Jheimwel Rain Buong oras akong gising habang nakatanaw sa ibaba kung saan ngayon ay natatanaw ko na ang napakalawak na kapatagan. Natatanaw ko na ang maraming sasakyan sa ibaba na kay bibilis tumakbo. Napakarami ng kabahayan na nagsisiksikan at mayroon na ring mga nagtataasang mga gusali. At sigurado akong napakaraming tao sa lugar na ito. Habang pinagmamasdan ko sila at alam kong nalalapit na ang paglapag namin sa ibaba ay gano'n din kabilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan pa rin ako at natatakot kahit alam kong naririyan si Darren at nangako siyang hindi ako masasaktan. Bigla akong napahabol ng tingin sa isang bilog na bagay sa ibaba na sobrang laki. Mas malaki pa sa mga gusali. May natatanaw akong tila mga upuan sa palibot niyon. Ano naman kaya iyon? Natatanaw ko rin ang mga kal