Jheimwel Rain "Sige na, pumasok ka na sa loob bago pa may magwalang tigre d'yan," nakangiting sabi sa akin ng kapatid nilang si Dexter na hindi ko naman maintindihan. Anong tigre? May alaga ba silang tigre dito? "Basta sumigaw ka lang, Rain, kapag tinangka ka niyang kagatin. Narito lang ang mga room namin. Ito 'yong sa akin, nasa right. Nasa left naman ang kay Darell at itong nasa tapat niyo naman ang kay Dexter." Isa-isa kong nilingon ang mga pintong itinuro ni kuya Daemon. Siguro ay ito 'yong mga kuwarto nila. Saan naman kaya ang kainan nila? Nagugutom na ako. "Kapag may kailangan ka, kumatok ka lang alinman sa mga pinto namin dito or tumawag ka. May mga intercom naman kami sa loob, magpaturo ka lang kay Darren kung paano gumamit," nakangiting sabi din naman sa akin ni kuya Darell