Jheimwel Rain "Hmm, ang bango." Napalingon ako sa aking likuran sa sinabi niyang 'yon at kaagad akong napalayo nang makita kong napakalapit na niya sa akin at para bang ako ang inaamoy niya. "Bakit parang ako ang sinisinghot mo?" inis kong tanong sa kanya. Kasalukuyan kasi akong nasa harapan ng lutuan at abala sa paghahalo ng ginataang Igat. "Sabi ko, ang bango. I'm referring to the fish. Bakit? Mabango ka ba?" nakangisi niya namang tanong. Kaagad kong naitaas ang hawak kong sandok para ihampas sa kanya ngunit mabilis na siyang nakalayo mula sa akin habang hindi matigil sa pagtawa niya. "Huwag na huwag kang kakain nito!" sigaw ko sa kanya bago ako muling nagpatuloy sa pagluluto ko. "Anong huwag? Ako naman ang nanghuli niyan. Ako ang pumatay, nagsugat pa nga 'tong kamay ko, eh. Ako