PROLOGUE

4607 Words
"Kampai!" Sabay-sabay naming pinag-untog ang mga beer mugs naming magkakaibigan. Andito kami sa loob ng isang karaoke bar at pinadidiwang ang huling araw ng klase para ngayong taon. Next year, 3rd year college na ako sa Saint Augustine University ng Puerto Princesa.   "Ahhhk!" ang daing ko nang nilagok ko ang laman ng aking mug. Humagod ang pait sa aking lalamunan. Bibihira ako uminom pero ganunpaman ay mataas ang tolerance ko sa alak. Kaya kong makipagsabayan sa mga kaibigan kong manginginom. Nakailang bote na rin kami mula pa kanina. At kung tama ang hinuha ko ay maghahating-gabi na.   "Hoy, huli na to ha. Umuwi na tayo pagkatapos nating maubos itong tatlong grande. Papagalitan tayo ng landlady natin. Lagpas na tayo sa curfew natin. Pagsasarhan tayo ng bruhang yun." ngisi ko sa kanila. Humalakhak ang apat kong kaibigan. "Ano ka ba naman Bea, maiintindihan ng gurang na yun kung bakit tayo uumagahin. First of all, hindi na tayo mga bata. Dise-otso na tayo, bes. Pangalawa, humingi naman tayo ng permiso sa kanya, although simangot ang sagot niya sa atin at pangatlo, nagse-celebrate tayo noh! Sus! Ang tagal pa natin bago magkita." ani ni Jess.   "Uu nge nemen bes....."sibat ni Irene na siyang pinakalasing na sa aming grupo. Nagtawanan kami sa inakto nito. Siya ang katabi ko kaya tinapik ko ang kanyang pisngi. Nakapikit na kasi ang mga mata nito at umiikot na rin ang kanyang ulo.   "Oy, kaya pa?"   "KAYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!" tili nito.   Napapailing ako dito. "Wag na nating tapusin to. Magsi-uwi na tayo. Mahihirapan tayo sa paglalakad kung lahat tayo ay lasing." "Hindi pa ako lashing besh, hindi pa besh......" Bulong pa ni Irene. "Tangina kasi. Gagong Henry na yun. Pinagpalit ako bes! Ang kapal ng mukha niya! Walaaaaang kasing kaaaapppaaaal!!!! Pagkatapos ng lahat-lahat ng effort ko para sa relasyon namin, ibe-break lang pala niya ako sa huli! Tangina! Kesyo daw busy siya sa bakasyon at hindi niya ako mapaglalaanan ng oras. Kesyo daw malayo ang Cebu at mahihirapan siyang tagpuin ako. Uso naman ang LDR di ba? Anong silbi ng putanginang cellphone bes? Makakasurvive naman ako kahit text o tawag lang. Bakit siya hindi?" Humagulhol ito sa kanyang palad.   Umiling ako. Here we go again. It's been two weeks since nag break sila nung lalakeng yun. At wala na itong ginawa mula noon kundi ang ngumawa at mag-iiyak. Mabuti na lang at nakapasa ito sa finals kahit brokenhearted ito. Sa aming limang magkakaibigan ay kay Irene ako pinakamalapit. At sa akin niya binuhos ang sama ng loob niya sa kanyang boyfriend. Na ex na niya ngayon.   "Tigas tigas kasi ng ulo mo gurl! Alam naman ng lahat na chickboy yun nagpatangay ka pa rin. HIndi mo gayahin si Bea na nakailang basted na sa mga boys sa campus natin." wika ni Jenny sabay tungga ng kanyang mug.   "Good girl siya eh, bad girl ako so pake mo. Ikaw ba nasaktan? Ikaw ba ang umiyak? Di ba ako?" she pouted.   "Tss. Wala na. Lasing na talaga to. Magsi-uwi na nga talaga tayo. Susunduin pa ako ng magulang ko bukas. Kita kits nalang ulit sa pasukan." Si Coreen.   "Hindi ka ba uuwi sa isla nyo, Bea?" Jess asked. Uminom muna ako sa aking baso bago umiling. "Hindi na muna siguro. Nag-apply ako sa fastfood sa mall. Mag uumpisa na ako sa makalawa. Kailangan kong rumaket eh."   "Ba yan. Keri pa ba ng powers mo? May pasok ka pa sa bar tuwing gabi ah."   Tumingin ako kay Coreen. "MWF at weekends lang naman ako sa bar, Reen. Pwede naman akong umupo habang kumakanta kaya kering keri ko.” Usually tuwing pasukan ay Fridays at weekends lang ang gig ko, pero dahil summer naman, kayang kaya kong pagkasyahin ang oras ko. Malakas kasi ang kita ko sa pagkanta sa bar. Dyan ko kinukuha ang pangbayad ko sa upa at iba pang gastusin sa school. Ayaw ko kasing maging pabigat kay lola na naninilbihan sa palasyo ng Salvatore sa isla. Si lola kasi ang umaako sa tuition ko sa kolehiyo.   My school is one of the most expensive schools in the city. Si lola ang mapilit na doon ako mag-aral kahit okay lang naman sa akin kahit pa sa mumurahing university ako mag-aral. Kaso mapilit talaga ito. Kaya nga, pagdating sa ibang personal na gastusin ay hindi ko na lamang pa pinapaalam sa kanya kaya ako na lamang dumidiskarte. Para sa akin, sobrang sapat na ang pag-ako nito sa tuition ko kada semester. At isa pa, kailangan ko rin ng ekstrang pera dahil pag tumatawag ang kapatid kong nasa Maynila, siguradong pera ang bungad nito sa akin. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ng ate ko na yun doon. Kung bakit ito palaging gipit at parang may tinatakbuhan. Bumuntong-hininga ako. Ilang taon nang hindi kinikibo ni lola si Ate. Kahit ang pagbanggit ng pangalan nito ay hindi ko naririnig sa kanya. Masyado nga sigurong sumama ang loob nito nang mabalitaan naming nakipag-live in ito habang nag-aaral dito sa Puerto Princesa. Ang masama pa ay tumakas ang dalawa at nagtungo sa Maynila. Dalawang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari yun. Disesyete pa lang ang si ate noon kaya siguro sobrang nasaktan si lola dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Pero binigo lang ni ate si lola.   "Laking pasalamat ko na kahit pasang-awa lang ang grades ko eh pasado naman." ngisi ko sa kanila. Aminado naman akong napapabayaan ko ang pag-aaral ko dahil minsan ay napupuyat ako sa pag eekstra. Nakakatulog ako sa gitna ng klase at hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong pinatawag sa Guidance office. "Ako naman ay tutulong sa pagpapatakbo ng maliit naming resort sa Coron. Dumadami kasi ang turista pag ganitong summer eh." Si Jess. Sa aming lima ay ako ang masasabing pinakamahirap. Jess' family owns a resort. Coreen's family has a poultry farm. Irene's owns an Inn in the city at ang pamilya naman ni Jenny ay may malawak na hardware store sa El Nido. Napatingin ako kay Irene na nakahandusay na ang mukha sa mesa. Mukhang nakatulog na ata ang babaeng ito. Tumayo ako. "Tara na nga ninyo." "May dalawang bote pa!" Protesta nila Jenny. "Sayang naman binayad natin." "Dalawang case ba naman pinareserve nyo." umiiling ako. Medyo nahihilo na rin ako. Ang pulutan naming lechong manok ay buto nalang ang naiwan. Ang lalamunan ko'y humahapdi na rin dahil kanina pa ako nila pinapakanta. Palibhasa ay ako lang ang kumakanta sa aming lima. Hindi ko rin kayang pakinggan ang mga boses nilang parang baboy na kinakatay. Masyadong masakit sa tenga. At nakakahiya sa mga katabi naming cubicle.   Halos paekis na ang lakad naming lima sa daan. Inaalayan ko si Irene at magkakaakbay naman ang tatlo sa paglalakad. Pati ang backpack niyang dala ay isinabit ko na rin sa aking balikat. Pag namali ako ng pag-alalay sa kanya ay baka gumulong kaming pareho dito sa kalsada. Nakakahiya na nga na lasing kaming lima, mas nakakahiya lalo kung magkalat kami dito. Marami-rami pa naman ang mga tao sa paligid kaya tingin ko ay hindi naman siguro kami mapapahamak kung may magtangka ng masama sa amin. Bukod pa doon eh malapit lang din ang estasyon ng pulis kaya kung titili kami eh makakarespundi agad sila.   Malapit lang din naman ang boarding house naming lima. Dalawang kanto lang naman mula sa karaoke bar na pinanggalingan namin. "Okay lang ba kayo?" Sumabay sa paglalakad namin si Tyler, pamangkin ng landlady namin. Ang bahay nito ay mismong katabi lang din ng boarding house. Madalas namin itong kahuntahan sa labas ng bahay lalo na pag sabay kaming nagpapaihaw ng isaw sa tapat.   "Mga lasing kayo?"   "Sila lang." Ngiti ko sa kanya. Napakamot ito sa ulo na tila hindi alam kung tutulong ba o hindi nalang.   "Okay lang ba kung tutulungan kita sa pag-alalay kay Irene?"   "Oo naman. Salamat ha." Malaking tulong dahil di hamak na mas malaki ang katawan ni Irene kumpara sa akin kaya nabibigatan din ako sa kanya. Nakasukbit pa ang dalawang bag namin sa balikat ko. Nginitian ko si Tyler. Gumanti ito ng ngiti sa akin at lumitaw ang biloy nito sa magkabilang gilid ng kanyang bibig. "San ka galing niyan?"   "Ah. Napasama din sa barkada. Nagpadespedida kasi ang isa at doon na sa ibang bansa maninirahan." he replied.   "Ah." tipid kong sagot. "Tingin mo, mapapagalitan kami ng tita mo?" ngumiwi ako. Naiisip ko na kasi ang pagtatalak nito sa amin.   "Wag kang mag-alala, kasama nyo naman ako."   "Hoy Tyler pogi, andyan ka pala?" hagikhik ni Jess. Nasa likuran namin silang tatlo. Kumakanta pa ang mga ito at sobrang bagal maglakad. Jusko, wag sanang umulan.   "Ay hindi. Wala ako dito. Imahinasyon mo lang ako, Jess." magaan na humalakhak ito. Jess pouted. Jenny and Coreen grinned at each other. "Don't throw tantrums here, Jess. Not this time." babala sa boses ni Tyler. Nasanay na kasi ito na tuwing nakakainom si Jess ay si Tyler lagi ang pinagdidiskitahan nito. Obviously, my friend has a crush on him at manhid na siguro si Tyler kung hindi niya pansin iyon.   "Lasing din ako Tyler. Alalayan mo ako, please." Umalma itong tila mabubuwal sa paglalakad dahilan para magprotesta ang dalawa na kaakbayan nito. Napa-facepalm na lamang ako. Ako ang nahihiya sa inaasta ng babaeng ito.   "Ang arte lang Jess ha. Kahit umiikot ang paningin ko'y kayang kaya kong sabunutan yang buhok mo. Umayos ka sa paglalakad." inis na sambit ni Jenny.   "Nahihilo talaga ako, pwamis." sambit ulit ni Jess sa maarteng tono. Napapailing na lang ako. Bukas pag napag-usapan namin ang nangyari ngayon, panigurado akong hindi bababa sa higaan niya siya sa sobrang kahihiyan. Ilang beses na kasing nangyari ang ganitong mga eksena. Since last year pa ata.   "Tyler, please....." ang landi ng pagkakasabi pa ni Jess. Sa inis ni Coreen, tinulak niya si Jess kaya napasubsob ito sa semento.   "Ayan, may rason na si Tyler para alalayan kang malandi ka. Paano ka ba namin naging kaibigan. Jusko." umirap ito. Tiningnan ko si Tyler. Batid niyang nakikiusap ako sa kanya na alalayan ang "arte queen" ng grupo na si Jess. Buti nalang talaga at lasing na lasing si Irene kaya wala ng lakas makihalo. Dahil madalas, ang lakas ng iyak nito ang nagpapaeskandalo sa amin sa tuwina. Ewan ko ba kung bakit tuwing umiinom kaming lima eh lagi itong umiiyak. We managed to arrived in our boarding house. I was thankful na tahimik ang tatlong palapag ng bahay. Ibig sabihin, tulog na rin ang lanlady at iba pang nangungupahan dito. Ukupado naming lima ang mga silid sa 3rd floor kaya kahit mag ingay kami doon ay wala kaming maiistorbo.   "Ako na ang bahala sa kanila, Tyler. Salamat sa tulong mo ha." sabi ko nang huminto kami sa tapat ng pintuan ni Irene. Si Jenny ang nagdala kay Irene papasok sa silid nito. Si Coreen ay kumaway lang sa amin at pumasok na rin sa kanyang silid.   Si Jess ay nakakapit pa rin sa beywang ni Tyler. Iginiya ng lalake ito sa tapat ng kanyang silid at binuksan ang pintuan. Bahagya pa nitong tinulak ang babae papasok. "Sleep now, Jess. We'll talk tomorrow." Jess pouted but didn't utter a protest. Nang maisarado ni Tyler ang pintuan ay humarap ito sa akin. "Aren't you sleepy? Ikukuha kita ng gatas kung gusto mo." Namula ng bahagya ang pisngi nito. Oh Tyler.   "Salamat pero inaantok na rin ako. Magpahinga ka na rin at alam kong nakainom ka rin." He nodded. "I'll see you tomorrow?"   "I'll see you tomorrow." I replied.   Pagpasok ko sa aking silid ay una kong tinignan ang cellphone ko. Nakalimutan ko kasing bitbitin ito dahil sa pagmamadaling makalabas. Ako na lang kasi ang hinihintay ng apat kanina.   I frowned when I noticed missed calls from my cousin. Ten missed calls? May nangyari ba sa isla? Kahit alam kong mag aala una na ng medaling araw ay hindi ko napigilang tawagan ang numero ng pinsan ko. Siya ang tanging kasama ng lola sa bahay. Hindi ko maiwasang kabahan.   "Wag naman po sana, Dyos ko." bulong ko sa hangin habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.   "Hello ate Bea?" namamalat ang boses nito. Halatang nadistorbo ko ang kanyang pagtulog.   "Nadine! Bakit panay ang tawag mo kanina? May masama bang nangyari kay lola?" napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng tambol nito.   "Teka lang ate at gigisingin ko si lola. Bilin nito kasi ay pag tumawag ka, gisingin ko daw siya." sagot nito. Ang sunod kong narinig ay mga yabag niya. Patungo tyak ito sa silid ni lola. Rinig ko ang mahina nitong paggising kay lola. "La, tumawag ang ate Bea."   Ungol ang dinig kong sagot ni lola. Para tuloy akong nagsisi na hindi ko pa hinintay na mag umaga bago tumawag sa kanila. Inunahan na kasi agad ako ng pangamba.   "Beverly Ann." May diin sa boses na iyon ni Lola. Mukhang galit ata ito base sa tono ng pagsambit nito sa aking totoong pangalan.   "La. Ano po yun."nilakipan ko ng lambing ang boses ko.   "Anong oras na. Ngayon ka lang ba nakauwi? Nakailang tawag si Nadine sa'yo pero hindi mo sinasagot. Ikaw na bata ka, ginagaya mo na rin ba ang ate mo? Sinasabi ko sa'yo Beverly. Malaman ko lang na gumagawa ka ng kabulastugan dyan, malilintikan ka sa akin." sermon nito.   Bumagsak ang balikat ko dahil kahit sermon ang bungad nito sa akin ay gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko ay nagkasakit ito. "Naiwan ko po ang cellphone ko dito sa room ko la. Nag-celebrate lang kami ng mga kaibigan ko dahil lahat kami ay pasado sa finals." She sighed in relief. She believed in me. Lola always believes in me.   "Pumarine ka. Kunin mo ang ung unang biyahe ng Roro patungo dito sa isla."Puno ng owtoridad sa boses nito.   "La? Bakit agad-agad?"   "Di ba eh bakasyon nyo na naman. Pumarine ka kaagad dito dahil may trabahong naghihintay sa'yo." Trabaho? Sa isla?   "Anong trabaho ba ang tinutukoy ninyo lola?" Ang kaba ko kanina ay napalitan ng inis. Hindi ako pwedeng pumunta ng isla! Mas maraming trabaho ang naghihintay sa akin dito.   "Hihintayin kita sa daungan ng roro at sabay tayong tutungo sa kastilyo." Napaawang ang bibig ko pagkarinig sa sinabi ni lola. Sa Kastilyo? Kastilyo ng mga Salvatore? Ay malamang Bea, nag iisang kastilyo lang yun sa buong isla.   "La, ayokong mangatulong sa kastilyo! Wala rin naman akong alam sa pagluluto. Hindi ko kayo matutulungan sa kusina. At isa pa, may trabahong naghihintay sa akin dito lola. Papasok na nga ako  sa makalawa eh." reklamo ko. I couldn't help but to stomp on my feet.   "Hindi ka mangangatulong. Ang Senyora mismo ang nakiusap sa akin, Beverly. Sino ba ako para tumanggi? At baka nakakalimutan mo, nabubuhay tayo ngayon dahil sa mga Salvatore. Sa pasahod nila nanggagaling ang pang-tuition mo. Malaki ang utang na loob natin sa mga Salvatore. Dalawang buwan lang naman, apo. At pinangako ng Senyora na bibigyan ka ng sweldo tuwing kinsenas. Kaya wag ka ng tumutol dyan. Umpisahan mo ng mag empake ngayon. Alas singko ng madaling-araw ang unang biyahe ng roro."   "La naman."   "Hinihintay ng Senyora at Senyor ang pagdating mo, Beverly. Inaaasahan nila ang pagdating mo."   "Pero----"   Naputol na ang tawag. Pasalampak akong nahiga sa kama. Naiiyak ako na ewan. Pero alam kong sa bandang huli,  hindi ko pwdeng suwayin si lola. Ang nais nito ang kailangang masunod. At ayoko namang magtampo ito sa akin. Ang hirap pa namang amuin ng matanda.   *****************************   Pagbaba ko pa lang sa roro ay tanaw ko na agad si lola. Naka-bestida ito na kulay berde at may bayong na hawak sa kanyang kanang kamay. Ilang buwan na ba mula ng huli ko itong makita? Ang huling beses na punta ko dito ay pasko ng nakaraang taon. Kahit may katandaan na ay matikas pa rin ang tindig ni lola Grasya. Nang matanaw ako nito ay agad itong kumaway. Ngumiti ako. Ngayon lang ata ako nito nakita samantalang kanina ko pa ito namataan. Niyakap ko muna si lola bago nagmano. "Hindi ako nakatulog lola. Uwi muna tayo sa bahay?" "Masyado ka bang nahirapan sa pag-aaral? Nangangayayat ka ata." Puno ng pag-alala sa boses nito. "Okay lang ako la. Ako pa ba." Ngumisi ako dito. "Sa kastilyo na tayo mag almusal. Didiresto na tayo doon." she said. "Paano po tong bag ko? Iuwi ko muna ito sa bahay la." Hinawakan nito ang aking palad at umiling. "Dadalhin natin yan sa kastilyo." "Po?" Hindi ako nito sinagot. Kahit puno ng tanong ang isipan ko ay wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya. Mula dito sa daungan ay kailangan naming maglakad ng tatlumpong minuto bago makarating sa bungad ng kastilyo. At kung mula naman sa maliit na baryo namin sa kabilang panig ng isla ay aabutin ng isang oras sa paglalakad bago makarating sa main gate. Kaya si lola ay tatlong beses lamang sa isang linggo kung umuuwi sa baryo. Tuumigil kami sa tapat ng isang karawahe na nakahimpil sa gilid ng daan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang isla ay parang katulad sa mga Disney movies na aking napanood. Bagaman ay computer age na ngayon, pinapanatili ng isla ang pagiging classical. Para tuloy hindi ito parte ng Pilipinas. Sabagay, wala sa mapa ang islang ito. Hindi rin ito gaanong popular sa ibang tao. Pero ang huling balita ko ay magtatayo ng mga tulay na magsisilbing ugnayan ng mga islang nakapalibot. At uumpisahan na ata sa susunod na taon ang tulay mula Puerto Princesa na magdudugtong sa Fortress Island. Balita ko rin ay gagawing commercial ang kalahati ng isla. Pagtatayuan daw ng mga resorts, villages at hotels sa hinaharap. Mukhang dadami na ang taong maninirahan dito mula ngayon. "Pinapasundo kayo ng Senyora, Aling Grasya." Ang wika ng mama. "Ito na ba ang apo na nabanggit nyo? Ke ganda naman palang bata." "Aba syempre naman Andres, kanino pa ba magmamana." Tumawa si lola.  Nangiti na lamang ako sa kanilang dalawa. Mukha namang mabait na tao si Mang Andres at mukhang maraming kwentong nakatago. Inalalayan ko muna sa si lolang makaakyat sa karawahe bago ako sumunod dito. Tinanaw ko ang kastilyo mula sa aking kinauupuan. Kahit saan ka pa sa isla, ay makikita mo ito. Nakatayo kasi ito sa tuktok ng burol. Tuwing nakikita ko ang kastilyo ay hindi ko maiwasang magpantsya na para akong si Cinderella. Na may gwapong prinsepe na nakatira doon. Na mamahalin ako sa kabila ng aking pagiging payak na tao. Bilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nagpunta dito. Ang totoo kasi niyan ay sa Marinduque kami lumaki ni ate. Habang si lola naman ay matagal ng nakatira dito at naninilbihan bilang cook ng kastilyo. Sa Marinduque ako nagtapos ng Elementary at High School. Matagal nang namatay ang magulang namin dahil nalunod ang bangkang sinasakyan nila habang nasa laot dahil sa bagyo. Kinusap kami ni lola na pag nakapagtapos na kami ng high school ay sa Puerto Princesa kami magkokolehiyo. At para rin mas malapit kami sa kanya. Naunang umalis si ate sa Marinduque at nagtungo sa Palawan para nga sana ay makapag-aral ng kolehiyo. Ngunit wala pang isang taon ay nabalitaan kong nakipag tanan ito sa kanyang nobyo at nagtungo sa Maynila. Sinayang lamang nito ang perang pinagbentahan ng aming bahay at lupa. Nangungupahan na lamang kasi noong 4th year high school ako dahil nga binenta na namin ang bahay at lupa na pangtustos sa pagkolehiyo ni ate. Bumuntong-hininga ako. Dalawang taon na ring hindi ko nakikita si Ate Becky. Namimiss ko na siya. Noon, napagkakamalan kaming kambal dahil halos magkamukha kami a magkasing tangkad lang. Isang taon lang din naman kasi ang tanda niya sa akin. Magkaibang magkaiba ang ugali naming dalawa. Kung ako ay masaya na sa simpleng bagay, si ate Becky naman ay hindi. Maselan ito at likas na maarte. At dalagita pa lang ito ay nagkaboypren na. Mataas ang ambisyon nito sa buhay kaya sobrang nasaktan din ako nang malaman kong sinayang lang niya ang tyansang makapag-aral sa kolehiyo dahil lamang sa lalake. "Andito na tayo." saad ni lola na siyang nagpaputol sa paglalakbay ng aking isipan. Humimpil ang karawahe at nauna akong bumaba. Inalalayan ko si lolang bumaba dahil may kataasan din kasi ito at baka mawalan pa ito ng balanse. Isinakbit ko ang di kalakihang travelling bag sa balikat ko at sumunod ako sa paglalakad ni lola. Sa kabilang kamay ko naman ay hawak ko ang bayong na puno ng prutas at gulay na dala nito kanina. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Gamit ang isang kamay ay hinuli ko ang aking buhok na nililipad ng hangin. Pinahinga ko iyon sa kaliwang balikat ko. Mula rito ay kita ko ang kagandahan ng buong isla. Ang asul na dagat ay kumikinang na parang butuin sa gab at sumasalamin sa bughaw na kalangitan. The virgin forest that occupied the center of the island was as green as emerald. The entire island was a fine sight to behold. Nakakamangha. Mas maganda pa siguro ang view kung mula sa tuktok ng tore ng kastilyo mo pagmamasdan ang buong isla. Siguro ay makikita rin ang ibang isla at islets na nakapabilot dito. Tiningala ko ang tore na nasa aking kaliwa. Paano kaya ako makakaakyat doon? "Beverly Ann!" pukaw ni lola sa nakalutang kong diwa. "Susunod na , la." sagot ko na nagmamadali sa pagpasok sa napakalawak na pintuan na iyon. Mas malawak pa sa mga pintuan ng simbahan sa Puerto Princesa. Napakagat-labi ako nang tuluyang makapasok sa loob. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil pakiwari ko'y mananakit ang panga ko sa palagiang paglaglag nito. Isang mahabang hallway na bumungad sa amin. Sa bawat hakbang ko ay para akong lumulutang dahil sa lambot ng red carpet na aking inaapakan ngayon. Halos hindi kayang I-abrorb ng utak ko ang bawat detalye sa lob ng kastilyong ito. Mga mwebles na nakahilera sa gilid ay panigurado akong mas mahal pa sa buhay ko. Ang naglalakihang chandeliers na pinapalibutan ng mga kristal ay nakakalula. Ang higanteng mga bintana at makakapal na tela ng kurtina na pinaghalong ginto at pula ay sumisigaw ng karangyaan. Wala bang kahit isang gamit man lang dito na maaring mabayaran ko kung sakaling masira ko? "Senyora, Senyor. Magandang umaga." si lola sabay yuko. Napataas ang kilay ko at tinignan ang dalawang taong hindi ko namalayang nasa harap na pala namin. Si lola na nakayuko ay tinagilid ang ulo para tignan ako ng masama. "Ah....eh....Magandang umaga poh......Kamahalan?" yumuko din ako at nalilito sa aking pinagsasabi. Di ba ganun ang tawag sa mga Kings and Queens sa tagalog? Tawanan ang narinig kong sagot mula sa dalawa. "Nakakaaliw ang iyong apo, Grasya. Mukhang kayang kaya niya ang trabahong iaatas ko sa kanya." Napatuwid ako sa pagtayo at tipid na ngumiti sa kanila. Ang akala ko talaga ay matatanda ang Senyora at Senyor, nagkamali ako. Ang bata pa nila sa paningin ko. At hindi rin matatawaran ang taglay nilang kaanyuan. Masyado silang matangkad sa normal na Pilipino. Ang kanilang ilong ay matatangos at parehong mapuputi at makikinis ang kanilang balat. Si Senyor ay parang kamukha ng lalake sa banyagang pelikula na Desperado. Nakatali din kasi ang mahaba nitong buhok. Si Senyora naman ay parang yung babae sa Zorro dahil sa itim at medyo wavy nitong buhok. "Grasya, kami na lamang ang magdadala sa apo mo sa taas. At ipapaliwanag na rin namin sa kanya ang kanyang magiging tungkulin sa pamamahay na ito." Ani ni Senyora. "Kayo ang masusunod, Senyora." wika ni lola at bumaling sa akin. "Maaari ko po bang ipaggayak ng almusal ang aking apo? Hindi pa kasi ito nakakapag-almusal." Ngumiti ang Senyor. "Oo naman. Dadalhin namin siya sa kusina pagkagaling namin sa taas." Pagkatapos nun ay nag-excuse na si lola at nagtungo sa kanang pasilyo kung saan siguro doon ang direksyon ng kusina. Iginiya ako ng Senyora sa isa pang hallway. "Mabigat ba ang bag mo, hija? Ako na lamang ang magbibitbit para sa'yo." Mabilis ang pag-iling ko sa pahayag ng Senyor. "Hindi poh. Magaan lang ito. Kayang-kaya ko na po ito." Tumango ito. Hindi ko nabilang kung ilang malalaking pintuan ang mga dinaanan namin. Nakakalula ang lawak ng kastilyo na ito. Paniguradong mawawala ako pag ako lang mag-isa ang maglalakad pabalik. Finally, we stopped at a certain steel door. Wait, steel door? Is this an....elevator? Sa gilid nito ay isang monitor screen. Pinindot ng Senyor ang call button na katulad ng nakikita sa mga cellphone. "Pa." Ani ng malalim na tinig na sumagot sa kabilang linya. Ang tanging nakita ko sa monitor ay tila sahig. "Aakyat kami, hijo." Isang malalim na buntong hininga ang narinig kong sagot mula doon. "Fine." Nag mag black out ang monitor ay nagtinginan ang mag-asawa. I saw the fears and concern in their eyes. He then pressed a certain button that made the steel door divide open. Napamasahe ako sa aking sentido. May elevator? May elevator sa kastilyo? There is a freaking elevator in this castle? Saan banda ba kami ngayon? At sino yung nakausap nila kanina? Their son? From what I know of was that, the couple has two sons. But I don't know their names and I've never seen them before. Walag kahit na sino sa labas ng kastilyo ang nakakaalam kung sino sila. The Salvatores are very powerful that they can pull some strings to shut the biggest networks in the country and the rest of the world. Many attempted to cover and dig deeper about their family history but never once did it broadcast in any networks here and abroad. Ang tanging napanood ko lamang sa telebisyon ay ang mga interview ng bigong reporters na napatalsik sa isla. At mula noon, wala ka ng ibang masasagap na balita tungkol sa pamilyang ito. It's like the Salvatores will cast a curse in you once your mouth spoke their names in public. At ang mga reporters na yun ay hindi ko na nakita pa sa telebisyon. Tila kay bagal ng pag-angat namin. Nararamdaman ko ang tension mula sa mag-asawa na ngayon ay tahimik lamang. Once I heared the "ting" sound of the elevator, sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko ngayon. Hindi kaya ay pamilya sila ng mga pambira? Hindi kaya, magiging pain ako sa taong nakausap nila? Nang  bumukas ang steel door ng lift, mas lalo akong kinabahan. Nakababa ang mga kurtina na nakatabing sa liwanag na galing sa labas ng bintana dahilan kung bakit madilim sa loob ng silid. Bumagsak ang balikat ni Senyora at may kinuhang parang remote sa table. May pinindot ito at unti-unting nahawi ang mga kurtina pabukas ng sabay-sabay. Binaba ko ang bag sa gilid ko at pinagmasdan ang buong silid. Dalawang pintuan ang nakikita ko mula rito. Ang dining table ay nasa sulok malapit sa mini-kitchen. May isang mahabang sofa sa living room at center table na nakapatong sa kulay pula na round carpet. May napakalaki na tv na nakadikit sa wall. Sa tabi nito ay isang malapad na bookshelf na halos umabot sa kisame ang taas. Nang maglakad ang Senyor ay sinundan ko ito ng tingin. Napatda ako ng mamalayang may tao palang nakaupo malapit sa pinto ng terasa. "Alejandro, anak." ani ng Senyor. Umikot ito at yumuko para magpantay sila ng taong nakaupo. "Kumusta ang pakiramdam mo?" puno ng lambing ang boses nito. Tila ba ay takot na takot itong lumakas ang boses. "I'm fine Pa. Ilang beses ko bang sinasabi sa inyo na ayos lang ako." May diin sa bawat bigkas ng salita nito. Ang Senyora naman ay lumapit din sa kanila. Hinimas ng babae ang balikat ng anak at marahan ding sinuklay ang lagpas balikat na buhok nito. "May kasama kami, anak." She said.The man c****d his face to his side and looked at his mother with hooded eyes. "Who is it this time? Hindi pa ba kayo nagsasawa? Hindi nyo ba ako naiintindihan? Kaya ko ang sarili ko!" he snapped as he clenched his jaw. Senyora sighed deeply as she bit her lip. She was about to cry. "You need help, son. You do." ang wika nito sabay tayo ng tuwid at pinihit ang kinauupuan ng lalake. I blinked my eyes rapidly. So the man was sitting on a.......wheelchair? I swallowed hard when his dark, piercing eyes met mine. His moustache and long beard almost covered half of his face na mas lalong nagpadagdag sa aura nitong nakakatakot. Itinaas nito ang kanang kamay at itinuro ako. "You! Get away from my sight! Now!" he yelled loudly that made me jumped off my feet. This man is terrifying!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD