Jheimwel Rain Sa muli kong paggising ay kaparehong silid pa rin ang bumungad sa akin. Nasa hospital pa rin ako at may bagay pa ring nakasaksak sa isa kong kamay. May mahaba itong tila hose na kunektado sa isang puting bag na nakasabit sa itaas at naglalaman ng tubig. Ibig sabihin ay pumapasok iyon sa loob ng katawan ko? Bakit doon pa nila idinaan? P'wede ko naman sigurong inumin 'yon. Nauuhaw na rin ako. Napatingin ako sa lalaking nakasubsob sa tabi ko. Hawak niya ang isa kong kamay at para siyang natutulog. Pinilit ko itong hilahin mula sa kanya ngunit bigla siyang kumilos at kaagad na tumunghay sa akin. Darren "Hey, baby. You're awake," aniya na hindi ko naman maintindihan. Kinusot-kusot niya ang mga mata niyang medyo nangingitim na ang palibot bago muling tumitig sa akin. "Ku