Kabanata 1

1660 Words
    Nilalaro ko ang hawak na DSLR cam na regalo sa akin ni Mommy noong 18th birthday ko. Nakatambay kami ni Maddi sa lilim ng puno sa soccerfield. Nagpapahinga ang model kong si Maddi at tinetext ang kanyang boyfriend habang kumakain ng lollipop. I took a picture of her. I smiled dahil medyo distorted ang hitsura niya.      Tinutok ko ang lens sa mga naglalaro doon. I love photography so much. Nakakailang shots na ako ng di sinasadyang mapatapat ang camera ko sa katapat na puno. I tried to zoom in at halos atakihin ako sa puso ng maaninag na dalawang bulto iyon ng naghahalikan. Tumagilid ang ulo ng lalaki, giving me a clear image of his face.         "That punk." Bulong ko sabay capture.     Sunud-sunod ko pa siyang kinunan ng litrato at ang babae. Lihim akong napangiti. Maaari ko itong gawing panlaban sa kanya kapag nagkataon. Ngiting tagumpay ako at tinuloy na ang pagkuha ng litrato kay Maddi.         "Ako lang ba o talagang 'di ka big deal sa barkadahan nila?" Nguso niya sa akin.      Kumunot ang noo ko kaya nginuso niya ang table kung saan nakaupo at nag-iingay sina King.         "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang binalik ang atensyon sa laptop screen para sa mga kuha ko.         "Kasi naman, Eli.... Diba pinahiya mo siya nung isang araw? Araw-araw na ata akong nag-eexpect simula nun na gagantihan ka nila or else sasaktan."     Natigilan ako at sinamaan siya ng tingin. Talagang hinihiling pa niya 'yon. Hindi ako sumagot sa kanya. Napahiya lamang naman siya sa mga kaibigan niya. On the other hand, hindi na siya dapat pang mahiya sa mga kaibigan niya. Diego, Kit and his circle of friends are the same. All arrogant rich kids.     As I scanned the pics, natigilan ako sa isang picture kung saan sila naghahalikan noong babae. He's looking at the camera while the girl's tilting her head to my direction. Napamura ako ng malakas ng makilala ang babaeng kahalikan niya. That's Professor Benitez! And he's looking at the camera meaning he saw me! He saw me taking pictures.     Are they in a relationship? I never thought that King's into older and mature girls. At saka puwede ba iyon? This is against the rules! Hinila ko ang kamay ni Maddi para mapatingin siya sa akin. I showed her the picture at napasinghap siya ng malakas. Napatingin ang ilan sa amin kaya mabilis kong sinara ang laptop at nilikom ang camera.         "Let's go, Maddison." bulong ko.     Bago ako tumalikod ay kita ko na ang malalamig na mata ni King. Umakto akong wala lamang iyon kahit na kaunti na lamang ay matatapilok na ako dito sa sobrang kaba.         "What are we gonna do? My gosh! I can't believe this! Hindi ko na ata alam kung paano ko haharapin si Prof Benitez sa klase niya. That child-abuser witch." bulong niya.         "She is not that old, Maddison. Saka wala tayong karapatan na makialam. If they love each other. We should stay out of this. Don't even tell your boyfriend about this." Kibit balikat ko at bumalik na sa pagpipicture ng aming classroom.     I don't care about King's lovelife. Marami na siyang kaso at ayokong masangkot sa isang troublemaker. His looks maybe worth all the trouble but I'm not for it. I don't know why all the sweet girls fall for bad guys. Well, I don't fall for guys, I fall for men. Guys are immature, childish, the arrogants while men are more matured with goals, plans for the future, and career oriented like my father before.  I prefer this type.     And that's the big difference between a guy and a man.     Naging maingay ang aming klase. Napalingon ako at nakitang nasa labas ang barkadahan nina King at nakasilip sa aming bintana. Nagkasalubong ang aming mga titig. Mabilis siyang pumasok at sa likod niya ay ang dalawang matalik na kaibigan.         "Hello, Elisha!" bati ni Kit.          "Do I know you?" matapang na sagot ko na mas lalong nagpanganga sa tao sa paligid ko.         "Oh! That hurt, Elisha." Humawak si Kit sa kanyang dibdib habang si Diego naman ay nginingisian ang kaibigang napahiya.     Humakbang pa ng isang beses si King papalapit sa akin. His boring eyes not leaving mine. Suddenly, the attention of all the people were diverted on our spot. Naglahad siya ng kamay. Tiningnan ko iyon, walang ideya. Mas nilapit niya iyon sa mukha ko. Awtomatiko akong umiwas sa takot na baka pagbuhatan niya ako ng kamay.         "What?" tanong ko nang hindi naman niya ako sinaktan ng pisikal.          "Can you give me the camera?" aniya.     Tumaas ang kilay ko ay hinawakan ang bag ko kung nasaan ang hinihingi niya. Hinigpitan ko ang hawak doon.         "Why should I?" tanong ko.      Binaba niya ang nakalahad na kamay at nakangising umiling na para bang naiinis siya sa katigasan ko. I tried not to look afraid. He's asking for my property! I have the right to decline.      Mas madilim ang mga mata niya na nilapag ang palad sa armchair at yumuko para makita ako  ng lubusan. Dinilaan niya ang baba ng kanyang labi.         "Look." Huminga siya ng malalim.     Pabulong ngunit madidiin ang bawat salita niya.         "I don't want to cause you trouble, Gaisano. So I'm giving you a second chance to give me the damn camera. I know you took pictures of us."      Lumaki ang mga mata ko. I am right. He knew! He saw me. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanyang dalawang mata na mataman akong tinitingnan.         "I did not." I gritted my teeth.      Mas hinihigpitan ang hawak sa bag ko. Tumawa siya at tumuwid sa pagkakatayo. Nilingon niya ang dalawang kaibigan at tinanguan. Mabilis na gumalaw si Diego at Kit papunta sa magkabilang dulo ko. Napaatras si Maddison nang hawiin siya ni Diego.         "Hold her." utos ni King.          "What the hell!" Sigaw ko.      Ito na nga ata ang inaabangan ng aking kaibigan. Ang pagganti ni King. Nang hindi na ako makapiglas sa hawak ng dalawa ay agad niyang inagaw ang bag ko at binuksan iyon para kuhanin ang camera ko. Sinubukan ko siya sipain pero sadyang mabilis siya at umatras hanggang sa ‘di ko na siya maabot pa.         "Idedemanda kita! That's my private property you f*****g imbecile!" sigaw ko.      No trace of fear. Wala siyang pakialam kahit na maraming nakatingin. He scanned the pictures. Good thing I copied on my laptop all the pictures that I took earlier. I won't tell him. Tumaas ang kilay niya at naging mabagal ang pagpindot niya sa camera ko.         "Hmmm." aniya at tumingin na sa akin sa wakas.         "Go on, Gaisano! File a case and I will file a case against you. You're taking pictures of me. And I have a proof."     Umirap ako sa sinabi niya. Halos maiyak na ako sa galit ko. This bastard is gonna pay! Nagbubulungan na ang mga kaklase ko.      f**k! Call the Disciplinary Officer, idiots! Nahaharass na ako rito! But everyone seems shocked sa pagsugod ng senior sa room namin. Of course, Eligia! No one would dare to call the DO… everyone's afraid of these three idiots.         "f**k you, Luna. Wala kang kwenta!" I shouted, naiiyak na.      Parang may kung anong taling nabigtas sa kanyang pagtitimpi at malakas niyang binato sa dingding ang camera ko. Natigilan ako sa pagpiglas ng makitang naghiwalay iyon at durog ang lens at screen.      No!         "I tried to be nice but you pushed me to my limit. Do this again, I'll make sure you'll pay more than this."      Tulala pa rin akong nakatingin sa camera ko. Hindi ako nakagalaw kahit na binitiwan na ako nina Diego at Kit. Nanlalambot ako habang tinitingnan ang camera ko na lasog lasog sa sahig. Natahimik ang lahat lalo na ng pumasok ang aming professor para sa subject na ito.         "What's the commotion all about?" Napaangat ang tingin ko sa malambing na boses ni Professor Benitez.     Marahan niyang binaba ang libro sa mesa kahit na gulat siyang nakatingin kay King pabalik kina Diego at Kit. Lumapat ang tingin ni King ng mabilis akong dumalo sa sahig para hawakan ang basag na camera.     Preskong humarap si King kay Professor Benitez at ngumisi.         "We're just helping her." Tumitig sa akin si Professor Benitez. Hindi naman umangal ang kahit na sino.         "She got her camera broken. Masyado kasing clumsy." aniya pa.     Kumunot ang noo ko at kating kati nang ibato sa kanya ang sira kong camera pero gusto ko nang matapos ito. If I do that, paniguradong lalong iinit ang dugo niya. At hindi na matatapos ito.         "Is that right Miss Gaisano?" tanong ni Professor Benitez.         "You don't believe me Liesel?" may pinalidad na tanong ni King. May kung anong panganib iyon na agad na nagpailing kay Professor Benitez.         "Hindi sa ganoon, Mr. Luna. I just wanna hear Miss Gaisano's side as part of my job." May lambing ang boses ni Professor Benitez, giving me more hint about their relationship.     I swallowed as I stood up. Nilingon ako ni King but still his eyes linger coldly on me. Unti-unti ay tumango ako. I forced a fake smile too.         "Yes, Prof. Tinulungan lang po ako nina King, Kit at Diego."     Kita ko ang pagkalaglag ng panga ni Maddi, pati na rin sina Kit at Diego. One side of King's lips rose in triumph. Nanginginig ang kamay ko sa galit, sa inis at sa frustration.      I just wanna end this!     Umalis na sila. Natahimik ang klase at nagpatuloy sa pagdidiscuss si Prof Benitez. Ramdam ko ang mga mata ng mga kaklase ko sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nagawa ko pang makapagsulat ng notes.      Nang matapos ang klase ay nagpaalam na ako at naglakad sa parking lot kung saan ako madalas na sinusundo ng aming driver. May mga ilang nakakaalam ang tumitingin sa akin bakas ang kuryosidad.     Nang makasakay ako sa sasakyan namin ay hindi ko na napigilang umiyak. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD