Rochelle Dianne's POV Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Ang mabigat na talukap ng mata ko. Pero hindi ako makapagsalita. Ang mga magulang ko... Hindi ko man lang sila nayakap ng mahigpit bago mawala sa akin. Hindi ko man lang nasabi kung gaano ko sila kamahal. Sa tuwing bumabalik akin ang sakit bigla na lang akong matutula sa sa isang tabi at mapapaisip kung bakit ako pa ang minalas? Bakit hindi na lang 'yong ibang mga anak diyan na walang pagmamahal at pag galang sa mga magulang nila. Minsan gusto ko na lang sumuko at sumunod na sa mga magulang ko para mawala na ang sakit pero gaano ba ako nakakasigurado na makakasama ko ang pamilya ko sa kabilang buhay? Walang kahit na isa ang nagpatunay kung may kabilang-buhay nga ba. "Dianne! Mabuti na lang nagising ka na." Hindi ko sin