CHAPTER TWELVE

1524 Words
Evelyn Scarlett Grace's POV: Nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng bahay. Hinatid ako ni Dristan at umalis na rin s'ya agad dahil may pupuntahan pa daw s'ya. Mukhang bago ang guard dahil hindi ko ito mamukhaan. "Sino po sila?" Tanong ng guard sa akin. "Evelyn Scarlett Grace," banggit ko sa pangalan ko. Nakita kong napakunot ang noo n'ya. Kinuha n'ya ang phone n'ya at para bang may tinitignan itong litrato doon. Itinaas n'ya pa ang phone at tinapat sa mukha ko. "I'm Noah Grace's daughter," dagdag ko pa. "Eh ma'am, hindi n'yo po kamukha yung litrato na binigay sa akin ni Sir Noah." Napakamot s'ya sa batok habang nakatingin parin sa phone n'ya. "Anong nangyayari dito?" Nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ng guard ay agad akong napatingin roon at nanlaki ang mga mata nang makita si papa. "Papa!" Mabilis akong tumakbo at lumapit sa kan'ya. "I missed you!" Mahigpit ko s'yang niyakap at kusang tumulo ang mga luha ko. "E..Evelyn?" Naguguluhan n'yang tanong. "Opo, papa.. ako po ito, si Evelyn." Tumango ako at humiwalay sa yakap, tinignan ko s'ya. Pumayat s'ya at mukhang dumami ang puting buhok. Isang taon lang ako nawala pero mukhang sobrang stress s'ya. "Papa nakabalik na ako sa Pilipinas." Ngumiti ako sa kan'ya sabay hinawakan s'ya sa kamay. "Kamusta po kayo?" Hindi sumagot si papa, inalis n'ya ang kamay n'ya sa akin, "anong nangyari sayo? Bakit ka bumalik?" Nang marinig ko ang sinabi n'ya ay nawala ang ngiti sa labi ko. "Anong ibigsabihin n'yo po?" Tanong ko sa kan'ya. "Nag-message ako na babalik ako, Papa. Kinailangan ko lang mawala ng isang taon. Nandito na po ako, hindi na ako mawawala pa." "Anong ginawa mo sa sarili mo?" Walang bakas ng tuwa ang boses at mukha n'ya kaya naman napalunok ako. Hindi ba s'ya masaya sa bagong ako? "Hindi ganyan ang Evelyn na kilala ko, ang Evelyn na anak ko." Naramdaman kong tumulo ang luha ko nang marinig ang sinabi n'ya. "Pa, pinaghirapan ko kung ano ako ngayon. Ito yung pinaghirapan ko sa loob ng isang taon kaya nawala ako. Hindi kaba masaya para sa akin?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang akala ko ay matutuwa s'ya pagnakita n'ya ako muli pero hindi. "Noah? Sino iyan?" Napunta ang tingin ko sa babaeng nagsalita at nakita si Tita Samantha, ang stepmother ko. "Sino ka?" Huminto s'ya sa tabi ni papa at tinaasan ako ng kilay. "Ako po ito, si Evelyn," sagot ko. "Evelyn?" Napakunot ang noo n'ya tapos ay tumawa ito. "Nagpapatawa kaba?" Tanong nito. "Malaki, matabi at panget na babae si Evelyn. Kabaliktaran mo." Kinuha ko ang I.D. ko at tinapat ito sa mukha n'ya. Narinig kong napasinghap s'ya tapos ay pinagmasdan ako simula paa hanggang ulo. Maya-maya ay tumawa pa ito nang malakas, "kaya ba nawala ka ng isang taon? Nagpa-plastic surgery ka? Nagpabawas kapa ng timbang." Humawak s'ya kay papa, "ayan, kaya pala nawala ang anak mo dahil busy sa pagpapaganda at lustay ng pera." Pinunasan ko ang luha ko at tinignan s'ya ng seryoso. "Kahit piso, wala akong ginalaw sa pera ni papa at hindi peke ang katawan ko," matigas kong saad sa kan'ya. "Pinaghirapan ko kung ano ako ngayon. Hindi surgery ang pinagawa ko para punayat. Wala kang alam sa pinagdaanan ko kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako n'yan." Agad na inangat n'ya ang kamay at sinampal ako ng malakas sa kanang pisngi, "tignan mo itong anak mo! Nawala lang tapos ngayon sumasagot na?" Galit na saad nito. "Samantha!" Saway ni papa sa kan'ya sabay hinawakan ito sa pulsohan. "Pumasok kana, mag-uusap pa kami," utos sa akin ni Papa kaya naman dali-dali kong hinila ang maleta ko at nagtungo sa bahay. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong nakasalubong ang mga maid na naglilinis. Nakita kong maraming nagbago sa loob, halos lahat ng gamit dito ay napalitan na ng bago. Napansin ko ang isang katulong na mukhang papunta sa kusina at agad kong nakilala na si Manang Josephine ito. "Manang!" Tawag ko sa kan'ya. Agad s'yang napahinto at napalingon sa akin. Mukhang magsasalita ito pero nang makita n'ya ako ay napakunot ang noo n'ya. Hindi n'ya natapos ang sasabihin dahil panigurado ay hindi n'ya rin ako namumukhaan. "Evelyn?" Tanong n'ya nang makalapit sa akin. "Ikaw nga!" Napangiti s'ya at bigla akong niyakap. "Manang.." mahinang tawag ko sa kan'ya at niyakap rin s'ya pabalik. Hindi ko na kailangan pang ipakilala ang sarili sa kan'ya. S'ya lang ang tanging nakakilala sa akin. "Grabe, sobrang ganda mo na at sexy," sambit n'ya pagkahiwalay sa yakap at tinignan ako. "Halos hindi kita makilala. Kamusta kana?" "Okay lang po ako." Ngumiti ako. "Nakita mo na ba ang papa mo?" Tanong n'ya. "Alam mo ba, araw-araw at gabi-gabi -" hindi natapos ang sasabihin n'ya nang biglang may bumaba sa hagdan. "Manang Josephine, nasaan na po yung pinapatimpla kong Juice? Ang tagal naman po ata. Kanina ko pa iyon ipinagutos sa inyo." Nang makababa si Alissa ay napatingin s'ya sa akin. "Wait, who are you? What are you doing here?" S'ya ang stepsister ko na anak ni tita Sally sa ibang lalaki. Madalas ay araw-araw n'ya akong bullihin noon dahil sa pisikal kong anyo. Palagi n'ya akong pinagtatawanan at sinasabihan ng kung ano-ano. "Hindi mo ba s'ya nakikilala?" Tanong ni Manang Josephine. "S'ya si Evelyn. Ang kapatid mo." "What?!" Napasigaw si Alissa sa narinig tapos ay lumapit sa akin at pinaikutan ako ng tingin. "That can't be! Imposible!" Gulat nitong sambit. "Unless.. you undergone full body surgery." Napabuntong hininga ako nang marinig ko na naman ang surgery. "Alam naba ni tito and mommy 'yan?" Tanong n'ya. "For sure lagot ka! Kaya pala nawala ka ng matagal. Alam mo bang ang daming nangyari nang nawala ka?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "Bumaba ang sales ng company! Sobrang naapektuhan si tito dahil sa pagkawala mo tapos 'yan lang pala pinagkaabalahan mo?" "Alissa, tama na 'yan," awat sa kan'ya ni Manang Josephine at hinawakan ito sa braso para pakalmahin. "Shut up Manang! Hindi ikaw ang kausap ko!" Tinabig n'ya ang kamay ni Manang Josephine at nang makita kong muntik na s'yang matumba ay mabilis ko s'yang inalalayan. "Alissa!" Galit kong sigaw sa kan'ya. "Huwag na huwag mong masaktan si Manang Josephine sinasabi ko sa'yo ako makakalaban mo!" Okay lang sa akin kung ako ang saktan n'ya, pero pati si Manang Josephine? Hindi ko ito papalampasin. "Huh, lumalaban kana ngayon huh?!" Bigla n'yang hinila ang buhok ko kaya naman napasigaw ako. "Bitiwan mo ako!" Sigaw ko habang inaalis ang pagkakahawak n'ya sa buhok ko. "Bakit kita bibitiwan? Porket pumayat ka lang at gumanda lalaban kana? Tandaan mo ako parin ang masusunod dito!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hablutin din s'ya sa buhok. Sobra-sobra na ang lumalabas sa bibig n'ya. Hindi ko na kaya pang tiisin ang ugali n'ya. "Kung dati hinahayaan lang kitang saktan ako at maliitin ako, ngayon hindi na! I won't let you bully me again!" Sigaw ko sa kan'ya sabay mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa kan'ya. "Nakakainis ka! Dapat hindi kana bumalik!" Diniinan n'ya rin ang sabunot sa akin at hinila ako paabante. "Mas nakakainis ka! You're noisy as hell! Para kang aso sa kalye na kahol nang kahol!" "How dare you??!" Narinig kong napasinghap s'ya dahil sa sinabi ko. Napatili ako nang tumama ang likuran ko sa table at may vase na nalaglag na gumawa ng malakas na ingay ang pagkabasag nito. "Tumigil na kayong dalawa! Parang awa n'yo na!" Nag-aalala at nababahalang sigaw ni Manang Josephine. "Huh! Lagot ka kila tito," nakangising saad ni Alissa. "Anong kaguluhan 'to?!" Nang marinig ko ang sigaw ni Papa ay mabilis na nabitawan ko ang buhok ni Alissa at bigla s'yang natumba sa sahig. "Tito! Si Evelyn po!" Biglang nagkunwaring umiiyak si Alissa. "S'ya po ang nauna at nabasag n'ya yung vase!" "She's lying!" Agad kong depensa sa sarili ko. Nakita kong huminga nang malalim si papa. Para bang hihimatayin s'ya sa gulo na nangyayari kaya naman nagsimula akong maglakad papalapit sa kan'ya. "Stop, Evelyn," madiin n'yang utos kaya naman napahinto ako. Nang makita kong muntikan na s'yang matumba ay nasalo s'ya ni Tita Samantha. "You.. get out of my house!" Nang marinig ko ang sinabi n'ya ay mas bumigat ang dibdib ko. "Papa?" Hindi makapaniwala kong tawag sa kan'ya. "Pinapalayas n'yo po ba ako?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng tatay mo? Umalis kana raw dito sa pamamahay n'ya!" Ulit ni Tita Samantha. "No.." napailing ako at lumapit kay papa. "Papa, anak mo ako-" "Wala akong anak na Evelyn!" "Umalis kana!" Hinagis ni Alissa sa paahan ko ang bagahe ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sobrang gulo at sobrang sakit. Bakit naging ganito bigla ang lahat? "Pagbaba ko, gusto kong wala kana rito," madiin na sambit ni Papa sabay inalalayan s'yang pumanik ni tita. "That's what you get," nangaasar na sabi ni Alissa. "Dapat ay hindi kana kasi bumalik pa." "Evelyn." Lumapit sa akin si Manang Josephine na umiiyak rin. "Tatagan mo ang loob mo." Hinawakan n'ya ako sa kamay. "Mababawi mo rin ang loob ng tatay mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD