CHAPTER EIGHT

1501 Words
Caleb Kier's POV: "You're fcking stupid!" Malakas akong sinuntok ni Dad sa pisngi pero hindi ako nagpatinag dito. Nanatili akong madiing nakatayo. "Hindi kapa nakuntento sa hindi pagsipot sa kasal mo! Gumawa kapa ng gulo sa publikong lugar!" Sunod n'ya akong sinipa ng malakas sa tyan dahilan para mapahawak ako rito at mapaatras. "Lucas! Tama na! Sinasaktan mo na ng sobra ang anak natin!" Sigaw ni Mom sabay lumapit sa amin ni Dad at humarang. Hinawakan n'ya ako sa braso, "maawa ka naman!" "Maawa?" Tanong ni Dad sabay tumawa ito ng malakas, "Yanni! We just lost our biggest business' partner! Bakit ako maaawa sa lalaking iyan na walang ibang ginawa kung hindi uminom at makipaglandian? Huh?!" Sigaw ni Dad sabay tinulak si Mom pagilid tapos ay malakas akong sinuntok sa kanang pisngi. Napaatras ako at napakapit sa lamesa sa gilid ko, nalaglag ang flower vase na nakapatong dito at gumawa ito ng napakalakas na ingay pagkatama sa sahig. Lahat kami ay napatingin sa basag na flower vase. Matagal bago nawala ang echo na gawa ng ingay nito. Napasinghap si Mom at agad kong naalala na isa ito sa paborito ni Dad na vase na galing sa France. "Caleb!" Galit na galit n'yang sigaw sabay tumingin sa akin ng matalim. "Wala ka talagang kwentang anak!" Mabilis na lumapit si Mom sa kan'ya at pinigilan si Dad na lumapit sa akin, "Caleb, go!" Sigaw ni Mom sa akin kaya naman sinunod ko s'ya. Tumakbo ako papalabas ng bahay habang naririnig kong nagsisigawan silang dalawa sa loob. Nakita kong napapatingin ang mga kasambahay sa akin kaya naman tinignan ko sila ng masama, "anong tinitingin tingin n'yo?" Galit kong tanong sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumiretso ako sa kotse ko at pinaandar ito ng mabilis upang makaalis na sa pútanginang lugar na ito. Nakita kong hindi ako pinagbubuksan ng gate ng mga guard kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Kung hindi nila pagbubuksan ng gate, ako ang magbubukas. Malakas kong tinama ang sasakyan ko sa gate, napasigaw ang mga guard nang makitang matanggal ang pagkakakabit ng gate sa pader. Huminto ako saglit tapos ay binuksan ang bintana at nilingon ang mga guard na nagkakagulo. Napangisi ako at nag-bad finger sa kanila. "Dahil ayaw n'yo akong pagbuksan ng gate, kayo naman ang lagot ngayon." Bumalik na ako sa pagda-drive at kinuha ang phone ko. "Hello? Bakit ka napatawag?" "Ano pa nga ba?" Tanong ko sabay ngumisi. Narinig kong napatawa s'ya nang mahina. "Let me guess.. kailangan mong magpawala ng stress?" "You really knew me." "Of course, I know you very well, Caleb. We've been together for how many fúcking years. Let's meet at our place, shall we?" "Of course. See you later, my Kyla," sambit ko bago binaba ang tawag na may ngiti sa mga labi. Evelyn Scarlett Grace's POV: Magtatatlong buwan na ang nakalipas simula nang magpunta kami ni Dristan dito sa korea. Medyo hindi parin ako sanay sa biglaang pagbago sa lifestyle ko pero hindi na ito katulad dati na sobrang hirap na hirap ako. Ngayon ay nakakasunod naman na ako pero syempre, heto pa rin ako at ayaw pa rin ang mag-gym. Sino ba naman kasi ang gustong magpagod? Masakit pa sa katawan. "Pagod na ako, Dristan," sambit ko sa kan'ya habang hinihingal na ako kakatakbo sa treadmill. "10 more minutes, Scarlett," madiin n'yang sambit habang pinakita sa akin ang timer na hawak n'ya. "Pero hindi na kaya ng mga binti ko-" hindi ko natapos ang sasabihin nang mas taasan ni Dristan ang speed ng treadmill, bagkus ay mas napabilis rin ang pagjogging ko. Tinignan ko s'ya ng masama habang hingal na hingal na ako pero tumawa lang s'ya nang mahina. ~ Pito na buwan na ang nakakalipas at kalahati na ng kilo ko ang nabawas. Nandito ako ngayon beauty clinic ni Dristan at nakasuot ng hospital gown. Ngayon ay isa sa napakaimportanteng araw para sa akin. "Are you ready?" Tanong ni Dristan sa akin na nakasuot na ng hairnet at gloves. Tumango ako tapos ay tumayo na at sinundan s'ya papasok sa operation room. Pagkapasok namin ay agad kong nakita ang mga katulong n'ya para ayusin ang ilong ko. Dinala n'ya ako sa gitna kung nasaan ang mataas na hospital bed. Inalalayan n'ya akong makahiga dito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko gawa ng kaba. "Everything will be okay, trust me." Hinawakan n'ya ako sa kamay ko at marahan itong pinisil. "I will be here." Dahil sa sinabi n'ya ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Tumango ako sabay ngumiti tapos ay humiga na. Binitawan na rin n'ya ang kamay ko tapos ay sinuot ang face mask. May tinurok sila sa akin na sa tingin ko ay anesthesia at pangpaantok. Habang nakahiga ay napatingin ako sa nakakasilaw na ilaw na nakatapat sa akin. Mabilis umepekto ang tinurok nila, nakakaramdam na agad ako ng antok hanggang sa hindi ko na ito napigilan pa at napapikit na ako ng tuluyan. Dristan.. I trust you. ~ Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang operahan ako. Ngayon na rin tatanggalin ang gauze pad sa ilong ko. Mas lalong pumayat na rin ako ngayon dahil sa kinakain at iniinom ko, samahan mo pa na nag-eexercise ako at kaonting workout na kaya ko lamang. "Dristan!" Napaupo ako sa kama nang makitang pumasok na si Dristan sa clinic room. Isang linggo kaming hindi nagkita dahil busy s'ya. Pinabalik n'ya kasi ako dito sa clinic room ng isang linggo para mabantayan ng maayos ang kondisyon ko at masiguro na iniinom ko ang lahat ng gamot na kailangan ko. "You're up." Sinara n'ya ang pinto tapos ay lumapit at ngumiti sa akin. "Ngayon na natin aalisin ang gauze pad." "Kinakabahan ako," agad kong sambit sa kan'ya. "Paano kung hindi pala bagay sa akin ang matangos na ilong?" Tanong ko. "Teka, sobrang tangos ba yung ginawa mo sa akin? Paano kung hindi magmukhang natural to? Baka magmukha akong witch?" Nanlaki ang mata ko nang ma-imagine ko ang sarili na mukhang witch kaya maman hindi ko maiwasang mapahawak sa buhok ko at mabahala. Napailing s'ya at napatawa nang mahina tapos ay umupo sa gilid ng kama, sa tabi ko. "Scarlett, you have to relax," kalmado n'yang sambit. "I'm a professional, remember? Trust me. This is my field and I'm good at this." "So-sorry.. I was just nervous and scared.." napatingin ako sa kamay ko nang hawakan n'ya ito at pisilin. Agad kong naalala ang unang beses na ginawa n'ya ito sa akin, sa operation room. "You don't have to feel scared, I'm here." Umangat ang tingin ko papunta sa mukha n'ya. Napalunok ako nang makitang malapit na naman s'ya sa akin. Tsaka teka, bakit parang mas lalo s'yang gumwapo ata? "Simulan na natin." Tumayo s'ya sa gilid ko tapos ay marahan na inalis ang nakapaikot na gauze pad sa aking ilong. Habang inaalis n'ya ito ay napapikit na lang ako. Hindi na ako nakakaramdam ng kaba o takot ngayon dahil nandito na si Dristan sa tabi ko at alam kong hindi n'ya ako bibiguin. Sobrang komportable na ako sa kan'ya ngayon. "You can open your eyes now." Marahan kong binuklat ang mga mata ko at tinignan ang aking mukha sa salamin. Napakurap ako at mas nilapit ang mukha sa salamin upang pagmasdan ng maigi ang itsura at hindi ko na napigilang mapatili, "Aahhhhh!" Sabay napahawak sa magkabilang pisngi ko. "Scarlett! Are you okay? Hindi mo ba nagustuhan?" Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha ni Dristan. Inagaw ko sa kan'ya ang salamin at pinagmasdan muli ang sarili ko. Nakita kong may mga namumuong luha sa gilid ng mata ko hanggang sa tumulo ang mga ito. "No Dristan.." napapailing kong saad sabay binalik ang tingin sa kan'ya. "Hindi ako okay dahil sobrang ganda ko na.." napahagulgol ako. "Ako ba talaga to?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Itong mukha na to, ako ba talaga to?" Ngumiti s'ya sa akin, "yes. That's the new you, Scarlett. I've told you that I'll help you become a goddess, didn't I?" "Thank you, Dristan." Hindi ko napigilan ang sarili na yakapin s'ya nang mahigpit at umiyak ng malakas na para bang bata. "Maraming salamat, Dristan." Sobrang saya ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nawawala na talaga ang dating ako na palaging pinagtatawanan at pinag-uusapan. "Sobrang nagustuhan ko ang itsura ko ngayon." Marahan s'yang kumalas sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang braso, "nagsisimula pa lang tayo. Wala pa tayo sa kalagitnaan ng plano natin." "Pangako, gagawin at susundin ko ang plano natin," nakangiti kong sabi sabay hahawakan sana ang ilong ko upang maramdaman ang tangos nito pero agad n'ya akong pinigilan at kinuha ang kamay. "Teka! Huwag mo munang hawakan nang hawakan ang ilong mo kung ayaw mong masira iyan," babala n'ya sa akin. "Dristan.." muli akong umiyak at humagulgol na parang bata. "Bakit na naman?" Nakakunot noo n'yang tanong. "Hulog ka talaga ng langit sa'kin!!" Muli akong lumapit sa kan'ya at yayakapin sana s'ya nang bigla s'yang umatras at lumayo. "Teka! Ingatan mo yung ilong moo!" Sigaw n'ya habang hinahabol ko s'ya upang yakapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD