FOUR: Fiancée

2337 Words
   Nasa magkabilaang dulo kami ng mesa. Tahimik siyang kumakain samantalang ako ay nagbubuklat ng magazines na nakita ko sa bookshelf sa sala.   Inaaliw ko ang sarili ko sa pagbabasa, sa patingin-tingin ng mga pictures at pasimple akong sumusulyap sa kanya. He never looked at my direction. So ano to, is he back to his d**k mode again? Ang hirap ispelingin ng taong 'to. Sa true lang.   Kanina pa gumugulo sa isipan ko ang huling sinabi nito sa akin. Kahit anong replay ko sa utak, parang may pagbabanta eh. At may konting kahalayan? Alam kong may kabobohan ako. Pero hindi ko alam ah, parang ganun ang pagkaintindi ko. Pero imbes na mainis ako, bakit tila mas interesado akong malaman kung ano ang naiisip niya sa akin? Napatitig ako sa kanya. Ngayong nakatali ang kanyang buhok, medyo umaliwalas ang kanyang mukha. Nagmukha na siyang tao ng konti. Pero kung ako ang masusunod, yang balbas-sarado niyang mukha ay hahaitin ko. Pero sino ba ako para i-impose ang bagay na yan sa kanya? Hindi kami close. Like he said, I need to keep my distance.   Napapitlag ako nang magkalansingan ang mga kubyertos niya. He picked up his napkin and wiped the sides of his mouth. Is he done eating? He barely touched the food!   He was about to wheel himself pero nagsalita ako. "Tapos ka ng kumain sa lagay na yan? Hindi halos nagalaw pagkain mo." Sinipat ako nito gamit ang mga galit na mata. "Because I don't feel like eating at all."   "You might get sick, Alejandro."   "Sick? My condition alone makes me sick, Bea. Mas may lalala pa ba sa sitwasyon ko? Know your damn place. Hindi ka nandito para punahin kung gaano kadami o kakonti ang kinakain ko! Carer, my ass. Just continue reading those crappy gossip magazines or whatever those things are or go to your room and leave me the f**k alone!"   I gritted my teeth at naikuyom ang aking kamao. "Why are you so stubborn and rude, Alejandro?"   "Don't call me by my first name. We are not acquaintances. You're far from being my friend. And don't you f*****g come near me, Bea."   Uma-attitude ka na naman Ser. At talagang sa kanya pa nanggaling yan, eh siya nga itong baby ng baby sa akin kanina? Akala niya di ko pansin? Buti nalang di ako marupok.   I got to my feet. God, I'm about to lose my s**t and throw a fit. He's so frustrating!   "Bipolar ka ba? You're giving me a hard time understanding you. Hindi ka naman math equation pero bakit ang hirap mo atang resolbahin? Akala ko okay na tayo? Akala ko medyo nag-oopen up ka na sa akin? Matutuwa na sana ako kasi yung akala ko, hindi ka talaga mahirap alagaan o alalayan, but it seems like I was wrong after all. Kanina, you told me I should remember how to prepare those things just in case na hindi maganda pakiramdam mo at wala kang choice kundi mangailangan ng tulong ko. Alam mo  Alejandro, trust me, I know where you are coming from. I understand your frustration! Pero utang na loob! Wag mo naman pahirapan ang mga tao sa paligid mo! Wag mo kaming idamay sa hinanakit mo dahil walang ni isa dito ang may gustong mangyari yan sa'yo! Sa ayaw mo man o hindi, YOU.NEED. HELP. At isa pa, akala mo gustong-gusto kong nandito ako? I have jobs in the city. Summer ngayon, marami akong raket, pero lahat ng iyon ay mawawala kasi naki-usap ang lola sa akin ganun na rin ang Mama mo. Masama bang maging practical? You mother offered me salary na mas malaki pa sa kaya kong kitain sa loob ng apat na buwan. Parang-awa naman, stop being difficult. Pagtiyagaan natin ang isa't isa sa loob ng dalawang buwan, call? After that, I will disaapper in your life like a bubble." Naghahabol ako ng hininga sa haba ng litaniya ko. Jusko, matutuyuan ako ng dugo sa taong to. And to think first day ko pa lang. Kailan ba matatapos ang araw na'to? Parang gusto ko ng matulog at magkulong sa kwarto kahit maaga pa. Maloloka ako sa lalakeng ito.   Kung ayaw niya magpatulong, fine! But he didn't have to be rude to me or to everyone else! Hindi na nakakapagtaka na walang tumatagal sa kanya! Even his own parents can't stand his nasty attitude.   "And you think by being here, nakakatulong ka? Akala nyo lang naiintindihan nyo ako. All of you, you don't actually know what I am feeling every single time. Everyone thinks they know what I need! But they don't! You think it's easy to accept the fact that I am now invalid? I'm still young, Bea, but I'm f*****g stuck here!"   "Walang may gustong mangyari yan sa'yo, Alejandro. You can't blame yourself. You can't blame other people. Everything happens for a reason, you know. Be positive. Be optimistic. Your mom told me that there's a high chance you can walk again. The problem is you stop trying, Alejandro."   He laughed sarcastically. "God, girl. Wala ka talagang alam. Let's say I will continue trying, let's say baka nga makalakad ulit ako. Hindi man normal na lakad, pero at least makakalakad. Let'sa say I'll take the ten percent chance for me to be able to walk again. But how about my erectile dysfunction, how are you going to treat it?"   Medyo nag-loading ang utak ko. Ang ano raw?   "Erectile what?"   He gave me a nasty look. "You want me to keep on trying? Ilang operasyon pa ba ang pagdadaanan ko? Ilang gamutan pa ba ng kakailanganin ko? Even the best doctors in the world can't give me a definite answer, Bea. Now tell me, how am I supposed to live my life now?"   Nagtitigan kaming dalawa. Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Kung hindi ka maintindihan ng tao, it's not their fault. Why don't you try opening up to them. Being an asshole every time doesn't make you tough, it'll just make you look worse. If people don't understand you, then make them. The real disability is when you can't find joy in life, Alejandro. Stop being bitter. Wala yang maitutulong sa'yo. You're disabled, physically. Don't be disabled spiritually, Alejandro." Tahimik kong niligpit ang mga pinagkainan nito. Alam kong nakasunod lamang ang kanyang mga mata sa akin. Ayaw ko siyang tignan. Naiiyak na nga ako, sa true lang. Pero ayokong ipakita sa kanya ang kahinaan ko. He might use it to bully me.   "Ibababa ko lang 'to." Ang sabi ko nang mailagay ko na ang mga pinggan sa trolley. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil alam kong di rin naman ako sasagutin nito.   Nang makabalik ako, hindi ko na naman siya nasumpungan sa living room. It's his time to take his meds. I sighed deeply. He's going to snarl at me again. I prepared his medicine. I had a guide what medicines he needs to take. Nakadikit sa gilid ng medicine cabinet ang schedule at kung anong gamot ang kailangan niyang inumin. Most of them are multi-vitamins and anti-spasms. Kailangan ko rin palang i-monitor ang body temperature niya twice a day.   Hawak ang tray na may tubig at medicine, tumungo na ako sa kanyang kwarto. Naabutan ko itong nakaharap sa nakabukas na French windows nito. Sa gilid ng bintana ay wall frames.   "It's time for your meds." Mahinang sabi ko saka ako lumapit sa kanya. Nilapag ko sa side table ang tray. Kinuha ang baso na may lamang tubig at binigay sa kanya, silently praying he won't plan on smashing it against the wall, or worse sa akin.   Ang sunod kong inabot ay ang mga gamot. I was surprised that he didn'say anything. He took them all and inabot ulit sa akin ang baso na ngayon ay wala ng laman.   Nahagip ng tingin ko ang isang particular frame. Kumunot ang noo ko. There was two men in the picture. The other one looks really familiar. Like crazily familiar. Hindi ko mapigilang lumapit doon. "This man in the picture, he looks like Romano. The famous balladeer in the country." Bulalas ko sabay turo sa sikat na singer ng bansa.   Saglit akong sinulyapan nito. "That's him."   Nanlaki ang mata ko. 'Talaga? Why you have a picture of him? Tsaka sino ang lalakeng katabi niya dyan?" Hinihimas ko ang aking baba. "They look alike though. Is that, by any chance, his brother?"   This time, kumunot ang noo nito at napatitig sa akin. "Seryoso ka sa sinasabi mo? Or nagpapatawa ka lang? Are you really that dumb?" He chuckled. "Benta sa akin ang katangahan mo."   Umirap ako sa kanya at binalik ang tingin sa mga picture frames. Iniisa-isa ko ang mga yun. Lahat ng iyon ay picture lahat ng lalakeng katabi ni Romano, hanggang sa tumigil ang mata ko sa isang mas malaking picture na kasama si Senyora at Senyor, with Romano and the unknown guy.   My eyes popped out of its sockets when I finally realized the whole damn thing. "I-----ikaw to????" my voice was high-pitched. "I---ikaw to?" He mimicked my voice but in a more annoying way.   Pinalagpas ko ang pag-aasar niya. "Ikaw talaga yan? Omg! Ang gwapo mo pala Alejandro!" I exclaimed hysterically.   Pinagtaasan ako nito ng kilay. I could see how amused he is. Oo. Nakakatawa talaga katangahan ko. Pati nga ako natatawa na rin eh. "Pero charot lang yun ha." Ngumuso ako. Baka isipin niya gwapong gwapo ako sa kanya. Which is, without a shadow of a doubt, gwapo talaga. Sa true lang.   "What the hell is 'charot'? Your choices of words, really." He shook his head. Inayos nito ang blanket na nakapatong sa kandungan nito. Is he cold?   "Parang 'joke lang' ibig sabihin nun. Ganyan kasi kaming magkakabarkada magkwetuhan. Uso yan ngayon. Nakakatuwa nga eh, sa true lang."   "Sa true lang?"   "Sa totoo lang. Nakasanayan na eh. Wag mo na nga lang pansinsin choices of words ko, kaloka."   Umiiling ito. "Ang weird mo. Sa true lang." He said kasabay ng pag-angat ng gilid sa labi nito.   Wtf? Did he just say that? Hindi ako nakailag dun ha. I giggled and damn, he chukled genuinely. "Ang sarap pakinggan ng tawa mo. You should laugh more often, Alejandro. Parang umaliwalas ng konti ang dark aura mo. Alam mo, mabuti sa kalusugan ang pagiging masayahin. Kaming mahihirap, pag may problema, tinatawanan na lamang namin. Naniniwala naman kasi ako na walang ibibigay na pagsubok ang Diyos sa tao kung alam Niyang hindi mo kayang lagpasan ito."   "If there is indeed a God, I am probably his least favorite."   "C'mon! That's not true! Lahat tayo ay pantay-pantay sa tingin ni Lord. You are aware na may iba pang tao na mas malala sa sitwasyon mo ngayon. Some of them are battling deadly illness like cancer. Some of them are probably in coma and some are probably breath away from death. Good for you, you are born rich. Paano na lamang yung iba na walang-wala? Pero alam mo kung ano ang kaibahan nila sa'yo? Yung kahit walang wala na sila. Kahit maubos na lahat ng lakas nila, hindi pa rin sila sumusuko. Sometimes, Alejandro, hindi masamang magpasalamat sa Diyos sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon. You're still breathing, and I guess that's enough reason to celebrate life."   "Whatever makes you sleep at night, Bea." He side-eyed me.   "So, kapatid mo si Romano? I'm his fan, alam mo ba? Nung binanggit ng Senyora na may kapatid kang Romano, hindi sumagi sa isip ko na siya at ang sikat na Romano ay iisa lang pala." And then suminghap ako ng malakas. "Nandito ba siya ngayon? Can I meet him in person, Alejandro? Bakit hindi man lang binanggit ni lola na isang Salavatore pala si Romano? Come to think of it, ibang surname ang sinabi niya. Alcantara, kung hindi ako nagkakamali."   Matalim lamang akong tinignan nito. "Si Mama ang kausapin mo tungkol dyan. And to answer some of your questions, Romano seldom goes home. He has his own life in the capital."   "Ahh. Ganun ba." Hindi maitago ang pagkadismaya ko. Mukhang di sila close na magkapatid? Kasi kung close sila, Romano should spends his time more with his brother. Pero sabagay, baka si Alejandro na rin mismo ang ayaw na andito ang kapatid. Maalala ko ring sinabi ng Senyora na si Romano muna ang humahalili sa pwesto ni Alejandro sa pag-aasikaso sa kanilang negosyo.   Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang ibang picure frames nan aka-display. Tumigil ang mata ko sa picture niya na may kasamang magandang babae. "Girlfriend mo?" Wala sa loob na tanong ko. Hindi ito umimik. Lumayo ito sa kinatatayuan ko at mas lumapit pa sa malawak na bintana. "She's Stacy Adrielle, my ex-fiancée." Mahina at mabagal ang kanyang pagsagot.   Ex? "Ah...." Kumagat-labi ako. Dapat hindi ko na lang itinanong. Obvious naman na may relasyon sila kasi sa picture, he was kissing the girl on the cheek.   He looked happy and contented in that picture though. They're both in love with each other. Bakit naging ex na lang ngayon?   "Did you also tell her to stay away from you? The girl seems really in love with you, Alejandro. Dapat ay katabi mo siya ngayon at hindi ka dapat nag-iisa. Ano ba talaga ang problema mo, Alejandro? Bakit ba lahat sila inaayawan mo? Your fiancée must be in despair right now. Sigurado akong naghahangad yun na makita ka niyang muli. I'm sure she misses you terribly. Don't you miss her too?"   "Stop sticking your nose where it doesn't belong, Bea."   "I know but....."   I wasn't able to finish my sentence. I was shocked when he picked up the empty marble vase from his side table and threw it against the wall frames. Nabasag ang mga salamin at nagkalaglagan halos lahat sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig at nanlalaki ang mata. I felt pain on my foot and saw blood dripping out of my skin.   "Get out." There was a warning there. "Get the hell out of here!"   "Alejandro....."   "You don't know s**t, Bea. f**k, you don't know." It was the first time I heard his voice tremble.   "I'm sorry." I hiccupped. Naiyak ako ng tuluyan. Dahil bukod sa mahapdi na ang aking sugat sa paa, the pain visible on Alejandro's face made it all a lot difficult to breathe. He looked vulnerable, inside out. Tahimik akong lumabas ng kwarto niya. I guess, I have to call Senyora and tell her I'm giving up.....          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD