ONE: Sir

2998 Words
    "Lola, hindi ako magtatrabaho dito. Marami akong raket ngayong summer break, La. Kaya kong buhayin sarili ko sa sentro kahit di nyo na ako padalhan ng pera." Sabi ko habang kinakain ang almusal na hinanda nito sa akin.   Pagkatapos namin bumaba mula sa tore kung saan nakatira ang lalakeng super sungit akala mo kung sino, dinala ako ng mag-asawa dito sa kusina. Habang patungo dito ay panay ang hingi nila ng despensa sa akin dahil sa kagaspangang ipinakita ng kanilang anak.   "Apo, hindi mo ba nakikita ang desperasyon sa mukha ng mag-asawa? Kailangan nila ng tao na mag-aalaga sa kanilang panganay na anak. Hindi makalakad si Alejandro dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya ilang buwan na ang nakakalipas. At hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang dinala nila para umalalay dito. Pero lahat ng yun ay hindi nagtagal."   "Sa tingin nyo naman makakatagal ako sa damuhong yun, La? You have so much faith in me."   Umasim ang mukha ni lola na namewang sa harap ko. "Wag mo akong gamitan ng ingles mo, bata ka. At oo makakatagal ka, dahil pareho kayo magaspang ang ugali."   Muntik na akong masamid sa sinabi ni lola. Ngumisi ako sa kanya. "Edi inamin nyo rin na magaspang ugali nung taong yun. Tska ang bait ko kaya lola. Hindi ako ng bo-boyfriend kahit eighteen na ako."   Mas lalong bumusangot ang mukha nito at naupo sa gilid ko. "Wag na wag kang mag-bo-boypren, Beverly Ann. Maraming nabaliw sa pag-ibig na yan. Tingnan mo nalang kung ano nangyari sa ate mo. Hindi na nga mahagilap ngayon." I pouted. Should I tell her na may contact ako kay ate? Sasabihin ko rin kaya na tuwing tumatawag ang ate ay laging pera ang sadya nito? Ni hindi nga nito magawang kumustahin ang nag-iisang lola namin. I hate my sister pero mas lamang ang pag-alala.   Sa tuwing tumatawag ito ay laging umiiyak. Halata rin ang takot sa boses nito na tila may pinagtataguan. I asked her once kung pwede ko itong tagpuin sa Maynila pero ipinagbabawal nito ang pagluwas ko sa Maynila.   And she was firmed to tell me that even if I go to Manila, she won't meet me. I didn't push it though. Baka mainis at mawawalan na naman ako ng koneksyon sa kanya.   "Hindi ka na nasagot dyan."   I was pulled from my thoughts when lola spoke. Umiling ako dito. "May pangarap ako, La. Mag-aaral ako ng mabuti. Makakapagtapos ako ng pag-aaral at makakahanap ng maayos na trabaho. Iaahon ko kayo sa hirap, La. Ipinangako ko yan sa harap ng puntod nila Nanay at Tatay."   Bumuntong-hininga ito. "Wag mo akong intindihin. Ang isipin mo ay ang iyong kinabukasan. Kahit wag mo na akong isali sa mga magagandang plano mo, apo. Matanda na rin naman ako, hindi na ako magtatagal....."   "Hay naku Lola, ayan ka na naman sa mga testamento nyo na yan. Naiinis ako. Ang bata bata mo pa kaya. Pwede ka pang mag-asawa." Humagikhik ako para maitago ang lungkot na lumukob sa puso ko. I dreaded the day Lola will pass away. And always will. Yan ang nag-iisang paksa na ayaw kong mabanggit-banggit. Ano na lamang ang aking gagawin kung ang kaisa-isang sandalan ko para magpatuloy sa buhay ay mawala sa akin?   "Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo na yan, Beverly. Baka gusto mong hagupitin kita ng walis tambo, makita mo."   "Yun ay kung uso ang walis tambo sa malapasyong bahay na'to, La." I grinned at her scowling face. "Eh lola mabalik tayo sa unang paksa. Hindi nga ako makakatagal dito, La. Ang sungit nung mamang yun. Ang dumi-dumi pa ng mukha. Naku, kung nakita mo sana kung paano nanlisik ang mga mata nito sa akin habang sumigaw ng "you, get out of my sight!" Ginaya ko kung paano ako tinuro ng mamang sungit na yun.   Ngumisi si lola. "Mabait yun. Ilang minuto mo pa nga lang nakita si Alejandro eh. Naging bugnutin lang dahil sa nangyaring trahedya sa kanya. Tsaka apo..." Umupo ito sa aking kanan. Inabot nito ang aking palad at banayad na pinisil. "Subukan mo lang kahit isang buwan. Malaki rin kasi ang utang na loob natin sa pamilya nila. Ang lupang pinagtirikan ng baryo natin ay kanila pero binigay nila iyon sa atin ng libre. Halos lahat ng trabahante dito ay kabaryo natin, apo. Kaya umaasa akong sang-ayunan mo ang paki-usap sa akin ng Senyora at Senyor. At isa pa, malaki ang alok nila sa'yo, Beverly. Wala namang masama kung susubukan mo, di ba? Kahit para sa akin nalang, apo." Pinatong nito ang isa pang palad sa akin.   Huminga ako ng malalim. "Susubukan ko, Lola. Pero sa ngayon, gusto ko pang kumain." Ngumisi ako. Namiss ko rin kasi ang luto nito. Namiss kong paghandaan ako nito. Bibihira lang ako umuwi dito sa isla pero pag nauwi ako, palagi akong pinagluluto ni Lola. Alam kasi nito kung gaano ako katakaw kumain. Pasalamat na lang din ako at hindi ako tabain.   Pagkatapos kong kumain ay pinatawag ulit ako ng mag-asawa sa study room nila. Habang nakasunod ako sa katulong ay panay ang tingin ko sa mga nadadaanan ko. Iba't ibang paintings na nakasabit sa hallways, large two-glass china cabinets, porcelains, at kung anu-ano pang mga nakadisplay sa malalawak na silid na nadadaanan namin. And god, I held my breath when I saw the grand staircase. It was almost the same staircase from my favourite movie. I felt like I was in that certain scene in the Titanic when Rose descended from the stairs while smiling lovingly at Jack who was waiting for her at the landing. Huminto ang katulong sa isang partikular na pintuan. She knocked three times and clicked the door knob open without hesitation. "Pasok ka lang." mahinang sambit nito.   "Salamat." Wika ko at ako na mismo ang nagtulak ng pinto pabukas.  Namangha ako sa lawak ng silid. This study room is as big as the library from our campus. Pwera biro. I can get lost in this place.   "Beverly?"   Nasumpungan ko ang Senyora na nakaupo sa harap ng table sa sulok ng silid na iyon. Binaba nito ang salamin sa mata at sinara ang librong binabasa. Hinahanap ng aking mata ang Senyor pero hindi ito mahagilap.   The Senyora smiled at me as she raised her right arm, indulging me to sit. I moved immediately. Mabilis ang aking lakad patungo dito at naupo sa harap ng mesa.   Nakangiti ako habang tinitigan ang maamong mukha ng Senyora. Ang ganda-ganda niya. Kahit halata ng may edad na ito ay hindi pa rin naging kabawasan sa taglay nitong ganda. Hmm. Sinong hollywood actress ba ang maihahalintulad ko sa kanya? Michelle Pfeiffer? Gwenyth Paltrow?   The woman chuckled kaya napakurap ako. I've been staring for her for awhile pero siya rin ay nakakatig din sa akin.   "Why are you staring at me, Beverly? Is there something wrong in my face?" She smiled and I saw a few laugh lines appeared along the outer side of her mouth and corners of her eyes.   "Sorry po. Nagagandahan lang ako sa inyo. Kanina po kasi ay hindi ako makatingin ng mabuti sa inyo ni Senyor dahil kabado po ako." Hingi ko ng despensa.   "Ngayon lang din kita natitigan sa malapitan. You're quite a beauty yourself." Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "Salamat po." "Gusto ko ulit humingi ng despensa sa nangyari kanina. Pero sana ay hindi mo kami tatanggihan sa alok namin sa'yo. Nang naikwento ni Aling Grasya ang tungkol sa'yo at sa mga pagsisikap mo alang-alang lamang na makaraos ka sa iyong pag-aaral. Naisip namin na malawak na ang iyong karanasan pagdating sa pakikisalamuha sa ibang tao. Sa isip namin, isa itong magandang uportunidad na kuhanin ka bilang tagapangalaga ng aming anak dahil tingin namin ay malawak ang iyong pasensya at pang-unawa. Sana ay hindi kami nagkakamali sa aming akala sa'yo, Beverly. At sana ay pumayag ka, hija." Taimtim akong tinignan nito.   Ngumiti ako ng tipid at tumango. "Alam ko pong mahihirapan ako sa anak ninyo pero ako po ang klase ng taong hindi basta-basta sumusuko. I assured you po, I will do my best para magampanan ng mabuti ang aking trabaho. Tinatanggap ko po ang inyong alok, Senyora. Pero gusto ko lang din po sana na humingi ng paki-usap. Kung maaari po sana ay ibigay nyo sa akin ang Sabado at Linggo. I want to spend my weekends sa Puerto Prinsesa kasi po nakakompromiso na ako doon. May trabaho din kasing naghihintay sa akin doon."   "Oh." Tila napaisip ang magandang Senyora. "Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano ang iyong trabaho doon?"   "Kumakanta po ako sa bar, Senyora. Decent bar po iyon ha. Wag po sana kayong mag-isip ng masama." Tumango ito sa akin. "Naiintindihan ko. Walang kaso sa akin, Beverly."   "At isa pa pong paki-usap. Bea nalang po ang itawag nyo sa akin. Hindi po ako sanay na tinatawag gamit ang totoong pangalan. Si lola lang po ang hindi ko masaway kakatawag sa akin ng Beverly." Napakamot ako sa batok dahil humalakhak ang Senyora.   "Okay, Bea. About pala sa trabaho mo..." May kinuha itong folder sa right drawer ng mesa nito. "Nakasulat dito ang daily schedule mo. Basically, your job is to be always on Alejandro's side. Pag may gusto itong ipaabot or ipakuha, ikaw ang gagawa ng mga yun. You'll be his hands to reach things he can’t be able to do. And his feet to walk or run pag may gusto itong ipakuha na mga gamit sa library or kung ano pa man ang gusto nito.   "You'll be his reminder to take his medicine on time. Alejandro is very stubborn. Minsan ay sinasadya nitong hindi inumin ang mga gamot na prescribe sa kanya. When it comes to his personal needs like to pee or poop, take a shower, he can manage kaya wala kang dapat ipag-alala sa ganyang aspeto."   Napalunok ako. Oo nga pala. Hindi ko naisip yun. Babae ako at lalake ang anak nito. Di ba parang ang awkward kung pati sa mga ganun eh nakaalalay ako? Kung nurse siguro ako, magiging madali lang sana eh.   "May boyfriend ka ba, Bea?" Biglang tanong nito na ikinabigla ko. The question was so random I was caught off-guard. I suddenly feel awkward. "Wala pa po. May mga nanliligaw pero wala akong nagugustuhan sa kanila. At bukod pa dun, wala rin akong panahon para makapag-relasyon, Senyora. Ang oras ko ay nakalaan lamang sa pag-aaral at sa mga sideline ko po."   "I thought so. But don't worry, those intimate things, my son can manage by his own. Honestly, your job is to be his companion. Just someone to be there with him. Someone to talk to. He's a stubborn one but I hope, eventually, both of you will get along. My son..." she trailed off. "After that car accident, he was gone. We lost him, Bea. The Alejandro who came back to us is a different person. He is now the opposite of who he was before. He has no emotions at all, only anger was left inside him. If you can even make him smile or cry, tatanawin kong malaking utang na loob yan sa'yo, Bea." Her voice broke and I could see unshed tears in her eyes. I could tell that she's trying her best to be a tough mother but there are times that you just can't handle your emotions. Just like this time.   "Kung hindi nyo po mamasamain, pwede ko po bang malaman what exactly happened to him?"   Senyora sighed deeply. "He visited his fiancee who lives in America. Pauwi na siya nun sa aming bahay when his car clashed with another car. Miraculously, both of the drivers survived. But Alejandro had injured his spinal cord. He lost his feelings from the hip down to his toes. He underwent surgeries and they were successful. My family gathered the best doctors around the world, and they assured us that his surgeries were successful and the chances that he can walk again is very high. However, due to medications and operations he went through, he.... he lost his ability to become a man. If you know what I mean...." She took a deep breath. "Kaya mas lalo itong na-depressed. He didn't want to go back to the corporate world. He's rather wants to imprison himself in the fortress he created. Siya pa naman ang katuwang ng kanyang ama sa pagpapatakbo ng aming mga kompanya."   Kumunot ang aking noo. Hindi ko po magets Senyora? Pero itinago ko na lamang ang kalituhan. I nodded instead.   "Gagawin ko po ang aking makakaya, Senyora." Tangi kong sagot. If only I could come to her and hug her, I would. She looked so vulnerable.   Swerte na nga nung Alejandro at nakaligtas siya sa aksidente. Swerte siyang may mga magulang na nagmamahal at nag-aalala sa kanya.   "Pasensya ka na hija. I don't want to be this emotional, you know. But I am a mother, it can't be avoided." She said in a poignant voice. Pagkatapos ay tumayo ito at umikot para mas mapalapit. "I'll take you up. Nasa taas na rin ang mga gamit mo."   Tumango ako at pasimpleng bumuntong-hininga. Here we go. I will face the monster again. Be strong, Bea. Kaya mo yan! Fighting!       "Alejandro, you didn't give us a chance to introduce her to you. This is Bea. She will be your personal assistant from now on. Bea, this is Alejandro, my oldest son."   Gusto kong pagulungin ang mata ko dahil sa inis. Nagsasalita ang ina nito pero hindi man lang nito magawang harapin. Napaka-walang modo talaga.   Hind kumibo si Mr. Sungit. Parang ako pa tuloy ang nahihiya sa pinapakitang kagaspangan ng ugali ng anak sa kanya.   Senyora patted me on the shoulder. "I will ask the cook to prepare your breakfast, Alejandro." Tinignan ako ni Senyora na may lungkot sa mga mata. "Bea, the cook will notify you pag handa na ang pagkain niya.”   You can pick up the trolly from the ground floor."   "Okay po Senyora."   "I'll be going, anak. I'll see you tomorrow, okay?"   But the son didn't even bother to response. Nakatunganga pa rin ito sa threshold ng terrace kung saan tanaw ang maasul-asul na dagat. Nabanggit ng Senyora na tutungo silang mag-asawa sa Maynila para dalawin ang negosyo nila at ang bunsong anak ng mga ito na siyang pansamantalang namamahala sa kanilang kompanya. Nabanggit din ni Senyora na nahihirapan din sila sa bunso dahil labag sa kalooban nito ang ginagawa. The youngest son, Romano hated the corporate world. He took a different path unlike his big brother who followed the footsteps of their father.   Nang makaalis na ang Senyora, I rolled my shoulders and straightened my stand. I cleared my throat. "Hi. My name is Beverly Ann, but Bea nalang for short. How will I address you? Senyorito? Masyadong makaluma, Mister? Masyado naman atang pangmatanda. Sir? Di ka naman mukhang teacher. So ano ba gusto mo itawag ko sa'yo?"   "Shut the hell up!" His voice roared like a thunder.   Ay grabehan. Kailangan nakasigaw? I tried my best not to tremble. Ang totoo, deep inside kinakabahan ako. Unang beses kong makasalamuha ng ganito kasamang-ugali na tao. Nangangatog nga tuhod ko eh. He wheeled his chair to face me. His hair was wavy and long. He has bushy beard na mas lalong nagpapatanda sa kanya. I checked his medical record, he's only twenty-seven years old but looking at him now, he looked like he's in his forties. His eyes were hooded at para itong mabangis na hayop na anumang sandali ay aatakehin ako. Buti na lamang at hindi ito makalakad. Well, I wouldn't be bere if he can walk, anyway.   "Ah, alam ko na. Dumbledore is that you?" Tumawa ako. "Hagrid? Ikaw yan noh?!" Kung anu-ano na lamang ang pumasok sa isip ko. Nakakatawa yun ghorl? Napakamot ako sa batok. Jusko, wala atang emosyon ang lalakeng ito. And if there's one emotion that I could see from him now, it's that he's pissed.   "Di ka ba talaga tatahimik?" There was a warning in his voice.   "Pinapagaan ko lang ang atmosphere dito. Masyadong madilim ang aura, eh." Tumikhim ako. "Okay final na to. Sir Alejandro na lamang ang itatawag ko sa'yo since ayaw mo naman pumili sa multiple choices ko. Hi Sir! Nice to meet you!"   "Ang ingay mo. Umalis ka sa paningin ko."   "Sorry, Sir. Pero trabaho ko ay ang palaging nasa tabi mo. So, you are left with no choice but to stick with me. Deal with it." I crossed my arms over my chest. Kailangan ko ng pangmalakasan na tibay ng loob sa trabahong ito at sa lalakeng ito. Sana lang ay makatagal ako.   "How much do you want me to pay you para lang mawala ka sa paningin ko?"   "Ay nako. Bad yan, Sir. Bayad na rin ako ng Mama mo. Hindi ako mapagsamantalang tao, FYI. You can keep your money and I'll still be here. Anyway Sir, punta muna ako sa silid na inilaan sa akin ni Senyora. Magpapalit lang ako ng damit. I'll be back in a minute. If you need anything, just call my name and I'll be theeeerrrreeeeee....." I deadass sang the last part ma-ala Mariah Carey style. Sir Alejandro gaped at me. "God, how I want to tape your mouth!" "Too bad, you can't." I chuckled. Pero nasulyapan ko pa itong naningkit ang mata at kuyom ang palad. That was a wrong response, Bea.   "Are you laughing at my condition, Bea-whoever-you-are?" Swear, his dark tone sent shivers to my bones. Parang kayang kaya ng boses palang nito ang saktan ako.   Kumagat-labi ako at umiling. "I didn't mean it that way, Sir. Sorry." Napayuko ako. Now, hindi ko na talaga maitago ang takot ko sa kanya.   "Get out of my sight!" There was a book on his lap at basta na lamang nitong ibinato sa akin. Nahagip ng libro ang braso ko at napaaray ako sa sakit. Nag-igting ang bagang kong nakatingin sa kanya as I was nursing my left arm.   He blinked at ewan ko ba tila lumambong ang mga mata nitong nakatingin sa braso kong natamaan. Namumula na kasi iyon. Gusto kong magalit pero alam kong kasalanan ko rin naman. I mocked him unintentionally. Tinalikdan ko na lamang ito at tinungo ang pintuan ng silid na nakalaan sa akin.   Nang maisara ko iyon ay saka pa lang ako naiyak. This day is probably the worst day of my life. At ilang araw ko pang pagtitiisan ito.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD