CHAPTER 8: Antics

2169 Words

"Pasok kayo. Gusto niyo ba nang maiinom?" alok ko sa kanila nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng aming barong-barong. "Pasensiya na kayo, ha. Saging lang at mga buko ang mayroon kami dito na maaari niyong makain sa ngayon. May kanin pa naman kaming natira ni tatay kanina kaso malamig na." Nagpatuloy ako hanggang sa aming kusina. Nahihiya ako dahil wala akong maipakain sa kanila na masarap. Ibinaba ko na sa ibabaw ng mesa ang bag ko. "It's okay. Ang sarap nga dito eh. Presko." Napalingon ako kay Darren sa sinabi niyang 'yon. Napahinto ako nang makita ko siyang nakahilata ngayon sa katre ni tatay habang umiikot ang mga mata niya sa palibot ng bahay namin. Hindi ko man lang siya nakitaan nang pandidiri kahit mga anak-mayaman sila. "Sino ang kasama mo dito?" tanong naman sa aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD