CHAPTER SEVEN

1491 Words
"Let's eat." Napatingin ako sa pagkain ko na nakahanda sa lamesa. 2 Toast bread, sunny side up egg na may kung anong dahon at avocado. Napunta ang tingin ko kay Dristan na mukhang sarap na sarap sa breakfast n'yang bacon, egg at fried rice. Nang mapansin n'ya ako ay agad kong binalik ang tingin sa pagkain ko at kinuha ang nag-iisang toast. "Enjoy your food," sambit n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya at sumagot, "enjoy your food too." Ngumiti lang rin s'ya sa'kin tapos ay nagpatuloy na sa pagkain. Wala na rin akong ibang nagawa kung hindi kumagat sa pagkain ko. Kumakain naman ako ng ganito pero hindi ako sanay na ganito kakonti. Kahit tatlong tinapay man lang sana. Matapos naming kumain ay pinaghanda n'ya ako para pumunta sa Gym. Wala akong kahit isang damit na pamalit na dala kaya naman pinahiram n'ya na lang ako. Mabuti na lang ay mayroon s'yang mga oversized na damit. Humiram ako ng itim na jogging pants at white na shirt. "Mamaya ay mamili tayo ng damit mo," sambit n'ya habang nagda-drive. Tumango lang ako bilang sagot tapos ay tumingin sa labas, sa dinadaanan namin. Marami kaming nadaanan na mga coffee shop at mukhang masasarap ang mga baked goods nila pero alam kong bawal ako kumain ng mga ganon dahil maraming sugar. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan. "May kaibigan ako sa gym na pupuntahan natin, He's a Filipino but he grew up here. Ipapakilala kita sa kan'ya, is that okay?" Tanong n'ya habang ang tingin ay nasa daanan. "Okay lang." Matapos ang halos isang kalahating byahe ay huminto ang sasakyan n'ya sa isang 3 storey building. Bumaba kami at nagtungo sa entrance. Habang naglalakad ay kita ko na agad ang mga nagwo-work out sa loob. "Let's go." Pinagbuksan ako ng pinto ni Dristan tapos ay sumunod ako sa kan'ya papunta sa counter. "Long time no see pare!" Biglang may sumulpot na lalaki na mukhang koreano. "Buhay ka pa pala." Halos magkasingtangkad sila ni Dristan, kulay dark red ang buhok nito at gwapo rin. Nakita kong napakunot ang noo ni Dristan kaya naman napatawa ako ng mahina. Hindi ko ine-expect na ganitong klase ng friendship ang mayroon s'ya dahil seryosong tao ang pagkakakilala ko sa kan'ya. Hindi sumagot si Dristan, bagkus ay tinignan n'ya lang ng masama ang lalaki kaya naman napatikhim iyon tapos ay napatingin sa akin, "sino pala tong kasama mo?" "She's Evelyn, Evelyn Scarlett Grace. Starting today, she will go here," pagpapakilala ni Dristan sa akin. "Don't worry, nakakaintindi s'ya ng tagalog." "Hello," mahina kong sambit sabay ngumiti. Agad akong nakaramdam ng hiya. "I'm Giovanni Park, nice to meet you Ms. Grace." Ngumiti s'ya tapos ay nilahad ang kamay, dali-dali ko namang inabot ang kamay n'ya upang makipag-shake hands. Matapos naming makipagkilala sa isa't isa ay sinamahan kami ni Gio na pumunta sa 3rd floor kung saan kokonti lang ang tao. Mukhang for VIP members ang floor na ito. Mas magaganda rin ang mga gamit. "Maiwan ko na muna kayo," sambit ni Gio habang nakatingin sa isang babae na tumatakbo sa treadmill. Nakita kong napailing na lang si Dristan nang lumapit si Gio doon. "Let's get back to our business." Humarap s'ya sa akin at tinignan ako ng seryoso. Sinamahan n'ya ako mag-warm up bago magsimulang mag-work out. Unang ginawa namin ay ang squat kung saan halos mamatay na ako, sumunod ay pagbubuhat ng dumbbells, pagtakbo sa threadmill, planks. Marami pa kaming ginawa at matapos ang isang oras ay napahiga na lang ako sa sahig habang hinahabol ang hininga ko. Ramdam na ramdam kong tumutulo ang mga pawis ko sa buong katawan. Inaasahan kong mahihirapan ako sa pagwowork out pero hindi ko inaasahan na sobrang hirap pala! Parang gusto ko na lang sumuko. "Get up." Tumayo si Dristan sa tabi ko tapos ay may nilabas na timer. "10 minutes break is done." "Agad-agad?" Napakunot ang noo ko at napaupo. "We still have one hour to work out. Now, get up." Nilahad n'ya ang kamay n'ya kaya naman wala na akong ibang nagawa pa Kung hindi ang tanggapin ang mga ito at tumayo. ~ Malapit na mag lunch time at nakahiga ako sa sofa habang nakatulala sa kisame. Ramdam ko parin ang pagod ngayon kahit tatlong oras na ang nakalilipas matapos ang work out. Kanina pa rin ako nakakaramdam ng gutom pero kailangan ko daw maghintay ng 12 pm. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang wall clock. 11:30 pa lang, 30 minutes pa ang kailangan kong hintayin para makakain. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at itutulog na muna ang gutom nang makaamoy ako ng mabangong pagkain. Mabilis akong napadilat at napalingon sa dining area. Nakita ko si Dristan na inaayos na ang hapagkainan. "You're hungry, right?" Tanong n'ya sabay ngumiti. "let's eat." Agad akong napatayo at lumapit sa kan'ya. Tinignan ko ang lamesa at nakita ang paborito kong sinigang na baboy. Agad akong nakaramdam ng pagkatakam. "One rice only," paalala n'ya sabay umupo. Tumango ako at ngumiti sa kan'ya tapos ay umupo na rin, "thank you, Dristan." Hindi s'ya sumagot bagkus ay tumungo lang s'ya at nagsimula na ring kumain. "By the way, after lunch may pupuntahan tayo." "Saan?" Tanong ko matapos humigop ng sabaw. Napapikit ako sa sarap, pakiramdam ko ay nasa langit ako ngayon. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang pagsubo ko. Sobrang sarap talaga kumain matapos mapagod. "Face and body massage," sagot n'ya. "I will check your skin type too para mapalitan na ang skin care products mo and please slow down eating," paalala n'ya kaya naman medyo binagalan ko ang pagkain. Pagbalik ng tingin ko sa pinggan ay natigilan ako at napakunot ang noo, parang kumurap lang ako at biglaang kalahati na lang ang kanin ko! Anong nangyayari?! "That's why I told you to slow down eating, tsk tsk." Napailing si Dristan. "You need to control your eating habit." Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ng lunch ay naligo ako at nag-ayos para sa pupuntahan namin. Nagtungo kami sa mukhang isang sikat na face and body massage. Nakausap ni Dristan ang manager dito na korean at talaga namang sobrang sexy at ganda nito. Mukhang medyo close rin silang dalawa. Pinakilala ako ni Dristan sa babae. "Hello, I'm Hae Sung Kim and you?" Nilahad n'ya ang kamay n'ya. "Evelyn Scarlett Grace," pakilala ko sa sarili at nakipagkamay. "Nice to meet you Evelyn," ngumiti s'ya. "Nice to meet you too." Pinapasok na ako ni Dristan sa isang kwarto habang nag-uusap pa silang dalawa sa lobby. Pinaghubad ako ng babaeng staff tapos ay binigyan ng towel upang pagbalot sa katawan. Hinarap ko ang aking dibdib sa paghiga at nagsimula na silang imasahe ang katawan ko. Mild lang ang massage nila dahil kakagaling ko lang rin sa work out. Isang beses lang ako nakapagpabody massage dati dahil sa sobrang hiya kong makita ng mga tao ang mataba kong katawan. Pero ngayong nasa Korea ako ay hindi ko kailangan mabahala dahil wala namang nakakakilala sa akin rito. Pumikit ako at inenjoy ang pagmasahe sa akin. Matapos ang isang oras ay sunod naman nilang minasahe ang mukha ko. Sobrang nakaka-relax ito at Pakiramdam ko ay nawala lahat ng stress sa katawan ko. Pakiramdam ko ay bagong tao ako. "So, how was the experience?" Tanong ni Ms. Kim sa akin ngayong nasa lobby na kami nila Dristan matapos akong ma-massage. "Well, it was good. I really had a great time here," sagot ko sabay ngumiti. "I'm glad you liked our service." "I guess it's time for us to go." Tumayo na si Dristan kaya naman tumayo na rin ako. "Getting busy, huh?" Tanong ni Ms. Kim sa kan'ya. "Well, kind of." Nagkibit balikat si Dristan tapos ay tumawa ng mahina. "Well, see you again soon and you too Evelyn." Lumipat ang tingin ni Ms. Kim sa akin at tumango na lang ako. "Let's go." Hinawakan ako ni Dristan sa pulsohan tapos ay hinila papalabas ng building. Bumalik kami sa kotse n'ya at nagsimula na s'yang mag-drive. "Huling destination na natin ito, sa clinic ko." Nanlaki ang mata ko sa narinig, "May clinic ka rito sa korea?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Yeah, I have my own clinic here," sagot n'ya na may halong yabang. "I'm quite famous here, you know?" Napatango ako habang nakikinig sa kwento n'ya. "Halos lahat ng artista dito ay may mga retoke, ang karamihan sa kanila ay nagpapaayos ng ilong, mata o labi. I even had one customer na sobrang sikat but of course I won't reveal her identity because it's confidential." "Woah.. Dristan.. you're amazing!" Namamangha kong komento at nag-thumbs up sa kan'ya. Nang mapatingin s'ya sa akin ay narinig kong napatawa s'ya nang mahina. Grabe, hindi ako makapaniwala na isang sikat at professional na beauty doctor talaga si Dristan. Speaking of Dristan.. mas lalo tuloy akong na-curious dahil sa pagtulong n'ya sa akin. Napatingin ako sa kan'ya na seryosong nakatingin sa daanan ngayon. Dristan, bakit mo ako tinutulungan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD