CHAPTER 5: F**kboy

1971 Words
Darren Napabuga ako ng malakas na hangin habang hawak ko ang dibdib ko, matapos kong pumasok sa loob ng restaurant. Muli akong tumanaw sa labas at nakita kong magkasama na ang mag-ama sa paglalakad papalayo. Tsk. Wala akong laban do'n. Tatay 'yon. Ang laki ng itak na dala niya. Paano kung bigla niya akong isumbong sa ama niya? Eh, 'di hinabol ako no'n at siguradong tatagain ako no'n. Damn it! Napasabunot na lang ako sa ulo ko habang tinatanaw sila. Hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. "Babe! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" I suddenly turned to my right when suddenly a leech clung to my arm. "Nandito ka pa rin?" Inis kong inalis ang mga kamay ni Jane mula sa braso ko. She immediately pouts even though it doesn't suit her. She was the woman I was with on the yacht while I was guarding the yacht where Kuya Dylan and ate Sam was. I just met her at a bar here in the resort. Mukhang okay naman siya noong gabing iyon pero ngayon ay hindi na. And wait, if I'm not mistaken it's been three weeks since we stayed in the middle of the sea. Tsk. Malapit na rin pala kaming mag-one month sa resort na ito. Pero nasa sampong babae pa lang naman ang nakatalik ko dito. Ang iba ay hindi ko na makita dahil mga tourist lang din naman sila dito. "May hinihintay pa kasi akong mga friends ko na darating. How about you? Kumusta na nga rin pala 'yong pogi mong kuya? What's his name again? Dylan ba?" Muli siyang nangunyapit sa braso ko at kinikilabutan ako sa ginagawa niya kaya muli ko lang din siyang tinabig at piniling maglakad na palayo sa kanya. "Hey! Sabay na ako sa iyo! Pabalik na rin naman ako sa unit ko." Napakamot ako sa ulo ko nang maramdaman ko pa rin ang pagsunod niya sa akin. She even tried to hold my hand but I immediately avoided her. Tsk. Minsan, ayoko na lang talaga maging pogi kapag ganito kakulit ang babae. "You go first. I'm going somewhere else," I answered her before I quickly turned my back on her and chose to leave the restaurant. I went back to the hotel and went inside. Eksakto namang nakasalubong ko ang mga unggoy kong kapatid. "Saan ka na naman ba nanggaling? Ang sabi mo iihi ka lang!" kaagad na salubong sa akin ni Daemon. "Umihi naman talaga ako," sagot ko bago ko sila nilampasan at lumabas muli ng hotel sa kabilang bahagi naman kung saan nakaharap sa karagatan. "Ulol! We came from the restroom and you're not f*****g there! Hindi ka namin nakita do'n." Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin. Tsk. Pati ba naman sa banyo, sinundan ako? Napahinga na lang ako ng malalim at hindi na sila sinagot pa. Hindi rin naman ako mananalo sa mga kuwagong 'to. We went to the cottage that Kuya Dylan and ate Sam were occupying. Ngunit nasa malayo pa lang kami ay natatanaw na namin sila sa gilid ng dagat at walang katapusang naglalampungan na naman. "Damn it. Don't they know the word PDA?" tanong ni Daemon habang nakapamaywang siya at nakatanaw rin sa dalawang naglalandian sa gilid ng dagat. "AW!" malakas na daing ni kuya Dylan nang kagatin ni ate Sam ang pisngi niya. "Baby naman. Whoa, ang sakit!" "Para siyang batang biglang umaatungal," Darell said while also looking at them. Sabay naman kaming nagpigil ng tawa ni Daemon. "Sorry na. Ikaw kasi, eh." Kaagad din namang sinuyo ni ate Sam si kuya Dylan. "No." Nagtampo-tampuhan naman ang kapatid naming nagpapasuyo sa babae. Tsk. Para siyang bading. "What the hell? I already know that kind of s**t. Tsk," Daemon said shaking his head from beside me. Makapagsalita, akala mo nagka-girlfriend na. "Sorry na nga, eh!" pasigaw na sabi ni ate Sam bago siya muling lumapit kay kuya Dylan at bigla itong dinapaan sa ibabaw! "Whoa! Sakit niyo sa mata!" biglang hiyaw ni Daemon ngunit parang wala namang narinig ang dalawang love-birds dahil hindi man lang sila lumingon sa paligid. "No, you hurt me," sagot naman ni kuya Dylan. "Tangina," hindi ko na rin napigilan pang magsalita habang nakangiwing nakatanaw sa kanila. "Tsk," napasinghal din si Darell at tumalikod na lamang. "Bati na tayo. Huwag na magtampo 'yang baby kong 'yan. Gusto mo bang galitin ko 'yang nasa baba mo?" panunuyo ni ate Sam kay kuya Dylan. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Oh, man! Sana all naman. "Hindi ka ba nasusuka sa kanila?" tanong ni Daemon sa akin bago siya tumalikod na rin at naglakad papalayo. "Tsk." Pinili ko na lang din ang sumunod sa kanila dahil nagmumukha lang kaming mga bitter na audience ng dalawang naglalandian sa gilid ng dagat. Tsk. I just wonder what it feels like to be tied to a woman? I've never experienced having a girlfriend. But I can't count how many women I've been in bed with so far. Hindi ba nakakasakal 'yon? Based on what I see in them, Kuya Dominic and the rest of our cousins, their f*****g girlfriends control them too much. At ito namang mga pinsan kong lalaki, they are becoming submissive to their girlfriends and wives! We are the man, dapat tayo ang nasusunod at hindi sila! Hindi p'wedeng ang mga lalaki ang under ng mga babae. Natatapakan nila ang p*********i namin kung gano'n. Tsk. We went back to our hotel and to our respective units. Hindi naman siguro mawawala 'yong dalawang love birds sa kanilang cottage na inuukupa ngayon at ayon kay kuya Dylan ay magtatagal pa sila sa lugar na ito hanggang hindi pa maayos na nakakalakad si ate Sam. I went straight to the bathroom and immediately took a shower. Maalinsangan ang pakiramdam ko at parang kay dami nang mga nangyari sa buong araw na ito. "Oh, f**k!" napamura ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng sugat ko sa hita ko nang madulasan ito ng tubig na may sabon. Tsk. Pati ito ay nakalimutan ko nang dalhin sa clinic para ipasuri. Bukas na lang siguro dahil napapagod na rin akong lumabas. After I took a shower, I just put on a new robe and lay down on the bed. Binuksan ko ang television na nasa harapan ng kama ko bago ako nagsalin ng alak sa basong nakapatong sa bedside table. Samo't-saring news ang bumungad sa akin at wala naman akong maintindihan. Pilit sumisiksik sa isipan ko ang mukha ni Ulan at ang napakaganda niyang katawan. Ang tapang niyang sagot-sagutin ako kahit isa lang naman siyang tindera ng mga kabibeng pinupulot sa dagat. Tsk. Ang guwapo kong ito, mayaman pa. Mano bang bumait na lang siya sa akin katulad ng maraming babaeng nagkakandarapa sa akin. Baka bigyan ko pa siya ng maraming pera para hindi na siya nahihirapan pang mamulot at magtinda ng mga kabibe. I just turned off the t.v and drank the wine from my glass again. Hanggang sa ito ay maubos ko na. Pabaling-baling ako sa higaan at hindi mapakali sa hindi ko malamang dahilan. Paano ko ba mapapaamo 'yong babaeng 'yon? Pero teka, bakit ko ba siya pinag-aaksayahan ng panahon? Damn it! There are so many f*****g women out there. Sexy and more damn beautiful. Not like her with a disgusting birthmark on her face. Tsk. Jheimwel Rain "Anak, mauuna na ako sa iyo. Siguradong marami ng customer sa tabing dagat." "Opo, tay!" Nilingon ko si tatay na ngayon ay kalalabas lang ng bahay at may bitbit ng galon na paglalagyan ng buko juice. Ang mga buko naman niyang itinitinda ay ino-order lang niya mula sa kabilang ibayo dahil wala naman kaming sariling niyogan. Nakikitira lang kami sa gubat na ito at ang mga Villaroel ang nagmamay-ari nito. Nagpapasalamat nga kami sa kanila ng sobra-sobra dahil pinayagan nila kami dito ni tatay nang walang bayad. Inalok din ako ng trabaho ni Ma'am Hazel noon sa isa sa mga hotel nila pero mahigpit ko nang tinanggihan dahil hindi ako p'wede doon sa hitsura kong ito. At saka, kadalasan sa mga bisita nila doon ay mga mayayaman at english. Baka hindi ko sila masagot ng maayos dahil hindi naman ako nakatapos sa pag-aaral at kakaunti lang ang alam ko. Sapat na sa amin ni tatay ay may makain araw-araw. Nakakaraos pa naman kami. At saka, ayaw din ni tatay na mawawala ako sa paningin niya. Siguradong makakapatay daw siya kapag nalaman niyang may nananakit sa akin at tumutukso sa hitsura ko. Katulad na lang ng lalaking 'yon na sumunod dito at nakita na ang buong katawan ko. Ayoko rin naman na dumating si tatay sa gano'ng punto, na makakapatay siya ng tao nang dahil sa akin kaya suwerte siya dahil wala pa akong planong isumbong siya. Huwag niya lang sasagarin ang pasensiya ko. At saka, wala na rin akong taga-pagtanggol sa pamilya ni Ma'am Hazel dahil matagal na silang wala rito. Ang balita ko mula sa mga usap-usapan sa resort ay nakakulong ngayon sa Manila ang asawa niyang si Sir Kennedy at anak nilang si Hannafaye. Samantalang si ate Hescikaye ay may asawa na ngayon. Nakapangasawa siya ng mayamang lalaking taga-Manila at doon na rin sila sa ngayon naninirahan. Binilisan ko na ang pagsasampay ng mga nilabhan kong damit namin ni tatay upang makasunod na rin ako sa kanya. Siguradong marami na namang kabibe ang naliligaw ngayon sa tabing dahil malakas ang alon kagabi. Matapos kong magsampay ay kaagad ko nang kinuha sa loob ng bahay ang bag kong yari lang sa makapal na tela. Naririto na rin ang kakaunting natitira kong kuwintas at porselas kahapon. Sana ay mapaubos ko na ito ngayong araw para may masarap ulit kaming ulam mamaya ni tatay. Muli kong sinuong ang masukal na kagubatan sa loob lang ng tatlong minuto. Mabilis naman akong maglakad. Kaagad akong nakarating sa labasan at mabilis na tumawid sa kalsada patungo naman sa kabilang bahagi kung saan may restaurant. May liblib na daan sa gilid nito patungo naman sa kabilang bahagi kung saan naroroon na ang dagat. Ngunit pagpasok ko sa liblib na daanang iyon ay kaagad akong napahinto nang bumungad sa akin ang lalaki at babaeng naghahalikan sa isang tabi. Kaagad kong namukhaan ang lalaking ito na kahapon lang ay hinarang pa ako para magpaliwanag at maghingi ng sorry. Hindi kaagad ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko habang nakikita ko kung paano niya halikan ang labi ng magandang babae at kung paano niya hawakan at lamasin ang mga dibdib nito. Parang sarili nila ang mundo at hindi ako napapansin na nakatayo na sa kanilang harapan. Kaagad akong yumuko nang mapansin ko silang huminto at lilingon sa gawi ko ang lalaking manyakis. Kaagad akong nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa ko sa kanya kahapon. Sana pala ay hindi ko na lang siya tinulungan na magamot ang sugat niya. Natuluyan na lang sana siya. "Ang galing mo, babe. Sabi ko na nga ba, hahanapin mo rin ako, eh," mapang-akit na sabi sa kanya ng babae. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa tabi nila at hindi sila pinansin. Hanggang sa tuluyan ko na silang malampasan. "Wala naman kasing ibang maganda at sexy sa resort na ito kundi ikaw lang," dinig ko namang sagot ng lalaki sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang napakuyom ang mga kamao ko at kumulong bigla ang dugo ko sa sinabi niyang 'yon. Walang ibang maganda? Pakiramdam ko ay pinariringgan niya akong pangit. Lumingon ako sa kanila at doon ko napansing nakalingon din sa akin ang lalaking ito habang nakangisi na tila pinagmamalakihan ako. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko. Hindi nga ako nagkamali, pare-parehas lang sila. Wala rin siyang ipinagkaiba sa mga nakilala kong fuckboy sa resort na ito. Naririnig ko lang ang salitang 'yon sa mga turistang napupunta dito. Sana ay makagat ka na lang ulit ng ahas at maulol. 'Yon ang bagay sa iyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD