Jheimwel Rain Saglit akong napahinto sa kabiglaanan at napatitig sa kanya. Gano'n din siya sa akin habang nasa ibabaw ko siya at pareho naming habol ang aming mga paghinga. Pansin ko ang pagbaba ng paningin niya sa mga labi ko at tumitig doon. At huli ko rin namalayang nakatitig na rin pala ako sa mapupula at maninipis niyang mga labi. Bigla na namang sumagi sa isipan ko ang mga tagpo sa resort kung paano niya halikan sa mga labi ang maraming babae doon. Ano naman kaya ang pakiramdam kapag hinahalikan? Bigla siyang tumighim ng malakas. "N-Nasaktan ka ba?" Para akong natauhan nang mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at inalalayan akong makatayo. "Aah, h-hindi. Okay lang ako." Nag-init ang pisngi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Dinala niya naman akong muli sa gilid ng kama at i