ya ang tingin sa akin tapos ay nanlaki ang mga mata, "ma'am Evelyn?" Hindi makapaniwala n'yang saad. Dahil sa sinabi n'ya ay pinagmasdan ko ng maigi ang mukha n'ya at dito ko lang s'ya nakilala. S'ya ang stagff na pumigil sa akin noon dito sa resort. "That's me. Now, can I have my room please?" Gusto ko na mapag-isa lalo na't bumabalik ang mga alaala sa akin ng nakaraan. "Yes, right away." May kinuha s'yang card tapos ay inabot ito sa akin. "You may call us if you have any concern regarding the room po. Thank you!" Tumango lang ako tapos ay kinuha ang card at naglakad na papunta sa elevator. Mabilis naman akong nakarating sa room ko, iniwan ko na lang sa bandang pintuan ang luggage ko tapos ay dumiretso ako sa kama at humiga rito. Pinikit ko ang mga mata ko. "Sobrang ganda dito, Caleb." "That's why I brought you here. Gusto kong ma-enjoy mo itong favourite resort ko." "Thank you, Caleb." Agad akong dumilat nang maalala ang unang beses ko dito kasama ang lalaking iyon. "Arghh!" Gumulong ako sa kabilang side ng kama at napasimangot. Hindi ko dapat s'ya inisiip ngayon pero bigla na lang pumasok ang alaala na iyon. Tumayo ako at huminga nang malalim, "I need fresh air," mahinang sambit ko sa sarili. Tama, baka kailangan ko nga lang ng preskong hangin kaya ako nagkakaganito. Lumabas ako sa room ko at pumasok sa elevator. Pipindutin ko sana ang 1st floor pero nang makita ko ang rooftop floor ay dito ako nagtungo. Pagkabukas ng elevator ay lumabas ako sa rooftop at agad na bumungad ang malamig at preskong hangin sa mukha ko. Ginala ko ang paningin rito at nakitang ako lang ang tao. Usually ay nasa pool or bar ang mga customers. They prefer those place rather than here where you can see everything from above. Marahan akong nagpunta sa railing at sinandal ang mga siko ko rito habang pinagmamasdan ang baba kung nasaan ang pool at napakaraming ilaw. Hindi lang ang pool ang kita rito, kita rin ang mga puno na nakapalibot sa resort pati na rin ang tanawin ng mga malalapit na bundok. Tumingala ako at pinagmasdan ang langit, medyo orangey ito dahil pasunset na kaya naman hindi nakakasilaw, nakakarelax itong pagmasdan lalo na't maraming mga grupo ng ibon ang nagsisiliparan. "Hay.." mahina kong inunat ang mga kamay. "I miss it here." Bigla akong nakarinig nang phone na nagri-ring kaya naman napalingon ako. Wala namang ibang tao rito. Actually, puro mga halaman nga lang. Sinundan ko ang tunog at papunta dito sa left side ng rooftop kung saan may bench. Nang makita kong may lalaking nakahiga roon na tulog ay agad akong natigilan. "Dämn it.." mahinang saad n'ya sabay kinuha ang phone sa bulsa ng pants tapos ay pinatong sa tainga ito habang nakapikit parin. "What? I'm sleeping. Hindi ba sinabihan ko kayo na icancel ang lahat ng schedule ko for this day? I want to take this day as my off." Nang makita kong dumilat s'ya at umupo ay mabilis akong nagtago sa likod ng puting poste sa tabi ko. "Fine. I'll come but give me an hour. Malayo ako sa office." Narinig ko ang mga yapak n'ya at kung papasok s'ya sa loob ay paniguradong madadaanan n'ya ako. Sht! Anong gagawin ko?! Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa para magkunwaring may kausap rin pero dumulas ito sa kamay ko gawa ng kaba at panginginig ng kamay. Yuyuko sana ako para kuhain ito pero agad na may nakadampot nito. "Is this yours?" Napatingin ako sa nagsalita nang iabot n'ya ang phone ko. Natigilan ako nang makitang malapitan muli si Caleb. Itim na ang mga buhok n'ya ngayon pero wavy parin ito at naging matured ng kaonti ang itsura n'ya. Nang magtama ang mga mata namin ay napalunok ako at naramdaman ang mabilis na pagkabog ng puso. Narinig kong tumikhim s'ya at muling inabot ang phone sa akin, "yes, it's mine," I quickly compose myself at binawi ang phone ko sa kan'ya. "Thank you." Napayuko na lang ako habang hinihintay na banggitin n'ya ang pangalan ko. "Take care of your belongings next time, Miss." Nang sambitin n'ya ito ay nagsimula na s'yang maglakad papasok sa building kaya naman sinundan ko s'ya ng tingin. "Miss?" Mahinang tanong ko sa sarili at dito lang nag-loading sa akin na ibang iba nga pala ang itsura ko ngayon sa dating ako. Agad akong napahawak sa bandang puso ko at nakahinga nang maluwag. Ramdam na ramdam ko parin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Scarlett!" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Dristan. Tumakbo s'ya papalapit sa akin tapos ay huminto sa harap ko habang hinihingal. "Are you okay?" Tanong n'ya. "Nakasalubong ko s'ya sa elevator. Did something happened?" Umiling ako, "Wala, Dristan," sagot ko. "Hindi n'ya ako nakilala. He thought I'm someone else." Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaonting sakit. "Maybe I'm really this unimportant to him to the point na hindi n'ya ako nakilala or kahit yung boses ko man lang." Pilit akong ngumiti sa kan'ya. "Do you feel hurt?" Biglang naging seryoso ang tono ng boses n'ya na kanina ay may bahid ng pag-aalala. Marahan akong umiling at yumuko. "You're lying Scarlett," madiin n'yang sambit. "Tignan mo ako sa mga mata." Napalunok ako at huminga nang malalim bago tinignan ng deretso sa mga mata si Dristan. Ayokong magalit s'ya sa akin ulit kaya kailangan kong sundin ang sasabihin n'ya. "He hurt you, he mocked you in public and he cheated, Scarlett. Alam ko. Alam ko, Dristan. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin ang lahat. "Now, get your mind think straight. We will now move into our second step of revenge."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD