Kabanata 2

1639 Words
        "Well, set your priorities, Marciano!" Sigaw ni Mommy ng pumasok ako sa bahay.         "That's just five million! We can double or triple the amount if it's a success. Trust me, Elizabeth!"         "No, I won't. Don't do it, Marciano! Just focus on the transactions. We'll be facing bankruptcy in the next year."     Pumikit ako. Heto na naman sila. Nag-aaway na naman silang dalawa dahil sa business. Hindi na nila napansin na dumating na ako. Nagdiretso ang akyat ko sa aming staircase at nakasalubong ko si Kuya Ely na may hawak na mug.         "Okay ka lang? Did you cry?" Aniya.     Tumikhim ako. I can't deny it lalo na at pulang pula ang mga mata ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag.         "Yeah. Nabasag kasi 'yong camera ko. Alam mo namang gift 'yon ni Mommy."     Tumango si Kuya at ginulo ang buhok ko. Napatitig ako sa kanya. Namamayat na siya at malaki na rin ang itim sa ilalim ng mata. Siguro ay talagang nakakastress ang licensure examination. Kapag nakapasa na siya, sigurado akong magtatrabaho na siya sa Gaisano Empire bilang Engineer.         "You should rest, Gianna. Ibibili na lang kita ng camera mo next week. Just don't mind our parents." Aniya at bumaba sa hagdan na akala mo ay walang sigawan na nangyayari sa opisina ni Daddy.     We both knew it. Bata pa lang ay alam na namin ni Kuya na hindi na masaya ang parents namin sa marriage nila. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagsasama pa sila sa iisang bubong ganoong araw araw silang nagsisigawan.     Huminga ako ng malalim at pumasok na sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan muli ang mga kuha ko sa bwisit na Luna na 'yon!     Napakayabang niya! Padabog kong sinara ang screen ng laptop ko at nahiga sa kama. Kung tutuusin ay ako rin naman ang may kasalanan dahil kinuhanan ko sila ng walang permiso pero sana man lang ay di niya ako pinahiya ng ganoon. He should have asked me in a nice way ng kami lang dalawa. Alam naman niyang maraming mata ang nakasunod sa kanya.     At ito ang unang beses na kinausap niya ako sa public! For three years ay parang hangin lang ako sa kanya. And that's impossible coz he tried to bully Maddison once!     O baka naman nagpapasikat lang siya? At wala naman talaga siyang pake kung malaman ng lahat ang sa kanila ni Professor Benitez? And by the way he called her kanina ay talaga namang nakakapagtaka. He just stood there and called her Liesel.     Ginulo ko ang buhok ko. And why am I even curious? Wala na ba akong pinagkaiba sa mga gossipers eh! Nakatulog ako sa kaiisip ng ganoon.     Nagising ako kinabukasan at maagang pumasok. Kailangan kong humiram ng book sa library. Binigay ko ang Library Card sa librarian.         "Photography?" Tanong ng librarian sa akin.      Tumango ako.         "Hmm. Tamang tama. Naghahanap ang university ng estudyanteng magpipicture para sa brochure next school year." May kinuha siyang form at kasabay na iniabot ng aking library card.         "Fill-up mo muna."     Hindi na ako nakipagtalo at sinulat ang pangalan ko. Mabilis lang iyon at agad na akong nagpaalam. Chineck ko ang librong nakuha ko para tingnan ang iba't-ibang photography styles ng bigla akong mabangga sa likuran ng kung sino.     Nag-angat ako ng tingin kay Diego na nakataas ang kilay. Yeah, right! Ang kampon ng demonyo. Malaki ang ngisi niya ng mapagtantong ako 'yon.         "Hey, camera girl. We meet again." masayang bati niya.         "Do not act like it's a surprise for you, Diego. Maliit ang school natin kaya malamang ay magkikita tayo." Hindi ko  na siya tiningnan ng matagal at patuloy lang sa paglalakad. Binuksan ko ang bag ko pero kinuha niya ang librong hiniram ko at binuklat iyon.     Inagaw ko iyon pero dahil matangkad siya ay hindi ko maabot. Nang mapagod na ay tinadyakan ko na siya sa kanyang tuhod na naging dahilan kung pano ko naagaw ang libro sa kanya. Hinawakan niya ang kanyang tuhod at masamang tumingin sa akin.         "Hindi na uso ang bullying. Twenty-first century na at masyado nang cliche 'yan. Pwede ba, tigilan niyo na ang pag-arte na para kayong nasa teleserye." Irap ko at iniwan siyang nakatulala sa sinabi ko.     Bago pa ako makaliko sa hallway ay sumigaw ang bwisit na si Diego.         "I can't believe you caught his attention! You'll pay for this, Gaisano. Aish!"     Lumiko na ako at nakasalubong ko naman si Kit na palinga-linga. Kit Chavez. Nilagay ko na ang libro sa aking bag. Nang mapansin niyang ako ang nasa unahan niya ay ngumiti siya. Innocent face.         "Hello!" bati niya.     Tiningnan ko lamang siya. He has this soft aura pero mahilig matakpan ng kasamaan ng kanyang ugali.         "If you're looking for another idiot, he's probably limping at the end of this hallway."     Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at nilingon ang dulo ng hallway gaya ng sabi ko. Ngumisi siya at umiling.         "Ah... Thanks." tipid na sabi niya.     Maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang balikat ko. Umangat na ang tingin ko sa kanya at pumiksi sa kanyang hawak. Tinaas niya iyon na parang maging siya'y napapaso. Ngumiti siya ng may halong paumanhin.         "Elisha." tawag niya.         "Call me Eligia. We are not close, Chavez."     Tumango siya.         "Well, Eligia... I'm sorry about the other day. You should never push him to his limits. You know, King."     Kahit na mabait siya ay hindi ako ngumiti. I feel that he's not like Diego and King. Tumango ako at hinarap siya ng maayos. Even his posture tells me that he's a well-grown man.         "Chavez, I know you are not like your friends? Why are you hanging out with that type of guys? You're much better than that. I saw your name on the Dean's List. You should be careful."         "You don't know them, Eligia. They were my friends since elementary. They are not that bad."         "Well, go on. Who am I to care right? I'll go now, Kit Chavez. Goodluck."     Tumango siya. Nagtext na si Maddison na nasa classroom na siya kaya nagmamadali akong umakyat sa hagdan. At sa kamalas malasan ay nakasalubong ko ang leader ng Three idiots. Seryoso ang kanyang hitsura at akala mo'y pinagsakluban na naman ng lupa. I tried to maintain a straight face.     Gumala ang tingin niya sa mga estudyante at tumigil iyon sa akin. Halos manginig ako pero mas nakakagulat na inalis niya agad iyong tingin niya sa akin at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin. That was strange. Ineexpect kong simula na iyon ng pangbubully niya sa akin.     Inalis ko iyon sa aking isip at agad na pumasok sa classroom. Nadatnan ko si Maddison na may dalang take-out ng breakfast. Hindi kasi ako kumain kaya agad kong nilantakan iyon.         "Anong sabi ng parents mo sa camera? Ni Kuya Ely?" tanong ni Maddison.     I shrugged my shoulders at pinunasan ang gilid ng labi ko.         "Hindi alam ni Mommy at Daddy. Kuya doesn't seem to mind. He just told me na ibibili niya ako ng bago next week."         "Wala bang nambully sa'yo? Or something habang naglalakad ka rito?" tanong na naman ni Maddi.     Hinigop ko ang coffee at umiling.         "No. Galing ako sa library."         "Weird." bulong ni Maddi. "Madalas ay binubully na nila ang mga tao ng ganitong araw after the commotion yesterday."     Hindi ko na napigilang batukan si Maddi sa sinabi  niya. Talagang gusto niya akong mabully. Noong isan taon pa niya itong inaabangan dahil hindi raw ako binubully ng three idiots. Nabully na kasi siya noong second year kami.         "Gusto mo talagang mabully ako? Kaya ba di mo ako tinulungan?" Inis na sabi ko.     Tumawa siya sa sinabi ko at ininom ang kanyang coffee. Kinuha ko naman ang librong hiniram ko at binuklat iyon. Natigilan ako at nilingon si Maddi.         "Nakasalubong ko sila kanina. Isa-isa."         "Oh my gosh! Minamanmanan ka na nila. Expect mo na ang bullying act sa'yo, Eligia. Anong ginawa nila sa'yo? Ano?"     Ngumuso ako.         "Nothing. They just talked to me. Diego tried to bully me but I kicked him. While Kit, just said he's sorry yesterday. And King... just looked at me and then go his way. Yun lang. Kailangan ko na bang kabahan?" tanong ko.     Mukhang disappointed si Maddi sa sinabi ko.         "For real? Baka naman nainlove sa'yo yung tatlo? Kaya di ka rin binubully? Or maybe because Kuya Ely's their soccer captain last year and King is his successor kaya ka exempted! Eh bakit hindi ako? I'm Kuya Ely's future girlfriend!" litanya ni Maddison.     Napailing na lang ako. Siraulo talaga 'tong si Maddi. Pero nakakapagtaka rin nga dahil hindi ako minsang nabully? why? Are they afraid of my brother?         "Do you think my Kuya will like you? You're so loud. You don’t read books. You're totally not his type."         "Hoy! Ang sama mo kaya nga kita kinaibigan eh. Kasi, I know you'll build me up with your Kuya. Please, Eligia... Isang date lang!"     Tinulak ko si Maddi ng nag-umpisa na siyang yugyugin ako. Ang kulit talaga nito ng biglang pumasok si Prof. Benitez na kinatigil naming lahat. Umupo ng maayos si Maddison sa kanyang upuan at humilig sa akin.         "Oh, the child-abusing witch." bulong niya kaya siniko ko siya.     Nakatingin na sa amin ngayon si Professor Benitez. Ngumiti siya sa aming lahat.         "Okay, before we start... Can I talk to you, Ms. Gaisano?"     Nilingon niya ang mga kaklase kong nakatingin sa amin. Tumayo ako at tumango. If this is because of what happened between them....         "In private." she said with finality.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD