CHAPTER 6: Nervousness and Fear

1876 Words
Jheimwel Rain Lumipas ang buong maghapon hanggang sa ilang araw ko nang napapansin ang lalaking ito na hindi ko pa rin alam ang pangalan, na umaali-aligid sa paligid ko at tila nagpapapansin pa. Dahil mula sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang palagi niyang pagtitig sa akin kahit pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihang nakakakita sa kanya sa lugar na ito. Ngunit patay-malisya pa rin ako at ni isang sulyap ay hindi ko ginawa sa kanya. Napapaisip lang ako kung nakapagpa-check up na ba siya ng sugat niya. Dahil kung hindi pa, eh 'di mabuti. Hinihintay ko na lang ang pagbula ng bibig niya sa harapan ko. Para siyang malanding pokpok. "Ang ganda naman nito. Magkano 'to?" "Thirty pesos lang po 'yan, Ma'am. Bili na po kayo. Kakaunti na lang po 'yan," sagot ko sa babaeng kasama ng pokpok, na bigla na lamang lumapit sa akin at nagtingin-tingin sa mga paninda kong alahas na kabibe. Ibang mukha ng babae naman ang kasama niya ngayon. Iba rin kanina, iba kahapon at siguradong iba ulit mamaya at bukas. Kailan kaya siya tatamaan ng sakit? Para naman makapagdiwang ako. "Ano namang maganda d'yan? Don't worry, baby, I'll just buy you expensive and real jewelry. P'wede mong isanla sa pawnshop. Hindi katulad niyan, wala namang silbi," sagot naman kaagad ng lalaking pokpok habang sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang pagsulyap at pagtitig niya sa akin. Muling bumangon ang galit sa dibdib ko na naiipon na para sa kanya. Ano ba talagang problema niya? Pati ang mga customer ko ay hinaharang na niya! "T-Talaga?! Bibilhan mo 'ko?! Oh, my God!" tanong naman sa kanya ng babaeng halatang gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata niya at may pagtakip pa siya sa bibig niya habang nakatitig sa malanding pokpok. "Why not? Barya lang naman 'yan." Napakayabang naman talaga. Ilan lang siya sa mga nakilala kong mayaman na nasobrahan ng yabang sa balat. "Oh, that's so sweet, baby ko. I love you na talaga." Sa harapan ko pa talaga silang dalawa naglingkisan na parang mga sawa. Kung mayroon lang akong baon ditong itak, baka nataga ko na sila. Inayos-ayos ko na lang kunyari ang mga paninda ko na nakalatag sa isang malapad na bilao at hindi ko na lang sila pinagkaabalahan pang tingnan. Wala din naman silang kuwenta sa paningin ko. May ilan pang kababaihan ang lumapit sa akin at sila na lang ang inasikaso kong alukin ng mga paninda ko. "Ulan, anak! Halika nga muna dito! Pabaryahan mo itong pera!" Napalingon naman ako kay tatay na biglang sumigaw mula sa puwesto niya. Napansin ko ang bahagyang pag-atras ng lalaking pokpok. Hmp. Takot pa rin siya sa tatay ko. "Tay! Opo, nad'yan na po!" malakas na sagot ko rin kay tatay bago ako mabilis na tumayo. "Sandali lang po, ha. Pili lang po kayo d'yan. Marami pa po d'yang magaganda." "Itong isang ito, gusto ko 'to," sabi naman ng isang babae habang hawak ang isang bracelet. "Opo, sandali lang po." Saglit ko muna silang iniwan, kasama ng paninda ko at mabilis na lumapit kay tatay. "Huwag na po, Manong. Okay lang po. Makakatulong po ito sa inyo." "Naku, Iho. Nakakahiya sa iyo." Napansin ko ang matangkad at napakaguwapong lalaking customer ni tatay at mukhang nakikipagtalo pa sa kanya habang hawak ni tatay ang isang libong piso na pera. "Okay lang po talag--" "Nasaan po ang papalitan, Tay?" sabat ko na sa kanila. "Heto, oh. Papalitan mo lang, anak d'yan sa malapit lang, ha. Huwag ka ng lalayo pa." Kaagad iniabot sa akin ni tatay ang isang libong pisong papel na kaagad ko rin namang tinanggap. "Opo, Tay." Kaagad na rin akong tumalikod sa kanila. "Ah, sasamahan ko na po siya. Para diretso na rin po ako uuwi." Ngunit napahinto rin ako at napalingon sa lalaki. "Ah, ganon ba. Oh, sige, Iho." "Let's go?" Nakangiting bumaling sa akin ang lalaki. Napahinto naman ako at napatitig sa kanya. Simpleng ngiti lang 'yon pero hindi ko napigilang titigan. 'Yong mga titig niya sa akin na natural at tila hindi pansin ang hitsura ng mukha ko. Ngunit kaagad ko ring ipinilig ang ulo ko at alanganin siyang nginitian. Nakaramdam akong bigla ng hiya sa sarili ko at ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha ko. "Ah...s-sige po." Kaagad ko na siyang inunahan sa paglalakad. Ilang ulit akong huminga ng malalim dahil ngayon ko lang napansin na napakabilis na pala ng t***k ng puso ko at tila may mga bubuyog na nagrarambulan sa tiyan ko. "What's up? 'Yong alok ko sa iyo, have you decided yet?" Ngunit kaagad din akong napahinto nang bigla na lamang humarang sa harapan ko ang pokpok na lalaking ipinaglihi sa kayabangan at sa kalibugan. Nakangisi na siya ngayon sa akin ngunit pansin kong biglang dumilim ang anyo niya, hindi katulad kanina noong pinagkukumpulan siya ng mga babae. Puno siya ng mga nakakahindik niyang ngiti. "Pwede ba, tigilan mo 'ko? Hindi ako ang babaeng kailangan mo," inis kong sagot sa kanya. "Darren." Nagulat naman ako at kaagad napalingon sa lalaking kasama ko nang bigla niyang tinawag sa pangalan ang lalaking ito. Napansin ko ang matalim na titig niya dito. "K-Kilala niyo po siya?" gulat kong tanong sa kanya. Hindi naman nalalayo ang hitsura nila. Parehas silang guwapo, makisig, matangkad kahit hindi sila gaanong magkamukha. Parehas din sila ng kutis. Pero sa tingin ko ay mas nakatatanda sa kanya itong lalaking kasama ko at maawtoridad kung magsalita. Siguro ay kuya niya ito. "What the f**k are you doing? Just go back to Manila kung hindi kayo magtitino dito," sermon niya sa pokpok na lalaking ito. Magkaano-ano ba sila? Magkapatid ba sila? "I just want to be friends with her. Is that bad?" "Hindi ako nakikipagkaibigan sa bastos!" kaagad kong sagot sa lalaking ito. Mas mabuti ngang malaman ng kapatid niya kung talaga bang magkapatid sila kung ano ang katarantaduhang ginagawa nito dito at para ibalik na siya sa lugar kung saan man siya nagmula! Kaagad ko siyang nilampasan ngunit nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko! "Darren!" sigaw ng kapatid niya sa kanya. Malakas na inagaw ko naman ang braso ko mula sa kanya bago ko siya pinatikim nang malakas na sampal sa pisngi, na siyang ikinagulat niya. Nagulat din ako sa ginawa ko pero huli na. Nagawa ko na. Wala pang ibang taong nakakahawak sa akin kundi ang mga magulang ko lang. At nasaktan ako sa pagkakahawak niya sa braso ko! Kailanman ay hindi pa ako nasaktan ng mga magulang ko! "What the--" "Hey!" Kaagad siyang naitulak ng kapatid niya nang magtangka siyang lumapit sa akin habang matalim ang pagkakatitig sa akin. Mas lalo pang dumilim ang anyo niya. "Nakita mo naman, sinampal niya ako!" Para siyang batang nagsumbong sa kuya niya. "f**k off, Darren if you don't want me dragging you back to Manila!" Ramdam ko na ang galit sa kanya ng kuya niya kaya't bigla siyang natahimik. Ngunit binigyan niya pa rin ako nang matalim na tingin bago siya tumalikod at naglakad papalayo. Kinabahan naman ako. Bigla akong nag-alala na baka balikan niya ako at gawaan ako ng masama. "Pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko. Huwag ka nang mag-alala, hindi na 'yon lalapit sa iyo." Napalingon ako sa kuya niya. Bigla naman siya ngayong huminahon habang nakangiting nakatitig sa akin. "Okay lang po, kapatid niyo po pala siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil noong nakaraan pa niya ako ginugulo." "Hayaan mo, kakausapin ko pa siya mamaya. Okay na 'yon paminsan-minsan makatikim siya ng sampal. Hindi lahat ng babae ay makukuha niya." Mahinang natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. "Salamat din po." Muli na kaming nagpatuloy sa paglalakad. "But just in case, isumbong mo lang sa akin. Nariyan lang naman sa malapit ang cottage namin. By the way, I'm Dylan Delavega. You are?" "Rain po," nakangiti ko ring pagpapakilala sa kanya. "Oh, Rain. That's why your father called you Ulan." "Opo. Makulit kasi 'yan si tatay," natatawa ko namang sagot sa kanya. Parang napakagaan niyang kasama at hindi ko napigilang titigan siyang muli. "Huwag mo na lang akong suklian. Ibili mo na lang ng pagkain niyong mag-ama ang sobra d'yan." "Ha? H-Hindi po p'wede. Malaki ito, eh." Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ng matinding hiya. "It's okay with me. Can we be friends? We're just vacationing here with my fiancee. Gusto ko lang din sana magkaroon at least a few friends while we stay here." Bigla akong natigilan sa sinabi niyang 'yon at doon unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Kahit hindi ko gaanong maunawaan ang mabilis niyang pagsasalita ng english, alam ko naman ang ibig sabihin ng fiancee. Girlfriend niya at pakakasalan niya. "M-May fiancee ka na?" paniniguro ko pa rin. "Hmm...yeah. Mabait 'yon. I'm sure she'll like you," nakangiti niyang sagot. Pansin ko ang pagkislap ng kanyang mga mata habang tinutukoy niya ang girlfriend niya. Mukhang in love na in love nga siya sa girlfriend niya. Nakaramdam akong bigla ng panghihinayang at munting kurot sa dibdib ko. "Ah, okay lang po." Binigyan ko pa rin siya ng munting ngiti. "A'right. I'll go ahead." "S-Sandali lang." Bigla na siyang tumalikod ngunit wala sa sarili kong nahawakan ang braso niya...na kaagad ko rin namang binitawan nang mapansin ko ang pagtitig niya do'n. Mabilis kong hinubad ang suot kong bracelet na yari sa kabibe at inilagay sa palad niya. "Sa iyo na lang po ito." "What is this?" Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa bracelet. "K-Kapalit na lang nitong pera. Sana magustuhan ng f-fiancee mo." "Huh? Ito ba 'yong paninda mo doon?" nakangiti niyang tanong. Ni hindi ko man lang siya kinakitaan nang panliliit sa paninda ko, hindi katulad nang ginawa ng mayabang niyang kapatid. "Opo. Ako ang gumagawa niyan," nakangiti kong sagot sa kanya. Kung gayo'n ay napansin niya rin ako doon kanina. "Whoa...really? It's nice. Wait, I'll pay for it." "H-Hindi na. Mura lang naman 'yan. Sobra-sobra pa itong pera niyo." Kaagad ko siyang inawat nang magtangka siyang bumunot ng pera sa wallet niyang hawak niya. Habang bitbit niya rin ang isang plastic ng buko na binili niya kay tatay. "Hindi na ba kita mapipilit?" "Hindi na. Sige na po. Babalik na 'ko. Congrats po sa inyong dalawa ng fiancee mo. Gift ko na lang po 'yan. Sige po." Kaagad ko na siyang tinalikuran at nagmadaling bumalik sa tindahan ko. "Thanks!" dinig kong sigaw niya, na siyang ikinalingon kong muli sa kanya. Nakangiti din akong kumaway sa kanya at nagkasya na lamang ako sa pagtanaw sa kanya mula sa malayo. Napabuntong-hininga na lamang ako nang tuluyan na siyang tumalikod at maglakad papalayo. Nakakilala ka nga ng isang mabait at gentleman na lalaki, 'yon nga lang may may-ari na. Pag minamalas naman talaga. Muli akong bumuga ng malakas na hangin bago tumalikod. Ngunit bigla akong napahinto nang madaanan ng paningin ko ang lalaking puno ng kayabangan at kalibugan sa katawan na nakatayo sa bukana ng liblib na bahagi ng restaurant, kung saan daanan namin ni tatay patungo sa kabilang bahagi. Napakadilim ng anyo niya at napakatalim pa rin nang pagkakatitig niya sa akin. Muli akong ginapangan ng kaba at takot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi siya matatahimik hangga't hindi siya nakakaganti sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD