Kabanata 3

1832 Words
    Lumabas kami papunta sa fire exit. I don't know what she wants from me. If she's asking me about King and his friends, I don't care.         "Miss Gaisano, I brought you here to talk about what happened last time." Aniya.     Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Whatever their issues are, I don't wanna be involve.          "Bakit nagalit ng husto sa'yo si King?" tanong niya.     Kumunot ang noo ko.          "Miss, para saan po ba talaga ito?" I asked.      If she wants me to tell her na may alam ako. Hindi ko sasabihin. Like I said, gusto ko na matapos na ang lahat. Kung pwede nga lang na idelete ko na ang araw na iyon sa utak ko ay ginawa ko na.     Bumping into that 'anak ng dilim' was the biggest mistake of my life. Now, all of his friends are bugging me. Kung pwede ko nga lang na ilagay sila sa sako at itapon sa ilog ay ginawa ko na.          "I know you knew what's between us. I am just here to confirm it." Nakataas ang kilay ni Miss Benitez sa akin.     Hindi ako nagpatinag. Hindi ako dapat matakot rito. Kung meron man na dapat ay siya iyon. She's in a relationship with her student.          "Well, I'm not confirming it. Wala akong alam sa sinasabi mo po." I said at nilagay ang aking palad sa loob ng aking bulsa. "If you'll excuse me, Ma’am. May klase pa po tayo."     Iniwan kong nakatulala si Miss Benitez doon at naglakad na pabalik sa classroom ng makasalubong ko na naman si King Luna. Ang kanyang mga mata ay agad na dumapo sa akin. Hindi rin ako nagbitaw ng tingin sa kanya. Nang magkatapat na kami ay agad akong umiwas ng tingin at lumiko na.       I will cut the ties. I wanna have a peaceful college life. Kaunti na lang, makakagraduate na rin ako at makakahanap ng trabaho. Tapos mag-aaral na ako ng photography to enhance my skills.         "Hoy bakla!" Sigaw ni Maddi ng matanaw ako.     Ngumuso ako at umupo na sa tabihan niya.         "Nasaan na si Pedo? Ano pinag-usapan niyo?" tanong niya     Binalingan ko siya. What the hell? Pedo?         "Shut up, Maddi. Someone might hear you."         "What? Totoo naman, ah? She's what? Kissing her-"      Naputol ang sasabihin ni Maddi ng pumasok sa loob ang nakangiting si Miss Benitez. Sa akin lumapag ang kanyang tingin at agad na nag-iwas ng tingin. Nag-umpisa na siyang magklase. Tahimik na akong nagsusulat ng kanyang sinasabi.      Feeling niya ay magiging hadlang ako sa kanila? Well, newsflash... Wala akong pakialam sa kanila. Hindi naman ako kagaya ng ibang babae diyan na magpapakamatay para lang pansinin o kausapin man lang ni King.     Natapos ang klase. Naghintay akong muli sa may tapat ng carpark para sa susundo sa akin ng matanaw ang pamilyar na kotse ni Kuya sa di kalayuan.         "My gosh, Eligia. Si Kuya Ely ba itong nasasight ko?" Gulat na sabi ni Maddi sa tabi ko.     Tumayo ako at inayos ang gamit. Mukhang kanina pa siya rito. Maglalakad na sana ako ng kulbitin ako ni Maddi para ituro kung nasaan ang kapatid ko.         "Si King at si Ely my loves oh!" Bulong niya.      Sa di kalayuan ay nag-uusap si Kuya at si King. Pareho kasi silang nasa soccer team noon. Seryoso ang mga mukha nila ng mapalingon si King sa direksyon namin. Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang aking full bangs. May sinabi siya kay Kuya na nagpaharap sa kanya sa amin. Tumili naman si Maddi sa tabi ko.     Tinapik ni Kuya si King bago naglakad papalapit sa amin. Sinalubong ko siya at tinaasan ng kilay. He's busy sa board. Kaya hindi ko alam kung bakit siya ang susundo sa akin ngayon.         "Where's Manong? Bakit ikaw ang sumundo sa akin?"      Sumulyap si Kuya kay Maddi na may malawak na ngiti sa tabi ko. Tipid niyang tinanguan ito bago tumikhim.          "Can we talk in the car instead?" Tanong niya.      Napasulyap naman ako kay Maddi na kumaway na lang para hayaan kami ni Kuya. Naglakad na papalapit sa sasakyan si Kuya habang ako ay nakasunod sa kanya. Bago pa ako makasakay sa front seat at natanaw ko pa rin ang nanonood na si King. Umiling ako at pumasok na para makapag seatbelt.         "What's this all about, Kuya? You got some papers for your board?" tanong ko.     Umiling si Kuya at pinaandar ang aming sasakyan.         "No." Hinga niya bago sumulyap sa akin. "We don't have drivers anymore."     Kumunot ang noo ko.         "What?" I asked.     Si Mommy? Papayag na mawala sina Manong? That's bullshit.         "I am here because the only car we have is mine. Daddy sold our cars, the mansion's on lease next week and the company's losing its profits."         "What do you mean, Kuya?"     Hindi pa rin makapaniwala. Last night, we're okay! Everything's okay! Paanong nangyayari ito? Natulog lang ako't lahat tas wala na?         "Elisha, we are not rich anymore." Mahina ang boses ni Kuya. "Mukhang matagal na ito at di man lang masabi sabi ng parents natin. Marami tayong utang at lumulubog na tayo. The only thing na bumubuhay sa kompanya ay ang shares ng ilang businessman na hindi pa naiinform sa pagkalugi. But trust me, one day or another... magpupull-out din sila."         "Kuya, paano ito nangyari?" I asked him.     Umiling si Kuya at nilingon ako. Pagod ang kanyang mga mata.         "Masyado akong nakafocus sa board kaya hindi ko na napansin na may problema na nga tayo sa kompanya. My new goal is to pass then work abroad. Kung mawawala man ang kompanya, I need to find ways para masuportahan ka at sina Mommy."     Natulala na lang ako. In a snap, everything falls apart. Hindi pa rin ako makapaniwala kaya naman ng makita ko ang karatula sa harap ng aming gate ay namutla ako. It's true! Our mansion's for lease! And even when I got off the car, nothing's on the garage except Kuya's vios.     Nadatnan naming nakatayo si Mommy sa may porch. Medyo magulo ang buhok at mukhang walang tulog. Napakagat ako sa aking labi at mabilis na dumalo sa kanya. I don't know why I'm so sad. Hindi ako spoiled kaya alam kong hinding hindi ito magiging malaking adjustment sa akin but knowing that my mother grew up with everything like this. Kinakabahan ako para kay Mommy ngayong wala na kami.         "Mommy," I called.     Nilingon ako ni Mommy. Malalaki ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Mukhang matagal na siyang namomroblema.          "I guess, you knew? Your kuya told you, right?"      Tumango ako.         "Yes po. Mommy how?"     Ngumiti ng mapait si Mommy.         "Why don't you ask your father? I tried to understand his faults but I can't. We lose everything because of him. Prepare yourself, we might annul, one of these days."     Natulala ako lalo. I don't know what to say. I know that I once wished that they would annul kapag nag-aaway sila pero ngayon nandidito na sa aking harap ay hindi pa rin pala ako handa. I should understand but I can't.         "What? Mommy, please think of this."     Umiling si Mommy at inayos ang kanyang salamin.         "I should have done this before you and your Kuya. But I didn't regret to have you. Elisha, nung una pa lang alam ko na this arranged marriage won't work but I still believe. Your father didn't do anything but to fail us."     Natahimik ako. Hinawakan ni Kuya na kakarating lamang ang aking balikat at pinisil ito. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa aking mga mata.          "If that's what you want, 'My... We'll let you. Ako na ang bahala kay Elisha. Trust me. I'll do anything to restore Lolo's company." Kuya said.     Hinawakan ni Mommy ang aming mga kamay.         "Magsstay muna ako kay Tita niyo sa US after we settle all of this. Gusto ko na munang magpahinga."     Tumango si Kuya at niyakap kami pareho ni Mommy.          "Do what you need to do, Mommy. Do not worry about us. Kakayanin namin ni Eli. Titira muna ako sa review center habang si Elisha ay mananatili sa condo na binili niyo sa akin noong college. Please do not sell my condo for Elisha." Hiling ni Kuya.      Tumango si Mommy. Natigilan kami ng lumabas na rin si Daddy papunta sa amin. His face is serious.      Hindi ko nagawang magmano pero ngumiti ako ng tipid. Tumango si Daddy at tiningnan ako.          "You should attend business parties to find a rich man to marry, Elisha. You should marry while you're still young. Mara akong kakilala na may apo na kaedad mo or any ideal age for you. Maraming mag-aagawan para sa'yo hija."         "What do you mean, Daddy?" I asked him.     May nakuha na ako pero pinigilan ko iyon. Umiling ako. No, I won't. Kahit na lumubog man kami ay hinding hindi ko iyon gagawin.         "Marry a businessman or a bachelor, hija. In that way you can ask him to help you in rebuilding our company."         "Marciano!" saway ni Mommy kay Daddy.         "We don't have anything to solve this! That's the only way para mabawi mo ang kompanya. Hindi mo pwedeng ipakasal si Ely dahil nag-aaral pa siya and trust me hindi kakayanin ng anak mo na ibangon ang kompanya pag nakapasa siya. It's not that easy, Elizabeth! You know that!"     Nilingon ako ni Daddy, hoping that I'll understand but I can’t. And I won't!         "No, Daddy. I'm not gonna do it." Sagot ko. Di bale nang maghirap, huwag lang makasal sa taong di ko naman gusto.         "You don't want it? You should at least do this little sacrifice for us." Striktong sabi ni Daddy sa akin.          "Little? Do you think it's little? Daddy, marriage po ang pinag-uusapan natin dito." apila ko pero matigas ang paniniwala ni Daddy     He wants me to marry a wealthy man para sa kapakanan ng kanyang kompanya. It's like selling me to any rich man out there because of his fault! Pumagitna si Kuya sa amin ni Daddy.         "Daddy, let Elisha to do what she wants. Sa akin mo na ipaubaya ang lahat.”         "No, hijo! We should use what we have for us to rebuild our name." Tinig  ni Daddy.     Parang walang kahit anong makakatibag sa kanyang utos. Umiling si Kuya at sinenyasan akong  pumasok na papunta sa aking kwarto habang siya ay patuloy ang pagsasalita kay Daddy.     I slammed the door at napatitig sa aking sarili sa salamin. Lumunok ako at pinilit na tinigil ang luha ko. I went to my closets and get all the clothes I have bago ko kinuha ang maleta sa ilalim ng aking kama para ilagay doon ang aking gamit.      Bukas na bukas, sa condo na ni Kuya ako titira. I can't stay here knowing how much my father wants to arrange marriage for me because of a failing business. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD