Rochelle Dianne's POV Baliw ang isang 'yon. Malakas ang sayad ng ng pulis na 'yon. Sigurado na ako. H'wag niya lang talagang totohanin lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin dahil baka maaga akong magkasakit nito. Pahinga ko ngayon at tambay sa loob ng kwarto ko. Hindi ko siya nakikita pero ang kapal ng mukha na magparamdam sa utak ko. "Rochelle!" Napaupo agad ako sa kama kong maliit ng marinig ko ang sigaw ng lolo ko sa labas ng kwarto. Mabilis akong tumayo at tumakba papunta sa pinto ng kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si lolo na maayos naman na nakatayo sa gitna ng maliit naming sala. Akala ko may nangyari ng masama. "Lo, ano pong mayroon?" mahinang tanong ko. Wala pa rin akong gana hanggang ngayon. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko mamaya dahil nilalamon