CHAPTER SIXTEEN

1388 Words
Evelyn Scarlett Grace's POV: Today is my birthday masquerade theme party and I am Infront of a big mirror. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Tapos na akong ayusan at suot ko na rin ang gown na pinagawa namin ni Dristan. Nakalugay ang mahaba at itim kong buhok na nakakulot ang dulo at naka-make up na rin ako pero natural lang ang itsura nito at hindi mukhang makapal. Kulay pula ang gown ko na mayroong mga gold na designs, kapit na kapit ito sa baiwang at dibdib ko, tinernohan ko ito ng kulay gold na sapatos na mayroong mataas na heels. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang sarili, "you can do it, Scarlett," mahinang sambit ko sa sarili. Pumikit ako saglit at inalala ang lahat nang nangyari bago ako mapunta sa kalagayan ko ngayon. "My hard work will pay off. Lahat nang pinaghirapan ko ay hindi puwedeng mapunta sa wala. Caleb will pay for what he did." Dumilat ako at tinignan ang reflection ko sa salamin. "I will tear his image and heart apart. Mararamdaman n'ya lahat nang pinaramdam n'ya sa'kin at sisiguraduhin kong doble ito." Kinuha ko ang maskara na kulay pula sabay sinuot ito. Pagkalabas ko ng room ko ay nandidito ang isang staff ng venue, sinamahan ako nito papunta sa entrance ng hall kung saan magaganap ang party ko. "Where's Dristan?" Tanong ko sa kan'ya. "Nasa hall na po s'ya bilang isang bisita n'yo," agad n'yang sagot. "Mrs. And Mr. Kier didn't come but Sir Caleb Kier did go. Sinigurado naming sa unahan s'ya pumwesto." "Good." We continued walking in the hall. Dristan is wearing mask as well, he cannot be seen by Caleb. That's what he told me. I don't exactly know what's his hidden grudge about the Kier family but I know that it's serious and deep. He wouldn't go this far to help me if it wasn't. Nang marating namin ang mataas na puting double door ay huminto muna ako. May kinausap ang staff para magbigay alam sa loob na naririto na ako. Sinabihan ako ng staff na bubuksan na raw ang double door sa loob ng isang minuto kaya maghanda ako. Napayuko ako saglit at napalunok. This is it. There's no turning back, Scarlett. Napatingin ako sa pinto nang marinig kong bumukas ito. Medyo napapikit ako nang tumapat sa akin ang nakakasilaw na ilaw. "Let's all welcome, Ms. Evelyn Scarlett Grace!" Sunod kong narinig ay ang malakas na palakpakan ng mga tao sa loob. Nang maka-adjust na ang mata ko sa liwanag ay malinaw ko nang nakita ang lahat. Ang daming bisita, lahat sila ay nakatingin sa akin, lahat sila ay pinapanood ang bawat kilos ko. Napansin ko ang iba sa kanila ay para bang nagtataka nang makita ako. "Ms. Scarlett, you have to go now," bulong sa akin ng staff. Tumango ako sa kan'ya tapos ay nagsimula nang maglakad sa red carpet. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatayo. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga bisita, hindi ko sila mamukhaan dahil lahat sila ay nakasuot ng maskara. Nang may madaanan akong grupo ng mga babae ay narinig ko ang pinag-uusapan nila. "Is that really her?" "How come? I can't believe this!" "Guys, chill. Parang hindi n'yo naman alam yung salitang 'surgery'." Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Alam ko namang mabibigla silang lahat sa pagbabago ko. Hindi na rin ako magtataka kung magkaroon ako ng mga hater dahil simula pa lang naman ay mayroon na akong katulad nila. Nang makadaan ako sa bandang gitna ng mga bisita ay napalingon ako sa kanan at nakita si Dristan. Kahit naka itim na maskara s'ya ay kilalang kilala ko s'ya. Nakatingin s'ya sa akin at alam ko ang ibigsabihin ng mga matang iyon. 'You can do this, you have my back' Napangiti ako ng kaonti dahil ramdam na ramdam ko ang suporta n'ya sa akin. Nang malagpasan ko s'ya ay napatingin ako sa mga bisita sa harapan. Nawala ang ngiti ko nang makita si Caleb na nakasuot ng puting maskara at puting suit. Nakatingin s'ya sa akin at alam kong gulong gulo s'ya ngayon. I know he's wondering I invited him here despite all of the bad things he did to me. Oh well, makapal rin naman ang mukha n'ya dahil matapos ang lahat ng iyon ay may lakas ng loob pa s'ya magpakita sa akin. Nang marating ko ang stage ay may lalaking staff ang tumulong sa akin paakyat sa hagdan. Nagtungo ako sa gitna kung nasaan ang standing microphone. Pinagmasdan ko silang lahat. Sinubukan kong hanapin si Papa pero wala s'ya dito. I felt a heavy weight on my chest but the show must go on. Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang microphone, "first of all, I want to thank all of you for attending my 23rd birthday. I didn't expect a lot of guests especially because of my disappearance a year ago," simula ko habang tinitignan sila. "Many things happened and most of them are not good. But that's life, right?" Nanatili silang tahimik at nakikinig lang sa akin. "I disappeared because I want to change, I want to be the better version of myself. It's not easy, leaving everyone I love to accomplished my goal. But look at me, here I am, Loving the new me! I am inspiring everyone who wants to become the better version of themselves. If I can do it, they you can do it." Lahat sila ay tumayo at pumalakpak. Ngumiti ako habang nakataas ang aking noo at pinagmamasdan sila. Dati ay hindi ko magawa ito, hindi ko kayang tignan ang mga tao sa mata at palagi lang akong nakayuko dahil mababa ang self confidence ko. "What a motivational speech, Scarlett! That was really a moving one." May lumapit na babaeng host sa akin. "Thank you," pasasalamat ko habang nakangiti sa kan'ya. "Napapaisip tuloy ako kung ano ang nagtulak sa'yo magbago, kung ano ang nagbigay inspirasyon sa'yo." "Well, it's quite a lot and I'm sure most of you knew it." I honestly hate how they pretend they didn't knew the reason why I pushed myself to change. Alam kong alam nila ang rason kung bakit ako nagbago. Sila ang mga nangju-judge sa akin at sila rin ang nag-uusap usap sa akin sa social media tungkol sa kasal dapat namin ni Caleb na hindi natuloy. "Anyway, past is past and we all should look forward. We are all here to have fun tonight." "Thank you, Ms. Scarlett." May lumapit na waiter sa amin ng host. May tulak-tulak itong service tray na may lamang dalawang glasses at red wine na pinili ni Dristan para sa akin. "Let us all celebrate Ms. Scarlett birthday by drinking the wine together!" Malakas na sambit ng host tapos ay binuksan ng waiter ang wine at nagsalin ito sa dalawang glasses. Inabot n'ya sa akin ang isang glass habang ang isa naman ay sa host, "everyone! Let us count down!" Habang hawak-hawak ko ang glass ay napatingin ako sa lahat. Hawak-hawak na nila ang mga baso nila na mayroong lamang wine. Sabay-sabay silang nagbilang, "3! 2! 1! Toss!" Ako ang naunang nagtaas ng glass wine at sumunod sila sa akin tapos ay ininom namin ito. Nang matikman ko ang wine ay hindi ako napapikit o naduwal man lang sa after taste nito dahil masarap at matamis ito. Agad kong hinanap si Dristan, sigurado akong naghanap pa s'ya ng wine na magugustuhan ko. Nang mahanap ko s'ya sa isa sa mga bisita ko ay nakita kong may iba s'yang tinitignan sa bandang harapan na table. Sinubukan kong hanapin kung kanino s'ya nakatingin pero masyadong maraming tao. "Alright! So now, Ms. Scarlett prepared an opening piano song tonight for us. Shall we listen to her?" Tumingin sa akin ang host at tumango lang ako. Binalik ko sa waiter ang wine glass tapos ay naglakad ako papunta sa piano na nakalagay sa left side ng stage. Pagkaupo ko rito ay namatay ang iilang ilaw, tanging mga red at gold roses sa paligid na may ilaw na lang ang nagbibigay liwanag pati na rin ang mga paru-paro na nakasabit sa kisame at ang puting pabilog na ilaw na nakatapat sa akin. Narinig kong nagpalakpakan sila at napalunok ako dahil nakaramdam ako ng kaonting kaba. Pinatong ko na ang mga daliri ko sa piano at nagsimula nang magtugtog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD