Bumaba ako ng bahay at nagtungong muli sa kusina. Binuksan ko ang ref niya na punong-puno ng pagkain. Muli akong kumuha ng isang mansanas at mabilis itong kinagatan. Ang sarap talaga! Noong nasa isla ako ay gustong-gusto kong makakain nito pero hindi ako makabili dahil may kamahalan. Naiinggit ako sa mga nakakakain nito at ang pinakapaborito ko ay 'yong pulang-pula. Lumabas ako ng kusina habang bitbit ang mansanas. Tumingala ako sa itaas ng hagdan pero hindi ko pa rin makita doon si Darren. Malamang ay nagbibihis pa. Napalingon naman ako sa pinto nang maalala ko sila kuya Daemon at kuya Darell. Ano kayang hitsura ng bahay nila? Ganito din kaya kalaki at kaganda? Mabilis akong nagtungo sa pinto at sinubukang pihitin ang mahabang pihitan ngunit napakatigas nito. Mayroon din namang mal