Jheimwel Rain Bigla akong napaluhod sa lupa nang malakas na tumama ang kamao niya sa sikmura ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa paanan niya. Sobrang panghihina ang naramdaman ko at para akong papanawan ng ulirat. Umikot ang paligid ko at nag-umpisang magdilim ang paningin ko. Hindi ko maigalaw ang lahat ng parte ng aking katawan ngunit nananatiling nakadilat ang aking mga mata at nakatitig sa mukha ni Mang Edwin na ngayon ay nakangisi habang nakatitig sa akin. Nagmistula siyang demonyo sa aking paningin. Napansin ko ang pagyuko niya sa akin hanggang sa ako ay buhatin niya. Inihagis niya ako sa ibabaw ng katre at napaubo ako nang tumama ang likuran ko sa matigas na bagay. Namilipit ako sa sobrang sakit. "Makisama ka na lang! Pahihirapan mo pa ako, eh," aniya sa nag-e-echo