Jheimwel Rain "So, this is your room. Papapalitan na lang natin ng mga bagong cover ang kama at mga unan. Ipapalinis ko na rin muna ito. Siguro ay magpapabili na rin ako ng dalawang lampshade aaand ... hmm, maganda siguro kung may mga painting d'yan sa itaas ng headboard ng kama mo," ani Darren habang nasa paanan siya ng kama nitong silid na pinasok namin dito sa itaas ng napakaganda niyang bahay. Ako naman ay hindi napigilan ang mapahiga sa gitna ng kama at isayaw-sayaw doon ang sarili ko habang nakatihaya. "Ang lambot." Inamoy-amoy ko ang mga unan at kumot. Bakit kailangan pa niyang papalitan eh, ang babango naman na nila? "Okay na ba sa iyo dito?" tanong niya habang nakatayo siya sa paanan ng kama at nakatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng hiya nang ma-realize ko ang ginagawa k