CHAPTER SIX

1521 Words
Evelyn Scarlett Grace's POV: "Ladies and gentlemen, we have begun our descent into Korea. Please turn off all portable electronic devices and stow them until we have arrived at the gate. In preparation for landing in Airline land, be certain your seat back is straight up and your seat belt is fastened." Napatingin ako sa bintana at nakitang nasa korea na nga kami. Matagal na rin ang huling punta ko dito, sinama lang kasi ako ni papa sa business trip n'ya. Nakakamiss rito. "Nandito na tayo." Nakangiti akong tumingin sa katabi ko na si Dristan pero nakapikit ito at mukhang malalim ang tulog. Tinikom ko na lang ang bibig ko at pinagmasdan s'yang maaliwalas na natutulog. Grabe, sobrang kinis ng mukha n'ya, mukha pang healthy ang buhok n'ya at straight na straight ang posisyon n'ya kahit tulog. Napasimangot na lang ako dahil paano n'ya nagagawang manatiling gwapo kahit antok at pagod? Sumandal na lang ako sa upuan ko at napatingin sa phone ko. Tinitignan ko ang litrato namin ni Papa. Nakarami na s'yang text at tawag sa akin kaya naman kinailangan kong alisin ang sim card ko kanina. Habang pinagmamasdan ang litrato ay nagulat ako nang may kumuha sa phone ko. Napakunot ang noo ko at napatingin kay Dristan. Anong ginagawa n'ya? "I told you to throw this away, you're not listening." Bakas ang pagkairita sa boses n'ya kaya naman napalunok ako. "We had a deal, Evelyn. A deal is a deal." "Pero yung litrato namin ni papa-" "I'll save a copy on my phone. Once na mayroon ka nang bagong phone, I'll give you those." Pinatay n'ya ang phone at nilagay sa bulsa ng itim n'yang pants. Napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko ay lahat na lang bawal. Ayoko ng ganito pero kailangan kong tiisin. Maya-maya pa ay huminto na ang airplane at nakababa na rin kami. Since private plane ito, wala naman nang pila at security check ang naganap. Pinapasok na lang kami sa loob at dumiretso sa itim na van. "Saan pala tayo mag-sstay?" Tanong ko sa kan'ya. "We will stay at my hotel room," sagot n'ya. "But don't get the wrong Idea, we will have our own room." "Wala naman akong ibang iniisip," agad kong sambit sa kan'ya kahit na ang totoo ay napaisip rin ako lalo na't hindi naman kami magkakilala tapos ay magsasama kami sa iisang bubong. "Good," tipid n'yang sagot tapos ay pumasok na kami sa loob ng van. Tahimik lang kami buong byahe, tulog lang s'ya nang tulog habang ako ay napapatingin na lang sa dinadaanan namin. Matapos ang halos isang oras ay narating na rin namin ang hotel. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Nakipag-usap s'ya sa staff, nakita kong ngumiti s'ya at tumawa ang babaeng staff na halatang kinikilig sa kan'ya. Napataas na lang ang kilay ko habang pinapanood sila. Pinagmasdan ko ang babae at sobrang ganda nito pati na rin sexy. Sabagay, ganito ang beauty standard sa Korea. "Let's go." Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Dristan at nauna na itong maglakad kaya naman mabilis akong sumunod. Sumakay kami sa isang elevator tapos ay pinindot n'ya ang 9th floor. "Ano pa lang gagawin natin mamaya?" Tanong ko sa kan'ya dahil wala akong idea kung papaano n'ya ako tutulungan sa itsura ko. "I will explain everything once we've entered my room," sagot n'ya at sakto namang bumukas na ang elevator. Sabay kaming lumabas at huminto sa 205 na pinto. Tinapat n'ya ang itim na card na hawak sa door knob tapos ay bumukas ito. Pagkapasok namin ay automatic na bumukas ang mga ilaw at napamangha ako nang makita ang loob. Konti lang ang gamit at ang lahat ng ito ay mga kailangan kaya naman maluwag dito, sobrang linis rin ng lugar. Puting puti ang sahig, kisame at pader, kulay itim naman ang mga furnitures n'ya at mayroon rin syang mga matataas na halaman sa loob. "I'll give you thirty minutes to change and ready. We will meet here at the living room to discuss the procedure." Tinuro n'ya sa akin ang kwartong tutulugan ko habang s'ya naman ay nagtungo na sa kwarto n'ya. Pumasok ako sa loob at nakitang sobrang linis at lawak rin dito. Kama, table, chair at closet lang ang gamit. Mukhang malambot ang kama kaya naman patalon akong humiga rito at tama nga ako. Katulad ito ng kutson ko sa bahay, sobrang lambot. Habang nakahiga ay napatingin ako sa puting kisame, "tama ba desisyon ko?" Mahina kong tanong sa sarili. Hindi ko kilala si Dristan at bigla na lang s'ya sumulpot sa buhay ko pero alam kong mabait s'yang tao. Matapos kong mag-isip ay nagbihis na ako ng pangbahay at nagtungo sa living area. Nakita ko si Dristan na naririto na at mukhang hinihintay ako. Dali-dali akong umupo sa harap n'ya. "We will now begin the plan." Seryoso s'yang tumungin sa akin. "I will help you lose weight naturally and in a healthy way. Kailangan mong sundin ang strict diet at lifestyle na ibibigay ko sa'yo." May nilapag s'yang puting folder at binuksan iyon. "These are the foods you are allowed to eat. Kailangan mong sundin ito. Every two weeks or month, magbabago ang strict diet mo. Mas kokonti ang servings ng pagkain mo hanggang sa masanay ka." Napalunok ako nang makita ang menu sa folder. Puro iyon gulay, boiled egg at chicken. Mukhang walang lasa ang mga iyon. "Second, you will have a different lifestyle routine. You have to wake up every 6 in the morning to exercise. You will also have to attend gym thrice a week for this month and I will be the one who will coach you." Gym? Dati ay sumasama ako kay Caleb pagnaggy-gym s'ya pero hindi ko s'ya masabayan dahil napapagod agad ako. "Third, you will have different skin care products and routine. You will have facial massage and body massage every week. I will recommend products that suit your skin." Nanatiling tahamik lang ako habang nakikinig ng mabuti sa mga sinasabi n'ya. Masyadong madaming information ang pumapasok sa isip ko, pakiramdam ko ay sobrang mahihirapan ako sa mga gagawin namin para lang pumayat ako. Napabuntong hininga na lang ako. "Fourth, you have to change the way you dress. Kung gusto mong makuha ang atensyon ni Caleb, kailangan mong manamit katulad ng iba." Bigla kong naalala ang mga litrato ng babaeng nasa social media ni Caleb. Nakita kong puro sexy ang mga iyon at magaganda. "Fourth.." tumayo s'ya at umupo sa tabi ko. Agad na napakunot ang noo ko at humarap sa kan'ya pero bago pa ako makapagsalita ay hinawakan n'ya ang baba ko at tinapat ng maigi ang mukha sa kan'ya. Dahil sa ginawa n'ya ay napaiwas ako ng tingin at pinatiling kalmado ang sarili. Bakit ba ang hilig n'yang ilapit ang mukha sa akin? Hindi ba s'ya naaawkwardan tulad ko? Napangiwi na lang ako. Narinig kong napangisi s'ya ng mahina tapos ay binitawan na ang baba ko. "I'm just checking your features. You don't have to panic." Binalik ko ang tingin sa kan'ya nang magsalita s'ya. "Evelyn, I am a beauty doctor. It's normal for us to be this close lalo na't tutulungan kita." "Hindi naman ako nagpa-panic," agad kong depensa sa sarili. "Alright, alright." Napailing s'ya at lumayo ng kaonti. "So, I've noticed your nose bridge is low. I can help you fix your nose but that is only if you want. This is completely optional, I am not forcing you to have surgery." May inabot s'ya sa aking salamin. Kinuha ko ito at pinagmasdan ang sarili. Kahit teenager pa lang ako ay napapansin ko na medyo pango ako. Alam ko naman ito at dumating pa nga ako sa puntong gusto ito ipaayos pero pinigilan lang ako ni Dad. Alam kong ayaw n'yang ipaiba ang ilong ko at gusto n'yang tanggapin ko ang sarili ko pero paano? Araw-araw akong nalalait, araw-araw akong pinag-uusapan ng mga tao dahil sa timbang ko. Paano ko matatanggap ang sarili ko? "Let's do the surgery," mahina kong saad sa kan'ya sabay tinignan s'ya ng deretso sa mga mata. "I'm willing to pay you. Just fix my nose bridge." Ngumiti s'ya at tumango, "your wish is my command, Scarlett." "Scarlett?" Napakunot noo kong tanong. "Starting today, I am going to call you Scarlett. Scarlett is the new you and rhe old Evelyn is now dead." Scarlett.. Kahit kailan ay walang tumawag sa akin sa pangalawang pangalan ko na binigay ni Mama sa akin. Si Dristan ang unang taong tumawag sa akin nito. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango, "Starting today, I am now Scarlett." Nakita kong ngumiti rin s'ya sa tapos ay tumayo at inabot sa akin ang folder, "Let's rest for today. Bukas natin sisimulan ang lahat ng plano. Basahin mong mabuti ang nasa folder." "Aalis ka?" Tanong ko sa kan'ya pagkatanggap ko ng folder. "Yes, may pupuntahan lang ako. Dito ka lang." Tumango ako bilang sagot sa kan'ya at pinanood ko s'yang maglakad papalabas ng unit n'ya. Nang makalabas na s'ya ay napahiga ako sa coach at niyakap ang folder. Nakaramdam ako ng sobrang excitement matapos kami mag-usap. Hindi na ako makapaghintay pang dumating ang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD