Hindi ko alam kung ilang minuto ang nagdaan hanggang sa maramdaman kong kumalma na ito. Pumayapa na ang kanyang paghinga at hindi na rin nanginginig ang katawan. He finally stopped grunting and muttering series of curses from the pain he felt.
“Hey.” He spoke gently.
Inangat ko ang aking mukha na nakabaon sa kanyang leeg. Hindi na kita sa kanyang mukha ang paghihirap. Bumabalik na rin ang kulay ng kanyang balat.
“Okay ka na?” Alanganin kong tanong. Hindi ko pinansin ang iksi ng distansiya ng mga mukha namin. Alejandro’s eyes lingered on my opened mouth at ganun din ang ginawa ko. Hindi na nangangatal ang labi nito at mamula-mula na rin, di katulad kanina na tila nangitim.
“May gusto kang sabihin? May masakit pa ba sa’yo?”
He nodded at bahagyang kumagat-labi. “Meron. In fact, naninikip ang dibdib ko.” bulong nito.
Nanlaki ang mata ko at nilukob na naman ng takot ang sistema ko. “Kailangan na talaga kitang dalhin sa ospital, Alejandro, Hindi na pwede ang ganito. Tatawagan ko na talaga ang Mama mo. This is emergency!”
“No need. I know the solution to my problem.”
“Ano?”
Inangat ni Alejandro ang kanyang kanang kamay. Ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan.
“Array!” Sinapo ko ang aking noo. “Langya, bakit mo pinitik ang noo ko!?”
“Nahihirapan akong huminga kasi nakadagan ka sa akin, Miss. Ang bigat mo.” Pinagtaasan niya ako ng kilay.
Napabuga ako sa hangin at umayos ng upo. Lumayo ako ng bahagya sa kanya. “Mukhang okay ka na nga dahil binu-bully muna naman ako, Alejandro. Hay naku, sinasabi ko sa’yo, kapag inatake ka na naman, hinding-hindi na talaga ako----”
“Thank you.”
I was caught off-guard. Nagtitigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung narinig ko nga ba iyon sa kanya. Napapitlag ako nang hinawakan nito ang aking kamay. He squezzed it a little. His hand was warm, and it made my heart flutter. Hindi ko alam bakit tila may kung anong kuryenteng dumaloy mula sa pagkakahawak niyang iyon sa akin. Alejandro must have felt it dahil binitawan din niya agad ang kamay ko. He looked away.
Tumikhim ako. “Wow. May pa ‘thank you’ siya, babait ka na ba niyan sa akin? Baka bukas beast mode ka na naman.”
“You’ve seen me at my worst state. But you chose to stay.”
“You wanted me to stay. At isa pa, para saan pa ang pagiging carer ko, kung di kita aalagaan at babantayan, Alejandro.” At kahit pa siguro hindi mo ako carer, I would still choose to stay. I wanted to add.
Alejandro’s eyes became hard. “Alam kong carer kita, pero kung hindi mo nasaksihan ang pinagdaan ko kanina, kahit mamilipit ako sa sakit, hinding-hindi ko hihingin ang presensya mo. Ayokong may ibang taong nakakakita ng paghihirap ko, Bea. I don’t need everyone’s pity. It won’t make me heal whatsoever.”
“But I witnessed it and even if you’d ask me to leave, I won’t do it. Sa mga panahong nahihirapan ka, mas higit lalo na kailangan mo ng karamay. Hindi para kaawaan ka, kundi para magbigay sa’yo ng suporta sa abot ng makakaya nila. When you’re at your worst, that’s when you need someone the most. So, don’t fret, Alejandro Don’t hesitate to call your lovedones if you need their presence so badly. I’m sure, they’re just there, waiting for you to let them in.”
‘You’re jumping into conclusons again, Bea. Trust me, I’d rather die than allow them to witness how much I am suffering.”
I shook my head. Suko na ako sa katigasan ng ulo nito. “Alam mo ikaw, bahala ka na nga!”
“Alam mo ikaw, as a carer, ang daldal mo. Minsan nakakairita.”
I huffed as I crossed my arms on my chest. “Alam mo, as a boss, ang suplado mo. Nakakaubos ng pasensya.”
He cleared his throat at bahagyang hinila ang sarili paangat para maisandal ang likod sa headboard. “You can leave me now, Bea. Okay na ako.”
“Sigurado ka?”
“Sigurado ako. And besides…” His eyes looked me up and down slowly. “You don’t look decent enough…”
“Huh?” Sinundan ko ang kanyang mga mata. Napatingin ako sa sarili at saka lang naitindihan ang ibig niyang sabihin. Nakngpotek, Bea. Lumabas ka ng silid mong walang bra at naka-sando nga, halos kita naman na ang kaluluwa sa nipis. Natampal ko ang aking noo at alam kong pulang-pula na naman ako. Ilang beses ko pa bang ipapahiya ang aking sarili sa harap ng lalakeng ito sa araw na ito?
“Well, in my defence, naalimpungatan ako kasi narinig kong may bumagsak. Kinabahan ako kaya nagtungo agad ako dito sa kwarto mo at naabutan kitang namimilipit sa sakit, Alejandro. Cut me some slack, will you.” Umirap ako sa kanya. “Okay lang yan, you don’t feel anything naman. I’m safe with you.”
Alejandro smirked at me, eyes deepened. “I’m still a man, Bea. Just because I can’t feel doesn’t mean I can’t fantasize. In fact, I am mentally undressing you, baby. In case you’re not aware, you’re a damn fine sight, with all that disheleved hair and puffy eyes.” Napapaos niyang salita. And I was stupefied. This man didn’t know how much he made my heartbeat so fast I find it hard to keep up.
“How you could manage to breathe normally when your breasts pressed against my chest is beyond me.” Umangat ang gilid ng labi nito.
“Excuse me! I was scared something might happen to you. I hugged you because I thought you needed it. Di ko naman alam na iba na pala ang tumatakbo sa utak mo. For someone who cannot feel, you’re a pervert.” I glared at him. Ang lalakeng ‘to ay wala na atang napansin kundi ang hinaharap ko? Normal size lang naman ito! Pervert talaga!
Alejandro chuckled. “Sorry, I can’t help it. And truth be told, your hug was indeed needed. Usually, it would take an hour before my nerve pain subsided but tonight, it didn’t take that long. Your boobs, I mean, your hugs can probably do miracles, eh.” He grinned widely at me.
Napalunok ako. It was the first time I saw him grinned like a naughty boy. Kumalabog na naman ang puso ko. I should probably stop drinking coffee from now on. It makes my pulse palpitate with no apparent reason.
“It’s almost midnight, Alejandro. Go to sleep. I’ll go back to my room now.” Akma akong tatayo.
“Before you leave, can you help me change my pj’s? I’d like to wear a fresh one. I am too weak now to carry and wheeled myself to the closet room.”
I sighed, avoiding his gaze. “Okay. Stay here and I’ll get you a new pair. Pupunasan na rin tuloy kita kasi pawis na pawis ka kanina. I’ll be back.” Hindi na ako nag-abala pang tignan ito. Alam kong nakatitig ito sa akin at ayokong makita ang binabadya ng mga mata nito.
Umalis ako saglit para tumungo sa kwarto ko at magpalit ng damit. Pagkatapos ay kumuha ako ng plangganita na nakita ko sa cupboard sa kusina. Pagpasok ko sa kanyang silid ay iniwasan ko ulit ang kanyang mga mata. Nakayuko lamang ako habang dumadaan sa harap niya. Dumiretso agad ako sa loob ng closet room nito. Hindi mahirap hanapin ang kanyang pamalit dahil lahat ay maayos na nakatupi sa mga drawers. Niligid ko muna ang aking mga mata sa kabuuan ng silid. May mga three-piece suits na naka-hang at mga leather shoes naman sa baba.
Kailan kaya huling nai-suot ni Aejandro ang business suit nito? I’m sure, sa tuwing pumapasok siya dito ay hindi niya mapigilang manibugho sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.
Kahit ako man sa kalagayan niya, baka di ko maiwasang di madepress. Lalo na pag pakiramdam mo na tila wala ng pag-asa na gumaling ka pa. Mahirap nga namang magpanggap na magiging maayos din ang lahat kahit ang totoo ay malayo sa ito sa posibilidad.
Ang ayaw ko lang kay Alejandro, he’s shutting everyone out. He prefers to imprison himself in his fortress. Ako, di ko kaya. Mas gusto kong makita lagi ang mga mahal ko sa buhay. Mas gusto kong nasa tabi ko sila kasi walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. If I am going to die young, then I’d want to spend the remaining days with my lovedones.
Well, I am not saying that Alejandro is going to die. My god, please no. Kasi kahit kakakilala ko lang sa kanya, somehow, may pinupukaw siya sa kalooban ko na hindi ko mabatid. And I had learned to like him despite his roughness. I cared for him. I’d want him to go on living……I’d want him to continue fighting…..Alejandro lacks motivation. I will find a way to motivate him……
“Bea? Nakatulog ka na ba dyan? What’s taking you so long?” He sounded very annoyed again.
Napukaw ako sa pag-iisip nang magsalita ito. “I’m coming!” Pagkatapos kong kinuha ang pamalit niya at maliit na bimpo sa pinakababang drawer, agad akong lumabas sa kanyang closet room.
“I’ll get some warm water. Saglit lang ito.” Ani ko at pumasok sa bathroom nito. Hindi naman ako nagtagal doon.
Nilagay ko ang plangganita sa side table nito. “Tanggalin muna natin ang pang-itaas mo.”
I started unbutttoning his upper pj’s. Kahit medyo malayo ako sa kanya ay rinig ko ang malalim nitong hininga. My eyes were fixed on my hands na busy sa pagtanggal ng butones ng kanyang long sleeves. Si Alejandro ay patuloy pa rin sa kanyang paninitig sa akin.
“You okay? You don’t seem uncomfortable.” He said.
Napapitlag ako sa pagsalita niyang iyon. Why am I suddenly being jumpy around him? Nanginig ang mga kamay ko. What the heck is wrong with me? “I’m okay. Medyo inaantok lang.”
Hindi ito sumagot sa akin pero alam kong nakatitig lang din ito. Tinanggal ko na ng tuluyan ang kanyang pang-itaas. Nangingintab ang kanyang dibidib dahil sa mumunting pawis at sa maninipis ng balahibo na naroon. I swallowed hard. Binasa ko ang bimpo sa plangganita na may tubig. Pinigaan ko iyon. Lumapit ako sa kanya para mas abot ko ang kanyang mukha. I gently wiped his face.
Marahan ko lamang dinampi-dampi ang bimpo sa kanyang magkabilang pisngi. Pagkatapos sa mukha, I went downwards. Sa kanyang leeg at batok. Binanlawan ko ulit ang bimpo. He trembled when I started wiping his chest. Lumalim ang tiyan nito dahil sa paghugot ng hininga. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa kanyang balikat.
“You okay?” Di ko mapigilang itanong.
Tumango lang ito, pero ang noo ay nakakunot sa akin.
“Continue what you’re doing.” He commanded.
Gusto kong umirap pero ngumuso na lang. Demanding ka. “Yes, Sir.”
His expressions darkened. “God, Bea.,..”
Umiwas ako ng tingin sa kanya at bahagyang lumayo. Binanlawan ko ulit ang bimpo para punasan naman ang kanyang likod. Tumayo ako sa kanyang tagiliran. “I’ll wipe your back.”
Umiling ito at tinapik ang espasyong inupuan ko kanina. “Sit.”
“Huh?”
“You can reach my back even when you’re sitting, Bea.”
Pero di hamak na mas madaling abutin kung nakatayo ako sa kanyang gilid, yes? Kung uupo ako ay di ko maabot ang kanyang likod maliban na lang kung kailangan kong ilapit ang katawan ko sa kanya.
Sighing inwardly, sumunod ako sa sinabi nito. Ayokong makipagtalo pa sa kanya kaya kung ano man ang kanyang sasabihin ay susundin ko na lang na nakatikom ang bibig.
Umupo ulit ako pero this time, mas malapit na halos magdikit na ang aming mga dibdib. Inabot ko ang kanyang likod. Alejandro made a move and leaned his body much closer to mine. Ang mga kamay nito ay parehong nakayakap sa aking bewang. He placed his chin on my shoulder.
My heart started beating wildly against my ribcage. Halos manginig ako sa pagkakayakap niya sa akin. He might hear the turmoils inside my chest!
“We’re…we’re too close, Alejandro.” I stuttered at lumayo sa kanya ng konti, but Alejandro pulled me again, this time, held me tighter.
“It’s okay. I like to feel your bodyheat against mine, Bea. You make me feel so…alive. And I never felt like this ever since. How do you do that.” He whispered just above my ear and I swallowed hard again. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga katawan namin sa isa’t isa. At ang hindi ko mas lalong maintidihan ay ang pagiging clingy nito sa akin, to think na wala pang bente-kwatro oras na magkakilala kami. At isa pang ipinagtataka ko ay kung bakit hinayaan ko ito…..nababaliw na rin siguro ako.
“Okay.” Kagat-labing pinagpatuloy ko na lamang ang pagpupunas sa kanyang likod.
“I think you can change now, Alejandro. Baka dapuan ko ng lamig.” Wika ko nang sa tingin ko ay napunasan ko na ng mabuti ang likod nito.
“I like the smell of your skin….” He inhaled deeply at mas binaon ang mukha sa leeg ko. Napatingala ako. Why, this is so wrong but….I like it….this is crazy…..
To my surprise, he hugged me even tighter. Nanlaki lalo ang aking mga mata. “Le’t stay like this for a little while, please.”
‘Pero lalamigin ka….”
Naramdaman ko ang kanyang pag-iling. “That’s okay. You’re keeping me warm. I like this feeling. Thank you for taking care of me, Bea.”
“It’s my job.”
“I know. Still, Thank you.”
“You’re welcome.”
Humugot ito ng malalim na hininga saka inilayo ang katawan sa akin. Sa paglayo niyang iyon ay nakaramdam ako ng lamig. “I can manage from here. Go to your room and sleep. It’s past midnight.” He said as he clipped my hair at the back of my ear. This man is too difficult to decipher. How he could be so rude in one minute and be sweet the next minute is something I won’t be able to comprehend.
Tinulungan ko itong ibutones ang bagong suot na pantulog. “You still have to change your pants, Alejandro.”
“I can do it alone. If I let you do it, I might ask you to sleep beside me.” Sinabayan niya iyon ng mahinang tawa.
Napahumindig ako. ‘What? Seryoso ka?”
“Of course. But you look tired, Bea. Go to your bed, for me. Please.”
Tumango ako. “Okay. Good night.”
“Good night, baby.”
Baby……..
Gusto ko siyang kastiguhin sa pagtawag niya sa akin nyan pero nanahimik na lamang ako. Hindi ko maipaliwang pero pakiwari ko ay natunaw ang puso ko sa endearment na ginagamit niya sa akin. Ah, mukhang kailangan ko na atang mag boyfriend……
Nilagay ko ang bimpo sa plangganita at inabot ko iyon mula sa side table. Sinulyapan ko ito ng isang beses saka tumalikod at naglakad patungong pintuan.
“Bea?”
Napigil ako sa pagpihit ng doorknob. I looked back at him. “Hmm?”
“Where do you stay in the capital?”
“Sa Puerto Princesa? Nagbo-boarding house ako, Alejandro. Bakit?”
“With boys?”
“Puro babae kami, duh.” My eyes rolled upward. Ano na naman kaya ang trip ng lalakeng ‘to?
“Okay. But don’t go around wearing flimsy clothes and braless, okay?”
My god. Akala ko naman kung ano. “Yes, father.” Inirapan ko ito saka pinihit ang seradura at lumabas na ng silid.
I was tired physically, emotionally and mentally, thanks to Alejandro. Nakatulog agad ako paglapat ng aking likod sa aking higaan.
Naalimpungatan ako sa magagaan na paghaplos sa aking pisngi. Umungol ako…..Hmmmm….
“Wake up, sleepyhead.”
Antok pa ako eh. Umungol ulit ako. Distorbo naman oh. Ang sarap ng tulog ko. Ang bango at lambot ng kama ko…..ang sarap ng mga haplos sa pisngi ko…..
“Beverly Ann…..”
My eyes instantly opened when I hear my full name. Who on earth would call me by my real name, maliban kay lola? And that baritone voice is definitely not hers….
“Alejandro?” Nasumpungan ko ito sa gilid ng aking kama.
“Get up now. I’m starving.”
“Huh. Sorry. Napasarap ang tulog ko. Good morning naman sa’yo.”
Alejandro glanced at my side table. “Uh. It’s actually afternoon, Bea.”
“What????????!” Halos mabali ang ulo ko para tignan ang orasan. Ala una na ng tanghali!!!!!!!!!!!! I slept that looonnnggggg?
Alejandro chuckled. “Hurry up at lumalamig ang pagkain. I’ll wait you at the dining.”
“Hindi ka galit?” Nahihiya kong tanong sa kanya.
Sumeryoso ang kanyang mukha at kinabahan agad ako. “I was mad alright, but I was more than glad you’re still here with me. Now, hurry up ‘coz I’m famished.” He said as he wheeled himself to the door.
“Yes, Sir!” Dali-dali akong bumangon but Alejandro spoke again.
“Wear a damn bra, young lady!” he snorted bago tuluyang lumabas sa aking silid.
Ah. s**t. Here we go again. “Yes, Dad!”
Napangisi ako ng tuluyan. Hmmm…We’re getting closer now….I might like this job more……