CHAPTER FIVE

1125 Words
Caleb Kier's POV: "Fúck.." mahinang mura ko at napapikit na lang gawa ng inis. "Men, you made a mess," sambit ni Gabriel sabay lumapit sila sa akin ni Kevin. "Mukhang may malalagot mamaya," napapailing na dagdag ni Kevin. "Tapos na ang palabas! Ano pang tinitingin-tingin n'yo?" Masama kong tinignan ang mga tao. Agad naman silang bumalik sa mga ginagawa nila. "Babe, are you okay?" Naramdaman kong hinawakan ako ng babaeng kasama ko ngayon na hindi ko man lang tanda ang pangalan. "Don't touch me," matigas kong saad sabay inalis ang pagkakahawak n'ya sa akin. "Don't ever come near me again." Tinignan ko s'ya ng seryoso sa mga mata. "Understood?" Napahakbang s'ya paatras at nakita kong naluluha ito. "Caleb, you don't have to be hard on her-" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Gabriel nang titigan ko s'ya nang masama. "Kasalanan n'yo to!" Nilipat ko ang tingin kay Kevin. "Lalo kana. Pinost mo pa picture natin malamang makikita ni Evelyn yon!" Naiyukom ko ang palad ko at hinawakan s'ya sa collar ng uniform. "Woah, chill men." Tinaas n'ya ang kamay n'ya sabay tumawa nang mahina. "Why are you so pressed? Hindi mo naman na kailangan pang magpanggap na prinsepe sa kan'ya dahil kilala na n'ya ang totoong ikaw lalo na't hindi ka sumipot sa kasal n'yo. You should thank me, now it's really over between the two of you." Hindi ko na napigilan pang suntukin s'ya ng malakas sa mukha. "Caleb!" Sigaw ni Gabriel sabay hinawakan ako sa braso at pilit na nilalayo kay Kevin. "Pre! Ano kaba?! Mas lalo kang kumukuha ng atensyon," bulong nito sa akin. "Don't show me your face ever again!" Galit kong sigaw sabay iniwan silang dalawa. Dumiretso ako sa VVIP room ko at naglabas ng sigarilyo. "Fck!" Sigaw ko at tinapon ang lighter nang wala na itong laman. Sigurado akong lalabas ang nangyari kanina sa social media at malalagot na talaga ako kila Mom at Dad. Napahawak ako sa ulo ko at huminga nang malalim. I shouldn't have drunk too much, kung ano-ano tuloy ang lumabas sa bibig ko. Evelyn Scarlett Grace's POV: "I will turn you into a goddess, into someone that they'll never thought its you." "Why?" Mahinang tanong ko habang nakatingala at nakatingin sa kan'ya. "Bakit mo ako gustong tulungan?" Hindi s'ya agad sumagot pero nanatili ang mga tingin n'ya sa akin. "I have my reason.." huminto s'ya saglit. "But don't worry, we will both benefit from this." Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin sa desisyon ko. Galit na galit ako kay Caleb, galit na galit ako sa lahat ng tao na sinaktan ako emotionally. Pakiramdam ko ay sobrang baba kong tao, pakiramdam ko ay wala akong karapatan sumaya. Wala naman akong kasalanan at lalong wala naman akong tinatapakan na tao pero.. bakit ito nangyayari sa akin? Marahan kong tinaas ang kamay ko at tinanggap ang tulong n'ya sa akin. "Help me.. please." Tumango s'ya at hinila ako para makatayo. "Evelyn!" Parehas kaming napalingon sa bandang entrance ng private pool nang makarinig ng sigaw at hindi lang ito ibang tao.. boses ito ni Dad. "Evelyn, anak! Nasaan ka?" "Sht," mahinang sambit ko sabay binalik ang tingin sa lalaking kasama. "Si papa. Anong gagawin ko? Hindi n'ya puwede makita ang lagay ko ngayon." Basang basa ang damit ko at namamaga ang mga mata ko. Panigurado akong madudurog ang puso n'ya pagnalaman n'ya ang sinubukan kong gawin sa buhay ko. "I have my condition in helping you." Napakunot ang noo ko nang marinig ang sabihin n'ya. Hindi ako sumagot at hinintay lang ang susunod n'yang sasabihin, "First of all, you have to come with me. Hindi lang sa kung saang lugar kung hindi sa ibang bansa." Mas lalong napakunot ang noo ko. "Second, I want you to cut your ties with your family and friends hanggang hindi pa tayo tapos sa operation mo and third.." napalunok ako nang huminto s'ya,"We will go.. now." "Now?" Napalakas ang boses ko dahil sa gulat pero mabilis n'yang tinakpan ang bibig ko at hinila papunta sa likod ng isang puno. "Shh.. they're here," mahinang sambit n'ya habang nakasilip. "Don't talk unless you want to get caught by your father." Habang nagsasalita s'ya ay napatingin ako sa mukha n'ya. Sobrang lapit n'ya sa akin, kitang kita ko ang maputi at perpektong balat ng mukha n'ya. Matangkad s'ya at hanggang balikat n'ya lang ako pero ngayong nagtatago kami ay nakayuko s'ya ng kaonti dahilan para maamoy ko ang pabango n'ya sa leeg. Agad akong napalunok. "They're gone." Binalik n'ya ang tingin sa akin nang masiguro n'ya na umalis na sila Papa pero mas lalo akong natigilan nang magtama ang mga mata namin habang halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko at para bang nakukuryente ako. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at yumuko. Narinig ko namang napatikhim s'ya tapos ay humakbang paatras. "I've told you my conditions. Now it's time for you to decide, Evelyn." Nanatiling nakayuko lang ako habang nag-iisip ng mabuti. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang kondisyon n'ya na putulin ang koneksyon ko kay Dad. Mawawala ako ng matagal, sigurado akong mag-aalala ng sobra si Dad. Masasaktan s'ya pero.. babalik din naman ako. At pagbalik ko, hindi na ako isang mataba na pangit na laging nilalait ng mga tao. Siguro ay oras na para ako naman ang gumanti, siguro ay oras na para ako naman ang sumaya. Tumingala ako at tinignan ng deretso sa mga mata ang lalaki, "I accept your conditions." Nakita kong ngumiti ang dulo ng labi n'ya, "Call me Dristan, Dristan Cole," pakilala n'ya sa sarili. "Evelyn, Evelyn Grace Scarlett." Nilahad ko ang kamay ko at tinanggap n'ya naman ito at nakipagkamay. "Shall we go now?" Tanong n'ya habang nakangiti parin. "My private plane is already waiting for us." Napakunot ang noo ko. Private plane? Gaano kayaman si Dristan? Bakit mayroon s'yang private plane? "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. "You'll know soon." Hinawakan n'ya ako sa pulso at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ay tanging mga masasamang alaala na lang ang naaalala ko dito. Dati ay masaya at puno ng pagmamahalan namin ni Caleb.. pero ngayon ay wala na iyon. Umiling ako nang maramdamang may namumuo na namang luha sa gilid ng mata ko. Pagkapunta namin sa parking area ay nakita ko agad ang sasakyan ni Dad pati na rin ng mga tauhan n'ya. Mukhang hinahanap parin nila kami. Pinasakay ako ni Dristan sa puti at malaki n'yang sasakyan. Tahimik lang kami sa loob hanggang sa buksan na n'ya ang makina at nagsimula nang paandarin ito. Agad akong napalingon sa entrance ng main building resort at nakita ko doon si Dad na hawak-hawak ang phone habang mukhang nag-aalala. I'm sorry, Dad.. babalik rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD