Jheimwel Rain Pagkaalis na pagkaalis nila tatay ay kaagad na akong tumalikod at bumalik ng bahay. Ni hindi ko tinapunan ng kahit kaunting pansin o tingin ang lalaking pokpok sa likuran ko na ngayon ay ramdam kong nakahabol ng tingin sa akin at nararamdaman ko na rin ang pagsunod sa akin. Naririnig ko ang mga mahihina niyang pagtighim mula sa likuran ko, na para bang nagpapapansin. Ngunit hindi ko pa rin siya nilingon. Pumasok ako sa loob ng bahay. Hinayaan ko na lang na nakabukas ang pinto upang hindi niya naman isipin na bastos ako at sinaraduhan ko siya. Kung papasok man siya, huwag na huwag siyang magtatangkang gumawa ng hindi maganda dahil pipira-pirasuhin ko ang katawan niya at iluluto ko sa kaldero! Nagdiretso ako sa loob ng kusina. Naramdaman ko pa rin ang pagsunod niya sa akin