FIVE: Stay

2949 Words
  Pagkakuha ko sa first-aid kit, humugot ako ng upuan sa may kusina. Thankfully, minor cut lang iyon. Nadaplisan lang siguro mula sa bubog ng nawasak na salamin. Tumigil na iyon sa pagdurugo. Buti na lang at hindi malaki ang sugat at mababaw lang din. Nang malagyan ko na iyon ng betadine, pinatuyo ko muna saka ko tinapalan ng band-aid. Huminga ako ng malalim at saka pa lang ako sumandal nang tuluyan sa upuan. Ngayon ako nakaramdam ng panghihina. Partida, wala pa akong bente kwatro oras sa lugar na ito pero tila naubos na ang buong lakas ko. Mas sobra pa ang pagod ko dito kesa sa mga partime na ginagawa ko sa sentro. Nagdadalawang-isip ako kung tatawagan ko ba ang Senyora o hindi. Makakapag-tiis pa kaya ako dito? Well, I taunted him. Kasalanan ko nga rin naman dahil sa bibig kong walang preno. Kung bakit naman kasi ang hilig kong mangialam. Pero concerned citizen lang din ako. Wala man akong alam sa mga batas na yan, basta ang alam ko’y may karapatan akong magbigay ng opinyon. Masama bang ilabas ko kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko? Kung may alam man akong batas, iyan ang ang bawal lumabas sa classroom lalo na’t nag-uumpisa na ang klase. Tama? Okay, I get it. Wala ako sa lugar. Kung gusto kong magtagal dito, then matuto dapat akong lumugar. Magsasalita lang ako kung ito ay may kinalaman sa trabaho ko. Magtatanong lang ako kung ito ay may kaugnayan sa trabaho ko. In other words, shut your mouth Beverly Ann! Okay, problem solved. Mula ngayon, hindi na ako mangingialam sa buhay niya. Bahala siya. Gusto niyang makulong dito sa habang panahon? Go ahead! Ano nga bang pakialam ko? Dalawang buwan lang naman ako dito. Dalawang buwan na walang kibuan ay kering keri ko. Nang maalala ko ang mga bubog na nagkalat sa sahig ng kwarto ni Alejandro, mabilis akong tumayo at naghugas ng kamay. Kumuha ako ng pangwalis sa broom storage. Hindi ako nagdalawang-isip na pumasok ulit sa silid nito. Kung ano man ang kanyang ginagawa ay wala na akong pakialam. I was expecting him to yell at me again, but surprisingly, he was not in his wheelchair. He was in his bed, peacefully sleeping. I glanced at his wallclock. Mag aalas-dose palang pero natutulog siya? Ang weird naman ng taong to. Maingat kong winalis ang bubog at nilagay sa dala kong rubbish bin. Pinulot ko ang mga pictures. Hays. kegaganda pa naman ng pagkaka-display ng mga ito tapos sinira lang ng lalake. Alejandro was so different in these pictures. I could tell he had a wonderful life before the accident happened. Oh, look at that body. He had sturdy, mascular physique. Di katulad ngayon, ang laki ng pinayat niya. His smiles were vibrant here. His eyes were full of life. Wala sa sariling hinaplos ko ang solo picture niya. He was wearing a business suit here and he seemed waving at the cameras. Ang gwapo ng ngiti niya dito. Ang gwapo niya in general, sa true lang. Tumigil ang tingin ko sa particular na larawan nila ng babae. Kung fiancée niya ito, di ba dapat lang ay mas lalong kapiling niya ito sa ganitong sitwasyon? Napapaisip talaga ako kung bakit nagalit si Alejandro sa akin dahil lang tinanong ko kung bakit wala dito ang fiancee niya. Ex-fiancee na nga pala. Ano kayang rason ng paghihiwalay nila? O baka naman ang babae ang nakipaghiwalay dahil nga sa aksidenteng nangyari kay Alejandro! Dahil ba sa…..wala na siyang kakayahan…..aissh! Bea! Nakikiusyuso ka na naman! Hindi ka pinalaki ng magulang mo para lang maging tsismosa! Pero kung tama nga ako, ay aba, anong klaseng fiancée siya? Hindi niya siguro talaga mahal si Alejandro sa umpisa pa lang. Kasi kung ako yun, at kung mahal na mahal ko yung tao, walang sino man ang makakapagpaalis sa akin sa tabi niya. I will stay by his side, no matter what. Ride or die. Ganyan ako sa lalakeng mamahalin ko. Kasi alam kong paghuhugutan namin ng lakas ang isa’t isa. I was pulled from my thoughts nang tila ay narinig kong umungol ang lalake kaya napalingon ako sa higaan niya. Pinilig ko ang aking ulo. Naghihilik ba siya? I shrugged my shoulders at marahang lumapit sa kama nnito. Gayong natutulog ito, at kahit halos puro buhok na ang kanyang mukha, di pa rin maipagkakamali na gwapo ito kung tititigang mabuti. “Ang lalim ng tulog natin ha, Ser Sungit? Gwapo ka sana, sungit nga lang.” bulong ko. Kumalam ang sikmura ko. Sobrang lakas na tumingin pa ako sa paligid para alamin kung may nakarinig ba kahit alam kong kami lang ni Alejandro ang tao dito. Nakakahiya naman kasi kung may ibang taong makarinig. Wagas makaalboroto ng sikmura ko. “Lunch time na. Gutom na gutom na mga dragon sa tiyan ko. Kailan ba tayo kakain, Ser Sungit?” Sabi ko pero kahit siguro lakasan ko boses ko ay hindi magigising ang lalake. Tahimik akong lumabas sa kanyang silid matapos kong linisin ang sahig. Nang maibalik ang mga panlinis sa broom storage, nagtungo ako sa terrace at nangalumbaba doon sa round table. Hindi ko alam paano ba ako magtatanghalian. May darating kayang pagkain? At kung meron man, kasama kaya yung akin o kailangan ko pang bumaba sa dining area ng kastilyo? Ni hindi ko nga alam kung kakain din ba si Ser Sungit! Tanghaling tapat eh tulog! Hay naku! Aiisshht. Nasabihan yata ako about dito pero hindi ko ata narinig. Hindi naman ubrang iwan ko yung tao na mag-isa dito? Sabagay, tulog naman siya di ba? “Anong binubulong mo dyan?” “Ay tae ka!” bulalas ko. Mabilis akong bumaling sa taong nasa aking likuran. “Aatakehin ako sa puso sa’yo!” Paano siya napunta sa likuran ko eh natutulog ito kanina lang? “Ninjahan ang damoves mo ah. Bakit ka andto eh ang lalim ng tulog mo kanina lang?” Ang lalim siguro ng isip ko kasi di ko narinig ang ugong ng ganyang wheelchair. Hindi ito umimik. Sa kanyang kandungan ay may cellphone. He picked it up and dialed someone. Ang mga mata ay nananatili sa akin.  “Hello, lola. Yes po. I’ll eat my lunch today. Pakisabay na rin ang tanghalian ni Bea. We’ll have lunch together. Pakidamihan nalang din po at baka may magsilabasan na mga dragon sa tiyan ng apo nyo.” He chuckled at pagkatapos ay nakikinig sa sinasabi ng kabilang linya. “Opo. Salamat po.” Napaawang ang labi ko. Narinig niya ako kanina? Sinong kausap niya? Lola ko? “Nagising ako sa pag-alboroto ng tiyan mo. Akala ko’y may nag-alboroto na bulkan. Sa tiyan mo lang pala.” Umiling ito pero may tinatagong ngisi sa labi. Tumama ang mata nito sa aking paa. Sinundan ko ang kanyang tingin. “Okay lang ako. Hindi naman malalim.” I saw his Adam’s apple moved from swallowing. He couldn’t get to look me in the eye. Nagi-guilty ba siya? Coz it seems like he is. “I’m sorry. I didn’t mean to hurt you.” Ah. You didn’t mean to hurt me. Kaya pala kahit alam mong ang lapit ko lang sa salamin eh binatohan mo pa rin ng matigas na bagay kaya nabasag at nasaktan ako. Oo nga. Di mo nga siguro sadya. Tss. “Naiintindihan ko rin naman why you did that. I provoked you. Don’t worry. Alejandro. Mula ngayon ay hindi na ako magtatanong pa ng kahit anong bagay tungkol sa’yo maliban na lang kung may kaugnayan sa trabaho ko. Hindi na rin ako magbibigay ng opinion kasi lahat na lang ng sinasabi ko, ikinasasama mo. Lahat mali sa’yo. I’d shut my mouth up nalang talaga. Okay ba yun?” “Alright. That’s fine with me.” Tipid nitong sagot. Wow. Pumayag ang lolo nyo. So wala siyang balak na palayasin ako. Okay then. “Si lola ko ba yung tinawagan mo? Close kayo?” Pag-iiba ko ng topic. Mabagal na naglakad ako patungo sa kusina at siya naman ay tahimik lang na nakasunod sa aking likuran. “Oo at hindi. Oo, lola mo ang tinawagan ko. And hindi, we’re not that close. In fact, I am not close with anyone. I think I have made that obvious.” Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig doon. “Ah. Okay. Gusto mo ng tubig?” Aya ko. Umiling ito at nakatingin lang din sa akin. Ang mga kamay ay nakasalikop sa kanyang kandungan. Nagkibit-balikat ako at saka uminom ng tubig. “Are you not wearing a damn bra?” Naibuga ko ang tubig mula sa aking bibig. Naubo ako dahil sa pagkasamid. Kaloka. Saan galing ang tanong na yun? “Ano!?” “You don’t look like you’re wearing one.” He was frowning, eyes glued on my chest. Wala sa sariling sinapo ko ang aking dibdib. “I’m wearing a damn bra, dude. Hindi naman ako ganyan ka-walang pake sa inisiip ng ibang tao. Well, alam kong tao ka kahit mukha kang kapre diyan sa buhok at bigote mo, pero tao ka at lalake ka. Kung mag-isa lang siguro ako, extra large T-shirt lang siguro, sapat na.” It was his turn to cough. “T-shirt without anything underneath? Kung mag-isa ka, okay lang sa’yo to roam around naked?” “Why not? Kung sa sarili kong pamamahay ha. Hindi dito sa bahay mo. Ang weird ng topic natin ah. Bakit mo naitanong?” “Ah. Your boobs are bouncing when you’re walking. Napansin ko lang naman.” He c****d his head to the side. Napapalatak ako. Tinaas ko ang T-shirt ko para makita nito ang bra sa ilalim. “See this? Anong tawag mo dito?” “They look fake.” Wow. You know what’s funny? Kasi kung sa ibang tao ko ito narinig, baka nanapak na ako. But coming from him, hindi ko alam bakit natatawa ako. He’s not innocent, alright. But I find his expressions too adorable. Nilapag ko ang baso sa aking gilid. Lumapit ako sa kanya at walang babalang kinuha ang dalawang kamay nito para idikit sa dibdib ko. “Fake to? Are you kidding me? Tsaka hello, naghihirap na nga ako tapos gagastos ako para magpalaki ng boobs? Hell no!” Alejandro’s eyes widen. His hands were literally kneading my breasts. He swallowed as he parted his lips, gasping for air. Yung asar na naramdaman ko kanina ay unti-unting naglaho. What on earth are we doing? I cleared my throat saka ako lumayo sa kanya. Tumalikod ako para ayusin ang sarili. s**t. What the hell just happened? “I don’t feel anything, don’t worry.” Tila pag-aalo pa nito sa akin. Pinaikot ko ang aking mata. Alam ko. He’s harmless and well, he can’t feel. Kaya kampante rin akong gawin yun kasi alam ko naman na hanggang dun lang yun. “Tss. Sinadya mo yun. Gusto mo talaga hawakan ang boobs ko. Kunwari ka pa.” “What? I didn’t ask you to let me touch them, did I? Ikaw itong lumapit sa akin.” “Whatever, Alejandro. Ang tagal ng pagkain nagugutom na ako.” My god. Hindi ko magawang humarap sa kanya. Namumula kasi tiyak mga pisngi ko. Ano ba kasing pumasok sa utak mo para gawin yun, Bea? Kahit kailan talaga ang kalat mo! “You have a boyfriend?” Tuluyan na akong humarap sa kanya. His stoic expression irritates me. “Alam mo, tigilan mo ako sa mga random questions mo na yan. Feeling close ka sa akin, ha.” “I want to get to know you better. So, do you have a boyfriend?” Seryosong tanong nito. “I have the right to remain silent, your honor.” I pouted. He smirked at me. “Yes or no lang naman, Bea. Is it too hard to answer?” May kakulitan din palang taglay ang lalakeng ‘to. “Wala po, your honor.” His stares became intense at sa hindi maipaliwang na dahilan, my heart skipped a beat. “Good.” “Good?!” “Good. Walang sabagal sa trabaho mo dito.” Hindi na ako nakasagot dahil tumunog ang intercom. Umalis ako sa kusina para sagutin iyon. Hindi na rin ako nagpaalam sa kanya at basta na lang din bumaba sa ground floor para kunin ang food trolley. Gumaan ang pakiramdam ko nang tuluyan magsara ang lift. Ang abnormal ng pagtibok ng puso ko. Wala sa loob na tinapat ko ang aking palad sa aking puso. Pakiramdam ko’y naiwan sa akin ang banayad na haplos ni Alejandro. Get a grip, Bea! Ang daming ganap sa araw na ito.   Sa buong durasyon ng hapon na iyon ay sinadya kong iwasan si Alejandro. Naglinis ako ng kusina kahit alam kong hindi pa nagagalaw ang mga gamit dito. I arranged the cupboards. I cleaned the cabinets and drawers. Si Alejandro ay nasa paborito nitong tambayan, reading his book. Maya’t maya ko ito tinatanong kung may kailangan at laging sagot sa akin ay wala. When dinner came, tahimik pa rin kaming dalawa. Nagpapasalamat akong sinabayan din nito ang aking pananahimik. Umiinom ako ng juice when I heard him groan, as if in pain. Ang isang kamay nito ay minamasahe ang tagiliran. “Are you okay?” I asked. “I’m fine.” Tipid nito na sagot. “I can’t finish my food, Bea. Stay and continue eating. I’ll just need to take a shower. It might take me few minutes but trust me, I can manage.” Tumango ako. “Alam kong kaya mo pero just in case, can I wait outside your bathroom door?” Sumulyap lang ito sa akin at saka tumango. Tila guminhawa ang pakiramdam ko sa pagtango niyang iyon. Nang matapos kong ligpitin ang pinagkainan namin at naibaba ko na rin ang trolley, dumiretso agad ako sa kwarto ni Alejandro. Naupo ako sa kama paharap sa kanyang bathroom door. Mula rito ay rinig ko ang lagaslas ng tubig. I checked my wristwatch. Halos trenta minutos na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito tapos. Siguro ay nahihirapan ito sa pagligo. Tila may kung ano na naman ang kumukurot sa aking puso. Hindi ko maiwasang maawa sa sitwasyon niya. Kaya kahit sigawan at asarin niya ako ay okay lang sa akin. Kasi walang wala iyon kumpara sa hirap na nararamdaman niya araw-araw. Habang naghihintay ako sa kanya, inabot ko ang notepad sa kabilang table nito. I wrote something there. Mayamaya lang ay bumukas na ang pintuan ng bathroom, he’s wearing his pj’s and hair was still damp. May small towel na nakapalibot sa kanyang leeg. “Hi.” My heart stopped from beating. What’s with the ‘hi’? “Ang tagal mo ah.” I answered instead of saying hello. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang towel sa kanyang leeg at pumwesto sa kanyang likuran. Banayad kong kinuskos ang kanyang mamasa-masa pang buhok. “I’d like to have an early rest.” “Okay.” “You can watch TV in the living room kung maaga pa para sa’yo ang matulog. Aren’t you tired? Halos kinuskos mo ang kasuk-sulokan ng bahay ah.” Was he paying attention of what I was doing the entire afternoon? I thought he was busy with his books. “I’ll go take a shower after I leave your room. Here.” Inabot ko sa kanya ang sinulat ko sa notepad. Binasa niya iyon. “I am not Charlie Puth but, I’m only one call away. #09273003287.” “Oh, di ba, ang witty ko dyan. That’s my number, by the way.” “Who the hell is Charlie Puth?” Inis na tanong nito. I expected him to laugh pero nainis pa ito. This man. “Ano? You don’t know him? Seriously, Alejandro?” Umismid ito at nilagay sa side table ang note. “Go and do whatever you want, Bea. I’m tired.” “Sungit mo na naman. Good night sa’yo. Sana mahimbing ang tulog mo.” Narinig kong bumubulong ito pero hindi ko masyadong narinig. Iniwan ko na ito sa kanyang silid. I went to my room and prepared myself for shower. Tila lahat ng stress ko sa araw na ito ay naglaho. Masarap sa pakiramdam ang makaligo sa medyo sosyal na bathroom. Malayong malayo sa common bathroom naming magkakaibigan sa boarding house. Mukhang maaga rin ata akong matutulog ngayon. Nang lumapat ang likod ko sa kama ay napagtanto kong hapong hapo ako. I turned on my phone and read a few messages from my friends. Suddenly, a new message from an unknown number popped on my screen. You did well on your first day. Good night too. Ngumuso ako at napangisi lang din pagkatapos. I saved his number. Ser Sungit. Natulog akong magaan ang pakiramdam. Pero hindi pa siguro ganun kababaw ang tulog ko dahil tila may narinig akong bumagsak. Bumangon ako at lumabas sa aking silid. Tila may isip ang aking mga paa dahil sa kwarto ni Alejandro ako dinala ng mga ito. Hindi na ako kumatok at basta na lamang pumasok. Alejandro was groaning in pain. Halos tinakbo ko ang distansya ng pintuan sa kanyang higaan. “What’s wrong, Alejandro? Ano ang masakit sa’yo?” Inaatake ako ng nerbiyos ko. Alejandro sweat a lot. Nag-igting ang bagang nito at ang kamay ay nasa kanyang tagiliran. “f*****g hurts.” Umuungol ito sa sakit at di mapalagay sa kanyang higaan. Pinulot ko ang cellphone niyang nasa sahig. He was about to text me pero dahil siguro sa panginginig ng kanyang katawan ay nabitawan niya ito. Suminghap ako at nilalabanan na huwag bumagsak ang mga luha. Nahihirapan akong makita siyang humahalinghing sa sakit. Umupo ako sa kanyang gilid. I held his other hand tighter, “Anong gamot ang dapat mong inumin, Alejandro? Please tell me para mawala na ang sakit. Please.” Hindi ako sinabihan ni Senyora tungkol dito at mukhang wala ring alam ang Senyora sa iniindang sakit ng anak. Alejandro must have kept this from his mother. Hindi ko alam kung ano ang tamang gamot para mawala ang sakit o mabawasan man lang. Like Alejandro, I was shaking as well. Naghalo-halo ang kaba, takot, nerbiyos at pag-alala ko sa kanya. He’s not going to die, is he? Umiiling ito. “I don’t want to take any medicine, Bea. I don’t want to be on meds for the rest of my life. This, this is how I chose to overcome my illness. This is my way of getting over it. Ang namnamin ang sakit hanggang sa pansamantalang mawala. This is my everyday battle, Bea.” He said in between breaths. Nagpahid ako ng luha. “Is there anything I can do, Alejandro?” napasigok ako. Nakakapanghinang nakikita ko itong namumutla at naliligo sa sariling pawis. Despite the pain he’s feeling right now, he managed to give me a smile. “Stay……..just stay by my side…….” He said in a breathy tone. I nodded at him at niyakap ito. Halos kalahati ng katawan ko ay nakadagan sa kanya. If staying will help lessen the pain, then I will stay with you……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD