CHAPTER FIFTEEN

1108 Words
"Your birthday is coming and I'm planning on throwing a party." Evelyn Scarlett Grace's POV: "What kind of party?" Nakakunot noo kong tanong. "A masquerade theme party." Ngumiti s'ya. "Isn't that too much? I'm already an adult." "It's not, Scarlett." Sumandal s'ya sa swivel chair n'ya. "We will invite the Kier Family in this party. Ipapakita mo sa kanila ang bagong ikaw lalo na kay Caleb. You have to do this right." "How about my family? My dad?" Nakakunot noo kong tanong. "How can I have a party na wala ang dad ko?" "You can still invite him and it's up to him wether he'll show up or not." Kinuha n'ya ang tablet sa drawer ng table n'ya tapos ay inabot sa akin. "Next next week is your birthday. Here are the preparations I did. You can edit them to match your liking if you want." Tinanggap ko ang tablet at tinignan ang PowerPoint na nakahanda rito. Narito ang theme ng party, ang venue, foods, designs ng stage and tables. Nakalagay rin dito ang designs ng invitation ko at ang gown ko. Halos lahat ay nakahanda na at hinihintay na lang ang birthday ko. "Bukas ay sasamahan ka ng assistant ko sa boutique para sukatan dahil kailangan nang simulan gawin ang gown mo," paliwanag ni Dristan habang nagla-laptop ito. "May gusto kabang palitan d'yan?" Tumingin s'ya muna sa akin habang hinihintay ang sagot ko. "Wala naman," agad kong sagot sabay ngumiti. Kung s'ya man ang nagasikaso ng lahat ng ito ay sobra-sobra na ang effort n'ya at ayoko na ring palitan pa ang ito, isa pa, okay na rin naman na ang mga nakahanda. "Lahat nang nandidito ay nagustuhan ko." "I'm glad you liked them." Ngumiti s'ya saglit tapos ay binalik ang tingin sa laptop. "So, where do you plan on staying starting today?" Nakwento ko na sa kan'ya ang nangyari kanina sa bahay. "I don't know.. but I can rent a studio apartment." Huminto s'ya sa pagta-type tapos ay tumingin sa akin muli, "actually, I have an extra apartment. Studio type kaya it's good for solo living. Why don't you stay there for now?" Napalunok ako at medyo nakaramdam ng hiya. Pakiramdam ko ay sobra-sobra na talaga ang nagagawa at bigay n'ya sa akin. "Hindi na Dristan, nakakahiya," agad kong tanggi. "I can find one naman." Nilabas ko ang phone ko para maghanap online. "It's fine, hindi ko naman ginagamit iyon. You can stay there." Masyado s'yang mapilit kaya naman, "In that case.." napakagat ako sa labi. "I'll pay you monthly!" Umiling s'ya, "you don't have to, Scarlett. All you have to do is to focus on our plan. That's all I am asking, are we clear?" Mabilis akong tumango. Masyado s'yang seryoso these days. Napansin ko ring medyo lumayo ang loob n'ya sa akin matapos ang nangyari kagabi sa amin. Mabuti na nga lang at hindi kami awkward ngayon sa isa't isa, walang ilangan na nagaganap pero ang iwasan na pag-usapan ang nangyari sa amin ay ramdam ko. "Good." Binuksan n'ya ang drawer ng table n'ya at may nilabas na white key card, "here, have this. I'll send to you the address." Tinanggap ko na lang ang white key card tapos ay kinuha n'ya ang phone n'ya para isend sa akin ang address. "I received the address. Thank you, Dristan," pasasalamat ko sa kan'ya. "Sobrang maraming thank you." Alam kong hindi n'ya tatanggapin ang pasasalamat ko dahil ang tanging tatanggapin n'ya lang ay ang paggawa ko ng maayos sa plano namin. "You're welcome. You can go now, mayroon pa akong surgery in an hour." Tumango lang ako sa sinabi n'ya tapos ay mabilis na akong lumabas sa office n'ya. Habang naglalakad sa hallway ay napatingin ako sa white key card na binigay n'ya. Mukhang maganda ang unit na ito dahil mukhang mamahalin ang key card at magara ang design nito. I got a little bit excited but at the same time I felt sad because of my Dad. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa hallway ng clinic ni Dristan. Hindi lang basta-basta clinic ito, malaki ito at maraming nurse. Si Dristan lang ang beauty doctor dito dahil pagmamay-ari n'ya ito. Nang marating ko ang lobby ay nakita kong maraming nakapila na patients. Grabe, ang successful ni Dristan. Nang makarating ako sa parking area ay sumakay na ako sa kotse ko. Kinuha ko ang kotse ko sa bahay dahil alam kong kakailanganin ko ito. Mabuti na nga lang at hindi ito binawi sa akin ni Papa. Pagkasakay ko rito ay nag-drive na ako agad papunta sa address na sinend ni Dristan. Halos isang oras ang byahe ko at nakarating na rin ako rito. Pagkababa ko sa kotse ay may mga lumapit sa aking lalaking staff upang tulungan akong buhatin ang isang language ko. Nang maakyat n'ya ang gamit ko at nasa tapat na kami ng pinto ay nagpasalamat ako sa kan'ya at nagbigay ng tip. Agad ko naman nang binuksan ang unit at pagkapasok ko sa loob ay talagang hindi ako nagkakamali. Sobrang ganda rito, kahit studio lang ito ay talaga namang napakalawak. Mataas ang kisame, kokonti lang ang gamit at minimalist ang mga ito kaya malawak at maaliwalas titigan. I suddenly remembered Dad, lagi n'ya akong sinasabihan na bibilhan n'ya ako ng unit at pirma ko na lang ang kulang pero hindi ako nagtuon doon ng pansin dahil ang tanging nasa isip ko lang ay magpapakasal rin naman kami ni Caleb at maninirahan kami sa isang malaking bahay kaya bakit ko kakailanganin ng unit? Napakabobo ko pala talaga noon. Muli akong napabuntong hininga. Dahil gabi na ay naghalfbath na lang ako tapos ay natulog na. Kinaumagahan ay nagising ako nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Napagalaman kong assistant ito ni Dristan na Christine ang pangalan at ihahatid n'ya ako sa boutique kung saan kukuhain ang measurements ng katawan ko. Nang makarting kami sa boutique at hinihintay ang magsusukat sa akin ay napatingin ako kay Christine. Sobrang ganda at sexy nito. Nagpa-surgery din Kaya s'ya kahit konti tulad ko? "Ma'am Evelyn Scarlett Grace?" May isang lalaking itim at nakataas ang buhok ang lumapit sa amin. Nakasuot s'ya ng itim na fitted na longsleeve na mayroong mga glitters at nakasuot s'ya ng itim na jeans. "I'm here." Tinaas ko ng kaonti ang kamay ko para makita n'ya ako. "Ohh, there you are!" Medyo nakaramdam ako konting pagiging uncomfortable nang makipagbeso ito sa akin. Nararamdaman ko na agad ang pagiting extrovert n'ya. "Come with me, I'll take the measurements we will be needing your extravagant gown!" Nakangiti nitong saad sabay hinawakan ako sa kamay. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti nang pilit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD