Simula

773 Words
    Pumasok ako sa gate ng eskwelahan. Sa malawak na soccer field ay may kumpol ng mga lalaki na nagtatawanan. I just shrugged my shoulders and walked ahead.     It's been three years. At sa loob ng tatlong taon ko sa college, araw araw na atang nandyan ang mga lalaking 'yan.         "Eligia! Eligia!"     Napalingon ako sa pamilyar na boses ng aking kaibigan. Tumango ako at unti-unting lumapit sa kanya. Nakasuot siya ng puting spaghetti strap na damit at isang blue high-waist na pantalon. Still the fashionista.         "What's up, Maddison?" Tanong ko at nginuya ang bubble gum.         "Nothing exciting happened sa bakasyon ko. Kaloka! Eh ikaw? Kamusta naman ang kuya Ely mo?" Kinikilig na tanong niya.     Oh, I forgot. Crush ng bayan ang kuya ko noong nag-aaral pa siya rito last year.         "Still the grumpy Ely, Maddi. Ni hindi na nga ata lumalabas ng kwarto niya iyon. Too focus sa board exam."         "Sabagay! Pero feeling ko bagay ang Engineer sa kanya."     Ngumuso ako. Whatever. Hinila ko na lang siya papaakyat sa aming magiging unang klase. Nasa ikatlong palapag na kami ng narinig namin ang bruskong tawanan ng mga Seniors.     Hinila naman ako ni Maddison.         "Ayan na naman ang grupo nina King." bulong niya at tiningnan ang babaeng nakayuko at may iniaabot na chocolate sa lalaking nasa harapan.     That's King Thyrone Luna. Sa dami dami ng kalokohan niya, naririto pa rin sa University na ito. Ganyan kalakas ang koneksyon ng mga Luna. Kahit na sinusuka na ng lipunan ang apo nila, heto at nakakatanggap pa rin ng magagandang marka.     I wonder kung may laman bang utak ang ulo niyan? Always chasing girls, siguro lahat na ikinama niyan. Balita ko, pumapasok pa ng lasing.     At ang kamalas malasan ay nasa harapan sila ng hagdan na sunod naming aakyatan.         "Excuse me." Seryoso ang boses ko habang sinasabi iyon.     I almost shiver when our eyes met. I straightened my posture at hinawakan ang kamay ni Maddison para mas mabilis kaming makaakyat sa ikaapat na palapag.     But he didn't move. Nanatiling nakatingin lamang sa akin. I bit my lips at kita ko ang pagsunod niya ng tingin doon. He smirked at me.         "I said, excuse me." Ulit ko.     Halata ang iritasyon ko sa boses. Hinigit ako ng bahagya ni Maddison.         "No! That's okay, Eligia. We can take the next stair naman at the end of the hallway eh. We're not yet late." Kinakabahang sabi ni Maddison.     I arched my brow as I look at my bestfriend.         "Sila ang nakaharang sa hagdan. A single move won't hurt them."     Lumaki ang mga mata ng mga naroon. Maging ang babaeng nag-aabot ng tsokolate. I know this is the first time na may sumagot ng ganoon. Halos matunaw ang tuhod ko sa mga ginawa ko.     But that's okay. Kagaya niya, ay makapangyarihan din ang pamilya namin. At least, I know I can make a good fight with the Lunas.         "Ang tapang nitong si Gaisano! Gusto ng atensyon oh! Palaban." Mungkahi noong isang may hikaw.     My eyes directly landed on him. Imbis na matakot... Ngumisi siya at kumindat pa. Binalik ko ang tingin kay King. He's still looking at me na akala mo ay isa akong makakain.         "Hoy, Gaisano! Di mo kilala ang binabangga mo. Wala na ang kapatid mo para maging tapang tapangan ka. Kung ako sa'yo, use the other stair at 'wag mo kaming mautos-utusan!"     Tinaas ni King ang kanyang kamay para matigili ang lahat sa sinasabi. Napangiwi ako. Seryoso pa rin siya at marahang binaba ang kamay patungo sa bulsa.         "Move. Let them pass." Aniya sa mga kasamahan.     Lumaki ang mga mata nila sa sinabi ni King. Ito ata ang unang pagkakataon na hindi nakipag-away ang kaibigan sa unang pagkakataon.         "Pero Ki-"         "She's right. A single move won't hurt us. So, move and let them pass before I go mad, Diego."     Mabilis na umalis ang ilang lalaking harang sa hagdan. Nanatiling nakatingin sa akin si King. Seryoso na ang titig, parang titingnan kung ano ang sasabihin ko.         "I won't say thank you, if you're expecting that. The stairs are public utilities. Hindi ito sa inyo kaya hindi ko ito utang na loob sa'yo." I immediately answered at hinila na si Maddison paakyat ng hagdanan.     Kahit na nakatalikod, alam kong tagusan ang titig niya sa akin. Laking pasasalamat ko ng lumiko na ako para tuluyang makaakyat sa fourth floor.     Damn! What did you do, Eligia?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD