I spent few minutes of drying my tears. Naisip ko, hindi ako pinalaking iyakin ng mga magulang ko. Trabaho ito, Bea. Pasasaan ba at masasanay ka rin. Masasanay ka sa kasungitan niya. Dapat kong pairalin ang lawak ng aking pag-unawa. The first day of work is always difficult. And it may take days or weeks before I get use to this.
The man is miserable and depressed. Kung ikukumpara ko ang sitwasyon ko sa kanya, I'm luckier. Kita mo nga, kahit ang yaman na ng pamilya niya, hindi pa rin kaya ng mga itong ibalik ang dating kalagayan ni Alejandro. Well, I'd like to address him as Alejandro. Ayoko siyang tawaging Sir kung ako lang naman. He doesn't deserve respect from me. Tandaan, respect is earned, not given.
My eyes wandered across the room. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napangiti ako. My room is very pretty. It has a feminine touch. I love the combination of pink and white. Tila pinaghandaang maigi ng Senyora ang pagdating ko. Tila alam nitong hindi ako makakatanggi sa alok nitong trabaho sa akin.
My bag was placed near the built-in cabinet. Kinuha ko iyon at nilabas ang ilang pirasong damitan ko mula sa bag. Nilagay ko iyon sa cabinet. But I was surprised to see that there are few clothes which were folded neatly inside.
Sino kaya may-ari ng mga damit na ito? Nagkibit-balikat ako. Baka yung dating carer. Nilagay ko sa kanang bahagi ng cabinet ang akin. Mula sa aking bulsa ay hinugot ko ang aking cellphone. Kanina pa ako battery empty. I charge it at nilapag sa side table ng single bed ko. Mamaya tatawagan ko ang mga pinag-aplyan ko at sasabihing magba-back out ako. Tanging ang maiiwang schedule ko ay ang gig ko sa restobar na every Saturday at Sunday. Kailangan kong lumagari ng todo para may sapat na ipon ako sa darating na pasukan.
Next to the built-in cabinet is a smaller door. Tumayo ako at binuksan iyon. Wow! I have my own bathroom too! Nakakagalak naman. Pag mabiwisit ako sa lalake, pwede naman siguro akong magkulong sa kwarto, yes?
I changed my clothes into something more comfortable. T-shirt and cotton shorts. Wala naman sigurong dress code dito, noh? Tahimik akong lumabas mula sa aking silid. Insufferable boss was still there, at the same spot where I left him after he threw the book at me. Ngumuso ako nang makaramdam ng konting hapdi sa aking braso. He was so rude. Malayong-malayo sa pag-uugali ng mga magulang nito.
My nose flared thinking about what happened a while ago. I'm still angry at him. Parang gusto ko tuloy isipin na nagsisinungaling si lola sa akin. Mabait? Siya mabait? Saan banda? Baka pati mabuting asal na mayroon siya, kung mayroon lang ha, baka tumalsik sa malayo nung naaksidente ito.
Pinaningkitan ko ito ng mata. Kung hindi lang talaga naki-usap si lola at ang Senyora sa akin, nungka akong papayag maging alalay ng mamang 'to!
He's on the balcony looking into the vast ocean. Hindi kaya nito pansin ang nakakamatay kung titig? Oh, nakalimutan kong bato nga pala ang lalakeng 'to. Pati na rin ata puso.
A strong gust of wind blew that made the pleated faux-silk curtains danced in the air. Nilibot ko ang aking tingin sa buong silid. Hindi ko masyadong na-appreciate ang interior kanina. But looking at the entire place now, it's beautiful. This looks like a bachelor's pad. I like the wallpapers they used. A combination of pastel blue and cream white. Malamig sa mata. Walang halos kasangkapan dito maliban nalang sa mga importanteng appliances. Iisa lang din ang sofa. Oh well, iisa lang din naman ang nakatira dito at ang masaklap pa, hindi nito magawang umupo doon. He was probably chained in those wheels for months now. Somehow, I feel sympathetic towards him.
Sighing, mabilis akong lumapit sa malalaking bintana at sinarado ang mga iyon. Ang hanging pumapasok mula sa balcony ay sapat na para sa malawak na silid.
Biting my lower lip, I walked toward him. "Lumalakas ang hangin at medyo malamig. Baka sipunin ka."
Alejandro jerked a little. I probably startled him. He then scoffed loudly, which appear very insulting to me. "You do know where on earth you are right now, don't you?"
Nagkibit-balikat ako. "Syempre alam ko kung nasaan ako. I'm in the island." And unfortunately, with a cold-hearted man that is you.
He c****d his head to the side to look at me. His eyes turned into slits. "My point. You are in a f*****g island and on the top of this tower. Malamang sa malamang, malakas talaga ang hangin dito. Do you even have a brain? I can't believe my mother hired a noob like you."
I gritted my teeth as I clenched my fist. Konting-konti nalang, gusto ko na siyang patulan. "Ah oo nga pala noh. Pasensya ka naman. Hindi ako prepared na sa pagdating ko pala sa isla eh sasabak na ako sa trabaho. Ipagpaumanhin mo. Hayaan mo, gagamitin ko na ng maayos ang utak ko mula ngayon."
Itulak kita dyan, makita mo.
He wheeled his chair to face me. Pinasadahan niy ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bakit, sisitahin mo ba ang pananamit ko? Pinanliitan ako nito ng mga mata. "Then give up already, kid. Quit. Now."
I gaped at him. Kid? Do I look like a kid? Akala nito, magpapadala ako sa kasungitan niya? Kid? I'll be nineteen years old in two months time! I squared my shoulders. "Sorry to burst your pretty bubble, Alejandro. Hindi ako pinakalaking mahina ang loob and most of all, I wasn't born a quitter." Patigasan tayong dalawa ngayon.
"A-Alejandro? Did you just call me by my first name? You wench!"
"At least I was respecful enough to call your name, have you called mine? So far, hindi pa. Uulitin ko lang kasi baka di mo nagets Mama mo kanina, Bea ang pangalan ko. B-E-A. Bea." Inespeling ko pa ang pangalan ko sa hangin para mas lalong maasar ito.
He was about to say something when the bell of the door intercom rings. Inirapan ko ito at tinalikdan para tignan kung sino man ang tumatawag.
Si lola ang nakita kong nasa video at sa gilid nito ay may tray ng pagkain. I pressed the answer button.
"Lola."
"Apo, nakagayak na ang almusal ni Alejandro. Pwede mo nang kunin dito sa baba."
"Okay la. Bababa na ako. Wait mo ako dyan." Binalik ko ang aparato sa lalagyan. Sinulyapan ko ang lalake. "Kukunin ko lang ang almusal mo, ALEJANDRO." Sinadya kong diinan ang pagbigkas ko sa kanyang pangalan.
I pressed the button of his private lift. When it opened, I immediately get inside. I glued my eyes on the floor to avoid eye contact with him. Ramdam ko kasing pinakatitigan ako nitong mabuti. Nang sumara ang pintuan ay saka palang ako huminga ng malalim. Napasandal ako sa sulok ng lift.
Grabe, ang lakas ng t***k ng puso ko sa nirbyos. Hindi na ako magtataka kung ipapatawag ako ni Senyora para kastiguhin. Sinagot-sagot ko kasi ang anak nito. Paniguradong magsusumbong iyon sa ina niya.
"La, ganito ba lagi ang set-up nyo dito? Kinukuha ko lang ang pagkain niya dito sa baba tapos iaakyat tapos ibaba ulit ang mga pinagkainan? Nakakapagod naman pala ito." reklamo ko kaagad kay lola pagbukas ng lift. She was waiting for me at the foyer.
"Pansamantala habang hindi mo pa nakukuha ang loob ni Alejandro. May kusina naman doon sa taas, di ba. Kaso ayaw nitong may naamoy na kung ano-ano. Ayaw nito ng maingay...."
Napaubo ako nang marinig ko iyon. Ayaw niya ng maingay? Ay, ang daldal ko pa naman. Napakamot ako sa aking batok.
"Pero kung may awa ang Diyos at nagustuhan ka niya...."
"Never akong magkakagusto sa kanya, lola!" Que horror!
Hinila ni lola ang buhok ko. "Hindi na magustuhan ka niya bilang babae ang tinutukoy ko, babae ka. Ang ibig kong sabihin ay makagaanan ka niya ng loob. Pambihira, ang layo na ng narating ng isip mo, Beverly." Paninita nito sa akin.
"Yun kasi ang tamang termino, lola. Makagaanan ng loob. Hindi yung 'magustuhan'. Kinabahan ako ng slight, la. Tatakas talaga ako sa isla kung magkaganun."
"Bakit, tingin mo naman matitipuhan ni Alejandro ang isang tulad mo? Tumigil ka sa ambisyon mo na yan."
"Excuse me lang lola ha. Hindi ako nag-aambisyon! Dyos ko. Gusto ko magkaroon ng boypren na normal. May balak pa akong magkapamilya."
Laking gulat ko nang tinampal nito ang aking bibig. I know what I said was foul. "Ang bunganga mo talaga, Beverly! Baka may makarinig sa'yo nakakahiya sa mga Senyor!" luminga-linga ito sa paligid. "Dalhin mo na nga itong trolley sa taas! Pag natapos na si Alejandro kumain, ibaba mo na lang ang mga ito dito at may kukuha ng mga 'to mamaya."
"La, ang suplado talaga nung Alejandrong 'yon. Napagtanto kong maiksi lang pala ang pasensya ko, lola. Ang salbahe niya sa akin. Tinawag niya akong bobo." Sumimangot ako.
"Eh may kabobohan ka naman talaga."
"Grabe ka sa akin, La. Hindi nakakatawa." Umuusok na ata ang ilong ko sa inis. Ano ba naman ito, buong araw na lang ba akong maiinis? Tatanda ako ng maaga pag ganito.
"Tigilan mo na nga ako sa kaartehan mo, Beverly. Umakyat ka na at paniguradong gutom na si Alejandro. Siguraduhin mo lang na mauubos niya ang lahat ng ito ha. Ilang araw na kasing wala itong ganang kumain."
"Oo na." I pouted. I am still sulking. Nakakatampo. Hindi man lang ako nito kinumusta kung ano ang sitwasyon ko sa taas. O kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Umiwas ako ng tingin kay lola. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata.
Lola sighed as her face became serious. She came near me and patted me on the head softly. Ang isang kamay naman nito ay banayad na hinila ang aking balikat para mapadikit sa kanya. "Mahirap sa umpisa, apo, pero alam kong makakayanan mo ang isang Alejandro. Hindi man nito sabihin, pero alam kong kailangan niya ang isang tulad mo. Sana ay tibayan mo ang iyong loob at habaan pa ang iyong pasensya. Dalawang buwan lang naman, apo. Makakapagtiis ka. Alam kong kayang-kaya mo. May tiwala ang lola sa'yo."
It was my turn to sigh. Like I said, it's just a matter of getting use to him and to this situation, in general. It's expected to be this difficult for the first few days, isn't it?
Nang makabalik na ako sa taas, marahang tinulak ko ang trolley papunta sa dining area. Ngayon ko lang napansin na medyo may kataasan ang mesa? Tila pinasadya talaga para umakma ang silyang de gulong ni Alejandro. Speaking of him, hindi ko ito nahagilap sa living room. Baka nagtungo sa kanyang kwarto?
Nilipat ko ang mga pagkain sa mesa. Nang maayos ko na ang table, maingat na naglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto ng lalake. Ang malaking pintuan nito ang siyang pinakamalapit sa dining area. Ang sa akin naman ay katabi ng dirty kitchen at common bathroom.
Kinatok ko ang kanyang pintuan. "Sir? Nakagayak na ang iyong almusal." Dinikit ko ang aking tainga sa pintuan para pakinggan ang kung ano mang ingay sa loob. Ni kaluskos ay wala akong marinig. Kumatok ulit ako. "Sir Alejandro? Oras na ng iyong almusal! Natutulog ka ba?" It was a stupid question.
Dahil wala pa ring sagot, lakas-loob kong pinihit ang seradura. Walang tao sa malawak n kwarto nito. Gusto ko mang mamangha dahil sa puro glass windows ang nakapalibot sa buong silid ay hindi ko magawa dahil sa may kung anong nabagsak na bagay ang nakaagaw sa aking pansin.
Sa aking kanan ay isang nakabukas na pintuan. Ang ilaw mula sa loob ay pansin mula dito. Sumikdo ang didbib ko habang papalit sa pintuan na yun. "Sir?"
Alejandro is still in his wheelchair, his back facing me. May kung anong inaabot ito sa sahig. Napasinghap ako dahil sa dami ng gamit na nagkalat sa tiled floor. What happened?
He groaned as he cursed. "f**k these useless legs!" he muttered while trying to reach for all those plastic things on the floor. Hindi ako nagdalawang-isip at mabilis na nilapitan ito. Bahagyang lumuhod ako sa kanyang gilid. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa kanyang palapulsuhan.
"Saan ba dito ang gusto mong abutin?" I tried my best to sound normal. Pati ako ay nalilito sa mga nagkalat sa sahig. Ano ba tong mga ito?
"Hand me that f*****g IQ catheter. Motherfucker thing slip from my hands."
IQ Catheter? Kung hindi ko pa nabasa ang pangalan sa labas ng mahabang plastic ay hindi ko mahuhulaan kung ano ang tinutukoy niya.
"Yes! Hurry the f**k up!" He hissed at me. I noticed how sweaty his face is. Inabot ko ang plastic sa kanya. "Is there anything I can help?"
He smirked at me. "Are you really asking me that question? Don't you know what is this for?"
Umiling ako. Of course, I know what catheter is for. Kakaiba lang kasi ang catheter niya kesa sa normal na catheter na nakikita ko sa mga ospital. Our landlady once used catheter when she had a surgery. This time, I wanted to act dumb. I would pretend I didn't know the purpose of it. Me playing dumb would probably make him a little relieved. Maybe it would make this whole thing a little less awkward for the both of us. Maybe he won't feel embarrass about his situation.
"I need to empty my bladder so please, for the life of me, get the f**k out of here." He started to unbutton his pants.
"I'll help." Pati ako ay nagulat sa sinabi ko. Did I really say that? Napalunok ako sa aking laway nang wala sa oras.
His eyebrow raised. "Bea, right?" I don't know why but the way he mentioned my name for the first time sent shivers down my spine. I nodded at him.
"You're going to help me, you say?" There was a faint smirk lurking on the side of his mouth.
I swallowed again. "Actually, inaayos ko pa ang mesa..." alanganin akong ngumiti sa kanya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Damn uncontrollable mouth of mine.
"Help me." He said in a commanding tone.
"How?"
"Unbutton my pants and pull them down. Insert the catheter into my p***s. You're my new hired-carer, this should be one of your jobs from now on." His intense gaze never leave mine.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis mula sa aking noo. My body shook. Tama ba talaga tong pinasok ko?
Mukhang di ako aabot ng bente-kwatro oras dito sa isla........