Rochelle Dianne's POV Ayaw ko na sanang pumasok ngayon dahil ayokong makita ang mukha niya pero pangalawang araw ko pa lang at hindi ako pwedeng um-absent agad. Fifty thousand na 'to! Kailangan ko lang talagang siguraduhin sa sarili ko na wala siyang makukuha sa akin. Sigurado rin naman ako na hindi niya ako mauuto. "Bakit parang ang tamlay ni Shoti?" biglang tanong sa akin ni Ethan. Nasa loob kami ngayon ng opisina niya rito sa prisinto. Akala ko, ako lang ang nakakapansin na matamlay si Shoti. Tahimik lang naman si Shoti simula ng una ko siyang makita dahil baby pa siya at hindi pa masyadong malikod pero iba ngayon. "Shoti, baby..." malambing na sambit ko at hinimas-himas ang buhok niya. Nakaupo ako sa maliit na sofa ng opisina niya habang nasa ibaba ng isang maliit na lamesa nama