Jheimwel Rain Nagsimula kaming umakyat sa itaas ng bangin. Medyo matarik ang lalakaran at kailangang humawak sa mga baging na nakabitay sa mga gilid. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang kami nang pag-akyat nang bigla na lamang may mabilis na ahas na gumapang paibaba at kamuntik ko nang matapakan! Sa gulat ko ay bigla akong napabitaw mula sa hinahawakan kong baging. "Ooopss. Careful." Kaagad din namang nasalo ni kuya Darell ang baywang ko mula sa likuran ko kaya't hindi ako natuloy sa pagbagsak. "N-Nakita mo po ba? O-Okay lang ako." Muli akong humawak ng mahigpit sa banging at ipinagpatuloy ang pag-akyat. "Ang alin?" "Y-Yong ahas. Kamuntik ko nang matapakan." "What?! Oh, s**t!" Napalingon ako sa kanya at ang braso niya naman ang nahawakan ko nang muntik na rin siyang mapabitaw sa hina