SEVEN: Fine

3031 Words
  Nandito kaming dalawa sa balcony. Katatapos lang namin mag-almusal. Busy si Alejandro sa kanyang libro samantalang ako ay busy naman sa pagdutdot ng aking cellphone. Maya't maya kasi ay tumutunog ito. Ang ingay ng mga kaibigan ko sa group chat. Paano, lahat sila ay tutungo sa sentro bukas at nagpaplanong magkikita-kita. Natatawa nga ako kasi nung nakaraang linggo lang ay nag-inuman pa kami bilang pamamaalam sa isa't isa dahil akala namin ay sa darating na pasukan pa kami muling magkikita-kita. Pero heto sila ngayon at hindi na makapaghintay na tumungo sa sentro. Nagplano kami na sa bar na lamang magkikita total naman ay doon ang raket ko. "Sinong katext mo?" Tanong ni Alejandro sa aking gilid. He tried to lean forward to peek at my phone, but poor man can't move any further. Lumipat ako sa kabilang upuan na mas malapit sa wheelchair niya. Pinakita ko sa kanya ang group chat namin. "Mga ka boardmates ko. Magkikita-kita kasi kami bukas." Kumunot ang noo nito sa aking sinabi. "Bukas? Ibig sabihin tutungo ka sa sentro?" Tumango ako. "Hindi ba nabanggit ng Mama mo? Day-off ko at wala ako dito sa isla kapag Sabado at Linggo, Alejandro. May trabaho ako doon during weekends." "Trabaho? At ano namang trabaho? May iba ka bang inaalagaan bukod sa akin? Babae o lalake? Bata o matanda?" I chuckled. Sarap kurutin ang pisngi ng lalakeng 'to. "Why does it sound like your whining about it?" Pasupladong nag-angat lamang ito ng kilay sa akin. "So may iba ka ngang inaalagaan bukod sa akin?" Aba at tila may tampo pa sa boses nito. I looked at him teasingly. "Oy, nagpapaalaga na siya sa akin. Gawin kitang baby, you like?" Sabay sundot sa kanyang tagiliran. He only glared at me. Ilang araw na na maayos ang pakikitungo nito sa akin. Minsan, tinutopak pa rin ng pagkasuplado pero tanggap ko na rin naman. Kawawa ang araw kapag hindi ito nakapagsungit sa akin, eh. Pero imbes na maasar at mabwisit ako sa kanya ay iniintindi ko na lamang. So far, hindi na rin ito inaatake ng nerve pain sa kanyang tagiliran. Isang beses lang nangyari at yun nga yung unang gabi ko dito sa kastilyo. Binanggit ko na ito kay Senyora at nakatanggap ako ng katakot-takot na sermon mula kay Alejandro. Eh paano, nagalit sa akin dahil ayaw nga nito na malaman ng mga magulang ang pinagdadaanan niya tuwing inaatake ito. Pero sabi ko, magulang mo yan sila. Sa tingin mo, sa paglilihim mong yan, hindi sila masasaktan? Sa pagtatago mo ng nararamdamang sakit sa kanila, para mo na ring tinanggalan ng karapatan ang mga magulang mo sa'yo. Sa kabutihang palad ay pinansin din naman ako ni Ser Sungit makalipas ang ilang oras na walang imikan. "You didn't answer my question, Bea." I rolled my eyes upward. "Meron akong inaalagaan, Alejandro." "What? Same condition as mine?" Nanlalaki ang mga mata nito. "Hindi. Ang inaalagaan ko ay ang future ko, okay. Happy ka na? Kailangan kong magtrabaho dahil malaking tulong iyon sa aking pag-aaral. At isa pa, nag-iipon ako para makabili ng gitara. Isa yun sa mga pangarap ko sa buhay. Ang makapagpundar ng gitara. Hindi ka maka-relate noh? Hindi kasi tayo magka-level, Ser. Yung level mo kasi maala-Sultan o Datu. Ako naman ay mas mababa pa sa aliping sa gigilid. Syempre, hindi ka ulit maka-relate kasi hindi mo yan napag-aralan noong elementary ka. Kasi syempre, sa ibang bansa ka nag-aral." Alejandro raised his hands in the air, stopping me. "Alam mo, okay na ako sa 'oo at hindi' na sagot mo, eh. Pero kung ano-anong topic na ang nababanggit mo. Iniisip ko tuloy kung normal ka pa ba o may sayad na sa utak?" "Ay ganun? Baliw ako, ganun? Uztomotulakkita?" "Ano?" "Wala! Hay naku. Syempre magdadaldal talaga ako dahil ano naman ang aasahan ko sa'yo? You are a boring person, Alejandro, at wag kang masasaktan dahil totoo iyan. Pasalamat ka at chatty tong carer mo kasi kung hindi, baka namatay na tayo sa pagiging tahimik nating dalawa, sabayan pa ng tahimik na kapaligiran." "Nakakamatay ba ang katahimikan?" He raised an eyebrow at me. I did the same. "Well, according to me, yes." Alejandro laughed. "You're crazy." "Crazy good or crazy bad?" Alejandro stared at me for a second. "Definitely crazy good." He answered while biting his lower lip while nodding at me. "I take that as a compliment, and I, thank you." I blew him a kiss. Alejandro shook his head disbelievingly while grinning at iniba ang posisyon ng kanyang wheelchair. He's now facing towards the balcony. Umihip ang sariwang hangin at dahil hindi nakatali ang buhok nito, nililipad iyon ng hangin. Alejandro's side profile is breathtakingly beautiful. Hindi nakabawas sa kagwapuhan nito ang mabuhok na mukha. Hmm, come to think of it, bakit gumagwapo siya sa tingin ko habang tumatagal? "Stop staring, Bea." He said, side-eying me. "You don't have plans on shaving your face, Alejandro?" Pungalumbaba ako sa mesa at ang mukha ay nakaharap sa kanya. "I don't have reasons why I need to." "Hindi ba pwedeng rason ay dahil gusto ko?" "Gusto mo? Hmmm." He moved his chair again at humarap sa akin. His eyes were twinkling, this time. "Sure, but you have to convince me more, Bea." He lips formed into a smirk. "How?" My innocent self asked. Nagkibit-balikat ito. "I don't know. It's up to you, Bea. Ask yourself how you are going to convince me." "Eh. Shunga pala tong tao 'to. Paano ko nga malalaman eh hindi naman sarili ko ang kukumbinsihin ko kundi ikaw." "I'll take whatever you can give." "What will I give to you then?" Tinitigan niya akong mabuti. His intense stares sent shivers down my spine. "Let me think about it." He answered. "Ay ang labo! C'mon, tell me now para mapaghandaan ko, Alejandro." Umiling ito. "Iisipin ko pa nga di ba?" "Edi isipin mo na ngayon!" "Ayokong isipin ngayon. Saka na. I want you to suffer." He stuck his tongue out at me. Ay aba! Palaban na rin lolo nyo! "Fine! Gusto ko lang sabihin na ang pangit pangit mo dahil sa mabuhok mong mukha! Bleeeh!" "Ah. Kaya pala panay ang titig mo sa akin. Kahit natutulog ako nakatunganga ka sa mukha ko." "What? How...how did you know?" Alejandro laughed heartily. Looking at him laughing made me so proud of myself. My heart swelled with pride and joy. "Huli ka ngayon. See? Inamin mo rin. That's why I find you creepy sometimes." I got busted! Alejandro is a cunning person! He tricked me! "Huli pero di naman kulong. Bleeh!" Pero ilang sandali lang ay sumeryoso na ang mukha nito. "So, ano ang trabaho mo?" "I sing in the bar." "Bar!?" Nagtaas ang kilay ito. "Paki-baba ng kilay, Ser. Judgemental ka ha. It's a first class restobar. May live band dun at ang work ko nga ay bilang singer. Kung gusto mo ng tamang chill lang, I will recommend that bar to you. Bigyan pa kita ng discount. Minsan nga igala kita doon." "So, singer ka? I haven't heard you singing. Most of the time, you talk." "Alangan naman kantahan kita all the time. Sinuswerte ka. Pakantahin mo ako, sure, but you need to pay me." Irap ko. "No thanks. Your voice might bring catastrophe on earth." "Hoy! Grabeh ka sa akin! Minamaliit mo ang boses ko? Oh well, hindi naman maala-Regine Velasquez or maala-Maria Carey ang boses ko pero di hamak naman na mas may boses ako kesa sa ibang starlet sa showbiz. Speaking of which, ipakilala mo naman ako kay Romano. Siya lang talaga ang legit na singer na iniidolo ko." Alejandro dismissed me by wheeling himself back to the living room. Ako naman ay nagpapapadyak na sumunod sa kanya. "Alejandro!" "Don't call my name!" "Ano ka si Lady Gaga? Don't call my name, don't call my name, Alejandro." Humagalpak ako sa kakatawa. Naalala ko lang din bigla ang kanta na yun ng foreign singer na ang pamagat ay Alejandro. "Get lost, Bea!" He said before he entered his bedroom. "Sungit!" I yelled back. Tinopak na naman ang lolo nyo. Tinanong ko lang naman siya about sa kapatdid niyang si Romano. Ayaw niya nun, may fan ang kapatid niya sa katauhan ko? ********** I am sitting here on his bed, waiting for him. He's taking a shower at nakasanayan ko na na mag-abang sa kanya dito sa kanyang kama. Bumukas ang pintuan ng bathroom nito at sinalubong ko siya agad. Kinuha ko ang towel sa kanyang balikat at ginamit kong pangkuskos sa mamasa-masa niyang buhok. "Anong oras ka aalis bukas?" He asked. "Kukunin ko ang unang biyahe ng roro, Alejandro. Five-thirty ng umaga ako aalis dito dahil maglalakad pa ako patungo sa pier. Maglilinis pa kasi ako sa space ko sa boarding house dahil nakasanayan ko na. Pagkatapos ay sa bar na ako didiretso dahil magpapraktis pa kami ng banda." Alejandro transferred himself to the bed. Kinuha ko ang isang unan nito at nilagay sa kanyang likod saka ito sumandal sa heaboard. "Anong araw ka naman babalik? Sunday night?" Umiling ako. "Monday morning. Hindi kaya pag Sunday night, eh. Hanggang alas dose ng hating-gabi ang gig ko. Gustuhin ko man ay hindi ko pa rin maabutan ang huling biyahe ng Ro-ro. Hanggang alas otso ng gabi ang last trip." Tumango ito pero ang tingin ay nakapako pa rin sa akin. "So, all you have to do is to sing, right? Are you showing too much skin while performing? God, please tell me no. Do you also need to wear heavy make-up?" Tumawa ako habang inaabot ang huling gamot niya para sa araw na ito. Binigay ko iyon sa kanya. "You sound like a father giving lectures to his daughter." Tinanggap niya ang mga iyon and threw them into his mouth. Sunod kong binigay sa kanya ang isang baso ng tubig. "It's actually part of my job, Alejandro. I need to be alluring in front of the people. I wear something sexy, but it doesn't mean that I need to show too much skin. Light make-up lang din kasi according to them, I'm already beautiful kahit plain lang ang mukha ko. Ikaw lang naman ang hindi nagagandahan sa akin." Lumabi ako. "You are beautiful." He said breathlessly. Hindi ko iyon inaasahan. I smiled at him. "Thank you at narealize mo rin." "Don't smile like that when you're in front of the stage." Nagsalubong ang kilay nito. "Why? I have to and maybe flirt a little, Alejandro. It would make the people stay in the bar. The longer they stay, the more they order food and drinks. Tsaka bukod pa sa kikita ang bar, kikita din ako because of their tips." Nagtagis ang bagang nito at umirap sa akin. Napaka-unpredictable talaga ng lalakeng 'to. "Aawayin mo na naman ba ako? Buong maghapon mo na nga akong di kinikibo." "I just don't like it." "Okay. I won't smile that much." Hay naku, makaasta parang tatay, kung hindi man parang boyfriend. Tumayo na ako. "Matulog ka na. Matutulog na rin ako. Pag gising mo, nakaalis na ako. I'll see you on Monday morning." Hindi ito nakibo at inayos ang sarili sa paghiga. I pulled his blanket hanggang dibdib nito. "Alejandro, will you promise me one thing?" May isang bagay lang talaga ang bumabagabag sa akin. "What?" He answered uninterestingly. Wala sa loob na hinaplos ko ang kanyang buhok. "Don't get sick while I'm away, okay?" Halos pabulong lamang ang pagkakasabi kong iyon. Naiiisip ko pa lang na inaatake ito ng sakit niya at wala ako, para na akong maiiyak. I'm getting too attached to him o siguro ay nag-aalala lang talaga ako. A smile tugged on his lips. "Now, you sound like a worried mother. But I won't, Bea. I won't get sick. Ayokong mag-alala ka." "Good boy." I grinned at him. ******** I just finished my first set. Thankfully, kahit wala akong masyadong praktis ay hindi naman ako nagkalat. The band gave me a thumbs-up bago ako bumaba ng stage. I have a forty-five minutes to rest. Kumaway ako sa mga kaibigan kong nasa isang table. I didn't expect to see Tyler in here. "Hi!" Ani ko pagkadating ko sa table nila. "Hello bruha! Wala pa ring kupas ang boses mo." si Irene. Ito ang pinakamalapit sa kinatatayuan ko. I hugged her first pagkatapos ay sila Coreen, Jess, Jenny at pinakahuli si Tyler. "The thorn among the roses." I chuckled while hugging him. Tumawa din ito. "Jess invited me to join. Nagkataon namang wala akong gagawin tonight kaya umuo ako." "Ah." Umupo ako sa tabi nito dahil bakante ang upuan. Sa kanan ko si Irene na niyakap agad ang braso ko. "Namiss kita, bru. Hindi ka masyadong nagrereply sa GC natin this past few days." "Sorry. Alam nyo naman na busy ako di ba." Nabanggit ko na sa kanila na I was hired as a carer. Pero ang hindi nila alam ay kung sino. Sinabi ko lang na mula sa marangyang pamilya na taga isla. I can't disclose the facts to them dahil may pinirmahan akong non-disclosure agreement. At isa pa, ayokong kaawaan nila si Alejandro. Hindi ko alam pero mababanas ako sa kanila pag nagkataon. Baka maaway ko pa sila. "Saka na ang kwentuhan, girls. Pakainin muna natin si Bea. May dalawang set pa yang iraraos." Ani ni Tyler at kinuha ang empty plate ko. Nilagyan niya iyon ng mga pagkain na nakahain sa gitna. Pasimple akong tumingin kay Jess and she gave me a bitter smile. Panay lamang ang kwentuhan nila habang kumakain ako. Nakikinig lang ako dahil sa aming lahat, ako ang napagiwanan sa latest chika. Kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa. Bago ako nag-umpisa sa first set ko ay nasend ako ng text kay Alejandro reminding him not to forget to take his meds. Alam ko naman na hindi rin iyon makakalimutan ni Senyora na siyang nag-aalaga kay Alejandro habang wala ako. Walang reply ang lalakeng iyon. Maaga pa para siya ay matulog. Baka ay nagbabasa na naman iyon ng libro niya o baka naman ay naliligo? O sadyang hindi lang talaga pinansin nito ang text ko. I snorted. Bahala siya. Sasabihin ko pa naman sana sa kanya na hanging blouse at fitted jeans ang sinuot ko tonight at hindi mini dress na madalas na siyang pinapasuot ng management sa akin. Humilab ang tiyan ko kaya nag-excuse ako sa kanila. "Pakibantayan ang cellphone ko ah." Bilin ko. "Sige lang." Irene answered. Hindi naman ako nagtagal sa washroom. Pagbalik ko ay naabutan kong hawak ni Tyler ang cellphone ko. "May tumawag, Beh." Beh? Short for Bea? Maiksi na nga yung Bea? Pauso din tong si Tyler eh. I chose to ignore it. "Really? Sino daw?" "Hindi sumagot, eh. Ser Sungit ang name ng caller." Nagtatakang wika pa nito. "Huh?!" Alejandro called? Kinuha ko ang phone at nag-excuse ulit sa kanila. Gumawi ako sa sulok na hindi gaanong matao at di maingay. I dialled his number. Nakakailang ring na iyon ay hindi pa rin sinasagot ni Alejandro. Bakit kaya? Tinatambol ng kaba ang dibdib ko. Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya? I dialled his mother's number instead. Tatlong ring lang at sinagot agad ito ng Senyora. "Bea? Everything's alright?" Ako dapat ang magtatanong niyan, Senyora. "Opo okay lang naman po. Kukumustahin ko lang po sana si Sir Alejandro?" Kinagat ko ang aking ibabang labi. Sana ay hindi mamasamain ni Senyora ang pagtatanong ko. "Pumasok na siya sa kanyang silid, Bea. Okay naman siya at kahit paano ay kumain siya ng hapunan. Altthough he skipped his lunch." Senyora sighed. "Oh. Okay po Senyora. Salamat po." Wala na akong maitatanong pa. "Salamat sa pag-aalala sa anak ko, Bea. Don't worry too much." "Okay po. Salamat din po." Matapos ang maiksing tawag na iyon ay bumalik na ako sa mesa. "Sino katawagan mo?" Jenny asked. Umiling ako. "Yung mama ng inaalagaan ko. Kinukumusta ko lang yung kalagayan ng anak niya." "Yung anak ba ang inaalagaan mo?" It was Jess' turn to ask. I nodded at her. Thankfully, Irene opened a new topic kaya hindi na ako inusisa pa nila. But Tyler seems to have another plan. He leaned forward para magkarinigan kami. "Sino si Ser Sungit?" "Ah. Yung Papa ng inaalagaan ko." Ngisi ko sa kanya. I'd rather want them to think na literal na bata ang inaalagaan ko. Kasi pag sinabi ko ang totoo, baka hindi nila ako lubayan sa kakatanong. "May twenty minutes pa ako para kumain." Ani ko sabay tingin sa wristwatch ko. "Kain ng kain, Beh. Mukhang nangangayat ka rin sa tingin ko." "Oo nga eh." Him calling me Beh made me cringe to the core. ********** Hindi ako makatulog sa loob ng dalawang gabing iyon. Paano, Alejandro never replied to my texts! Nang dumaong na ang Ro-ro sa isla, agad na lumibis ako. Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang kastilyo. Nakatayo kasi ito sa tuktok ng burol. Kahit pagod ako at walang tulog ay nagmamadali pa rin ako sa pagtungo sa kastilyo. Pagdating ko sa loob ay humahangos ako. I pressed the lift at agad na bumukas iyon. I can't wait to see him and confront him why he's not replying to my texts! Not that I obligue him to do so but still! Nag-aalala ako! Pagdating ko sa loob ng pad niya, napakatahimik ng paligid. Siguro ay natutulog pa ito. Gusto ko sana itong silipin pero mababaw lang ang tulog ng taong yun. Ayoko namang madistorbo ko ang tulog niya. I decided to go straight to my room. I opened the door and turned on the lights. Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano ang nasa ibabaw ng kama ko! Am I hallucinating? Baka naman nanaginip lang ako? Binaba ko ang bag ko sa sahig at lumapit sa kama. Hinawakan ko ang gamit na iyon. I can feel it! It's real! Paano nagkaroon ng gitara sa ibabaw ng kama ko? Sa sobrang tuwa ay niyakap ko iyon! My goodness! This kind of guitar costs a fortune! "I hope you like it." Alejandro spoke out of nowhere. Nilingon ko ang lalake na nasa threshold ng pintuan. I don't know what's gotten into me at basta na lamang ako tumakbo palapit sa kanya. I shamelessly sat on his lap and buried my face on his neck. Alejandro flinched but I felt his hands snaked around my waist. Namasa ang mata ko. Not because of the surprise he did, but because I was so glad, he's okay. "Do you like it?" Malambing na bulong nito sa ibabaw ng ulo ko. I thought I felt him kissing me there. I shook my head, face still buried on the base of his neck. "I don't like it. I love it, Alejandro." I whispered. He sighed. "You have to sing for me, from now on." Tumango ako. Kahit anong gusto mo, Alejandro. Kahit ano. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. He doesn't know how thankful I am that he's fine...As long as he's fine, I'll be fine too.......  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD