Jheimwel Rain Saktong pagtapos naming maghugas ng mga plato at kaldero, gano'n na rin ang pagliligpit sa kusina ay bigla namang dumating sila tatay, kasama ang mga kapatid ni Darren na humahangos at tila nagmamadali. "We need to get out of here right now," ani Kuya Darell. "Anak, magdala ka ng ilang piraso ng damit mo at aalis tayo," utos din ni tatay na kaagad umakyat sa itaas ng bahay namin at inilabas ang isang malaking bag. "Tay, ano pong nangyayari?" Kaagad akong sumunod sa kanya sa itaas ng bahay. "What happened?" dinig ko ring tanong ni Darren sa mga kapatid niya. "Joaquin sent more people to the resort to look for ate Sam and kuya Dylan. Nalaman din nilang sila tatay Ambo at Rain ang tumulong sa kanila upang makapagtago. So, they are now searching the whole Island and they a