“So, bakit gising ka na? Don’t tell me sinadya mong gumising ng ganito kaaga para salubungin ako?” Tanong ko habang umaalis sa kandungan nito. Bumalik ako sa kama at hinaplos ang makintab na gitara.
“I heard your footsteps. Kung bakit naman kasi ang bibigat ng mga paa mo, nakakabulabog.”
“Di tayo sure dyan Sir.” Alam kong nagbibiro ito kahit ba pinapakita nito na seryoso ito sa sinasabi. Maniwala naman daw ako. Sobrang nagdahan-dahan na nga ako sa pagpasok ko pa lang kanina. Kulang nalang lumutang ako sa hangin para di makagawa ng kaluskos. Aware naman ako na mababaw lang ang tulog niya.
“Bakit mo pala ako binigyan ng gitara? Nagulat ako kanina pagpasok ko. Akala ko pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko, gayong kulang pa naman ako sa tulog kaya feeling ko lutang ako.”
“Kulang ka sa tulog?” Kunot-noong tanong nito at lumapit pa sa kinauupuan ko.
Tumango ako at kinuha ang gitara at nilagay sa kandungan ko. “Bakit mo kako ako niregaluhan nito? Alam mong malapit na ang birthday ko? Next month pa yun.”
“Bakit nga kulang ka sa tulog?”
Halos gusto kong itirik ang aking mga mata. Hindi ba pwedeng yung tanong ko muna ang sagutin niya? Bumuntong-hininga ako. “You want an honest answer, Ser? Pinag-alala mo ako. You didn’t answer my calls. You didn’t reply to my texts. Iniiisip ko tuloy inaatake ka na naman ng nerve pain mo.” Hindi ko na napigilang umirap sa kanya.
Pinangsalikop nito ang mga kamay sa kandungan at umupo ng tuwid. “I just don’t feel like answering your calls and texts.”
“Wow. Ang salbahe mo diyan, Ser. Hindi mo naisip na nag-aalala yung tao kaya panay tawag sa’yo? Kahit man lang sana nagreply ka ng ‘K’, magegets ko na yun. Gustong-gusto mo talaga sigurong pinag-aalala ako noh?” Ngumungusong sambit ko. Hinaplos ko ang gitara at tumipa ng bahagya. Halos mangisay ako sa sobrang kilig at kasiyahan. Ang sarap pakinggan ng tunog.
“Oo.”
“Huh?” Medyo hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin dahil nawala saglit ang isipan ko dahil sa gitarang hawak ko.
“Oo, magrereply ako ng ‘K’.” He deliberately rolled his eyes on me. Suplado talaga kahit kailan.
“Okay, next time kung magtetext ako at ayaw mo namang magreply ng mahaba o kahit ano, just send dot to confirm na nababasa mo ang mga texts ko. Okay na ako doon. At least, alam kong humihinga ka pa.”
He grimaced. “Send dot to confirm? Eh di ang haba nun pag tinitipa sa cellphone.”
“Joke yun, Ser? Konti nalang talaga iisipin kong may sayad ka na sa utak. Oh, I’m stealing that line from you, by the way.”
He shook his head and heaved a sigh. “Pinag-alala ba talaga kita? Ako ba talaga ang dahilan bakit hindi ka nakatulog ng maayos?”
Tinitigan ko siyang mabuti at kulang nalang panlakihan ko siya ng mata. “Anong klaseng tanong yan, Ser. Syempre mag-aalala ako. Carer mo ako, karapatan kong alamin ang kalagayan mo.”
“I see. Well, at least, I was the reason why you had sleepless nights and not that man.” Pabulong nitong sambit.
“Huh? Sinong man?”
Umiling ito sa akin. “C’mon, stop blabbering and use that pretty mouth of yours to sing for me.”
“Don’t dodge my question, kamahalan. Bakit mo kako ako binigyan ng gitara? Tsaka sino nagdala nito?”
“Pinabili ko. Sabi mo nag-iipon ka para sa gitara. Pwes, yung iniipon mo ay idagdag mo sa pangtustos ng pag-aaral mo.”
“Pero ang mahal ng model nito! Tapos Fender pa! Pag dumadaan ako sa mall, hanggang tingin lang talaga ako. Di ko magawang haplusin at baka magasgasan.”
“Alagaan mo nalang yang mabuti dahil hindi ka na makakatanggap ulit niyan sa akin.” Umismid ito.
“Sabi ko nga, di ba. Salamat talaga, Ser. Huwag mong ibawas sa sahod ko ‘to ha. Baka binibiro mo lang ako, eh.”
“Actually, kung di ka titigil sa kakatawag ng Ser sa akin eh, baka nga gawin ko yan.”
I faked a laugh. “Hahahaha! Ano ka ba, ALEJANDRO. Hindi ka na mabiro. Kantahan na nga lang kita ng kantang most resquested sa bar.”
I’m not actually good with playing guitar. Simpleng chords lang ang kaya kong tipahin at dahil yun lang din ang tinuro sa akin noon ni Tyler. Sa kanya ako natutong mag-gitara.
Umubo ako dahil tila may bara sa aking lalamunan. Two nights straight akong kumanta at wala pa akong sapat na tulog kaya ngayon, medyo paos ako.
“Most requested song ito sa bar Alejandro kaya sana magustuhan mo.” Ani ko at ngumiti sa kanya.
Alejandro stared at me for a second at pagkatapos ay tumango lang din ito, mukhang handa nang making. I started strumming the guitar.
“And now, the end is near,
And so I face, the final curtain…
My friends, I’ll say it clear…Ouccchh!”
Hindi ko na natuloy ang aking pagkanta dahil tumama sa mukha ko ang tissue box na binato ni Alejandro.
“Bakit ka ba nambabato? Kung hindi libro, tissue box!” I complained while nursing my nose. Langya, bago matapos ang dalawang buwan ko dito ay baka pango na ako.
“Pinagloloko mo ba ako?” He glared at me.
“Do I look like I am joking here?” Irap ko sa kanya. I bit my inside cheeks. Ang totoo ay nagpipigil na akong bumunghalit ng tawa. Aliw na aliw ako sa ekspresyon ng mukha niya. Naglalabasan na ang mga litid sa kanyang leeg. Kung nakakatayo lang ito, paniguradong sinakal na niya ako. Sinadya ko naman din talaga. Ganti ko na yun sa kanya sa hindi niya pagreply sa mga texts ko at sa hindi pagsagot sa mga tawag ko.
“Babawiin ko na nga yang gitara!”
“Wala ng bawian, Alejandro. Regalo mo ‘to sa akin para sa birthday ko. Ang regalo ay hindi dapat binabawi. Malas daw yung ganun.” May ganun ba? Napaisip ako. Ah, walang alam naman tiyak ang lalakeng ‘to sa mga sabi-sabi.
“I will tell my Mom to deduct the price of that thing from your salary.” He smirked.
I stuck my tongue out at him. “Alam kong di mo gagawin yun. Okay, seryoso na.”
“Seryoso na kasi.” Maktol nito and he made a pout. OMG! This is news, you guys! The man pouted for the first time! Sarap halikan lang, este kurutin ang pisngi.
“Sorry na. Seryoso na talaga. This is one of my favourtite songs at pinakaunang kantang natutunan kong laruin sa gitara. Plakadong plakado ko ang piyesang ito kahit nakapikit.”
He nodded at umayos ulit ng upo. Tinukod nito ang siko sa magkabilaan at pinagsalikop ang mga kamay.
I started strumming the guitar again and closed my eyes…
“Maybe it's intuition
But some things you just don't question
Like in your eyes, I see my future in an instant
And there it goes
I think I found my best friend
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe”
“I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life…”
I tried to open my eyes, but I was surprised to see his eyes closed. He was swaying his head at sinasabayan ang kanta. His lips were moving. He knew the lyrics. I smiled.
“There's just no rhyme or reason
Only the sense of completion
And in your eyes
I see the missing pieces I'm searching for
I think I've found my way home
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe…”
“I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life…”
Oohhhh…..
“I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life…”
“I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life
I knew I loved you before I met you….”
I opened my eyes again and was ready to flash him my smile, but I was caught offguard by the way he was looking at me. His heavy strares were very intense and unwavering. My heart started to beat wildly. Napatuwid ako sa pagkakaupo as I felt a shiver up my arms. I couldn’t tear my gaze away from him….
I made a last strum on the guitar as I sang the last part of the song. “I knew I loved you………” I sang it as I looked at him. His adam’s apple bobbed up and down which made my pulse palpitate and my lips quiver.
Pinilig ko ang aking ulo. Kulang ako sa tulog kaya kung ano-ano na lamang itong aking nararamdaman. Tumikhim ako. “Nagustuhan mo?” I asked without looking at him. Binalik ko ang guitar sa case nito.
“Not bad.” He answered in a plain voice.
“Wala sa kondisyon ang boses ko kaya yun lang ang nakayanan. Naitawid ko naman, di ba?” Ngumisi ako at nakita ko ang kanyang pagtango.
“It’s too early for breakfast. You can take a rest for now.” He coldly said as he wheeled himself to the door to exit.
Ngumunguso akong nakasunod ng tingin sa kanyang papaalis na pigura. Bakit ganun, why do I feel upset? Hindi niya siguro na-appreciate ang pagkanta ko or he probably doesn’t like my singing voice at all. Ewan ko sa kanya.
Nang mawala na ito ay sinirado ko ang pintuan at nagpalit ng damit. Humilata ako sa higaan at niyakap ang ekstrang unan. Namigat ang aking talukap.
“Alejandro….” I whispered. Kung bakit pangalan niya ng gusto kong bigkasin, hindi ko rin alam.
**********
Natutunan ko nang pakibagayan si Alejandro sa loob ng ilang araw na magkasama kami. Ngayon, hindi na ako nangangapa sa aking gawain. I have learned to manage my daily schedule well. Tuwing gabi, I set my alarm to wake up and go to his room as quietly as I can to check on him. Kasi kahit hindi na bumalik ang nerve pain nito ay hindi ko pa rin maiwasang di mag-alala. Mamaya eh inaatake na pala ito sa gitna ng gabi samantalang ako ay malalim na ang tulog.
“Aalis ka ulit ng maaga bukas?” He asked. Kumakain kami ng hapunan ngayon.
Well, it’s Friday again. Tumango ako sa tanong niya. “Oo. As usual, bibisitahin ko ang kwarto ko at walang ibang tumatao doon. Baka pinapamahayan na ng mga agiw at gagamba.”
“You’re meeting your friends again?”
Uminom muna ako ng tubig sa aking baso. “Hindi ko alam sa kanila. Hindi pa sila sure.”
“Just mind your belongings at huwag kung saaan-saan nilalapag.”
“Oh, now that you mentioned it, tumawag ka ba sa akin noong nakaraan?”
Masamang mga titig ang ipinukol nito sa akin. “Oo.”
“Ohhh….Sorry hindi ko nasagot kasi nag restroom ako. Si Tyler pala ang sumagot sa tawag mo.”
“Boyfriend mo?”
I shook my head vehemently. “Hindi. Although, medyo nagpaparamdam siya. Hindi naman ako manhid, eh. Ramdam ko naman na may gusto siya sa akin noon pa. Kaso, ni-friend zone ko kasi gusto siya ng ka-boardmate ko. Ang awkward nga eh kapag magkakasama kaming lahat.”
“Bakit hindi mo diretsuhin na ayaw mo sa kanya?”
“Hindi naman kasi opisyal na nanliligaw yung tao, Alejandro. Sabi ko nga, nagpaparamdam lang. Ayaw ko naman mag-assume na nanliligaw nga ito.”
Alejandro looked at me with hooded eyes. “Paano kung opisyal na manligaw sa’yo? May pag-asa ba siya kung sakali?”
“Uhm.” Napaisip ako sandali. May pag-asa nga ba? “Well, infairness naman kay Tyler, he’s very kind to me. Gwapo din ito at maginoo. Well-mannered at masayang kasama. He’s very dependable too. I lost counts how many times he saved me before. Pag kulang pera ko, nagpapahiram siya. Pag alam niyang hindi pa ako kumakain ng hapunan, nililibre niya ako sa ihawan. Minsan pagkatapos ng klase, sinasabayan niya ako pauwi sa boarding house. Katabi lang kasi ng boarding house namin ang bahay nila. Tita niya ang may-ari. Then, minsan umuulan noon wala akong dalang payong…”
“That’s enough.”
Hindi na ako nagsalita dahil pagalit ang timbre ng boses nito.
“Do you really have to inumerate all those things he has done to you so far? I get it. He’s a capable man. Hindi ko naman tinanong kung ano-ano ang mga ginawa niya at ginagawa niya sa’yo.”
“Eh, bakit ka nagagalit? Sinasabi ko lang naman ang mga yun para rin kung sakali mang sagutin ko siya sa hinaharap, at least alam mong may rason bakit ko siya sinagot.”
“Edi sagutin mo siya. Ano bang pakialam ko sa inyong dalawa? Your decision is yours to make. My opinion has nothing to do with it.”
“Eh ano ba ang opinion mo?”
He narrowed his eyes on me. “You want an honest answer? Wag mo siyang sagutin. The fact that he answered my call without asking permission from you says a lot about him. Pakialamero siya. At ayoko sa taong nangingialam ng gamit ng may gamit. I don’t like the man. And that’s ON PERIOD.” Literal na may diin sa pagsasalita nito.
“Galit ka na niyan, Alejandro? Pero mabait yun.”
“Ipagtangggol mo pa.”
Tumawa ako. “Baliw ‘to. Hayaan mo, ipapapaalam ko sa’yo kapag tuluyang nanligaw sa akin. Sabihan ko siya na ligawan niya muna alaga ko bago ko siya sagutin.” Humahikhik ako.
“Pasasabugin ko ang Ro-rong sasakyan niya. I won’t allow him to set foot on my island.”
Humagalpak ako sa tawa. “Para kang bata. Hindi ka naman nagseselos sa kanya noh? Wag kang mag-alala. My work here is my first priority.”
“No. I AM your priority, Bea. And nothing else.”
Pinagulong na nito ang wheelchair bago pa man ako makasagot. Ang komplikado rin nitong si Alejandro. Is he being possessive of me? Bakit naman daw? Naku, Bea. He’s just worried of you. Don’t overthink, girl. Masasaktan ka lang…..
**********
Bago magumpisa ang jamming session, tumunog ang aking cellphone. Sumenyas ako sa lead guitarist to give me five minutes to answer the call.
“Alejandro.” Masiglang bungad ko. tulog pa ito kaninag umaga nung umalis ako sa kastilyo. Hindi ko tuloy ito nasilayan.
He coughed. “Hi.”
“You okay?”
“Yeah. Medyo inuubo lang.” He answered. Malat ang boses nito kaya alam kong hindi ito nagbibiro. Maayos naman ito kahapon at normal naman ang body temperature niya bago ito natulog kagabi.
“Napatawag ka?” Malumanay na tanong ko.
“I called because I can.” He chuckled. “Mag-uumpisa na ata ang session nyo. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Hearing your voice makes me feel better. You will always make me feel better.”
“I’m making you feel better? Masama ba ang pakiramdam mo?”
“I’m fine now.”
Tipid na ngumiti ako. The fact that he called me first was something I didn’t expect from him. It warms my heart. “I’m glad you called, Alejandro.”
Umubo ulit ito. “I’m glad I did. See you soon.”
“Hey, send me a message before you go to bed. Don’t forget your meds. E-text mo na rin tuloy sa akin ang body temperature mo.” Pahabol ko.
“Fine.” I could tell he was rolling his eyes. Tumawa ako. He dropped the call first. Hindi mapalis-palis ang ngiti sa aking labi. Magagaan ang mga paa ko habang umaakyat sa mini stage. Biglang naging makulay ata ang paligid. Ngayon ko lang ata napansin ang lightning effects ng bar. Ang ganda.
“Salamat.” Sabi ko sa bartender pagkatapos ako nitong abutan ng isang basong tubig.
Kakatapos lang ng unang set ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng aking skinny jeans. I checked my notifications. Tignan mo lang tong taong ‘to. Kabilin-bilinan ko kanina ay magtext sa akin bago ito matulog. Alas diyes na ng gabi kaya baka nga ay natutulog na ito ngayon.
Uminom muna ako ng tubig at nilapag ang baso sa counter. I started typing a text.
Ako: Gising ka pa ba? Sabi ko magtext ka sa akin bago ka matulog. Send dot to confirm na nabasa mo ang message ko na ito.
Alejandro: .
Gago talaga ‘to.
Me: Ang funny mo dyan, Alejandro. Nakainom ka na ng gamut? Send dot to confirm.
Alejandro: .
Umuusok ang ilong ko sa inis. Trip niya talaga sigurong asarin ako. Yun ata ang panata niya sa buhay, ang mang-asar. Nagbibiro lang naman ako, di ko akalaing seseryosohin niya ang sinabi kong magsend dot to confirm. Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Nakakaloka ang lalakeng ‘to.
Ako: Sige na. Good night:)
Alejandro: :))
Napangisi ako. Batang-isip. Pero ang cute ng smiley niya. May cute side din pala ang lalakeng ‘to. His character development drastically changed. Lately, palatawa na ito at nakakasabay na sa mga jokes ko. Kahit mas madalas ay naaasar ito sa aking taglay na kadaldalan, malaking bagay na sa akin na makita itong nangingiti.
Sa buong gabing iyon ay magaan ang aking pakiramdam at tila ako nakalutang sa alaapap. Ano bang nangyayari sa akin?
**********
Monday morning. Sinadya kong hindi kunin ang unang biyahe ng Roro. Kinuha ko ang ikalawang biyahe para pagdating ko sa pad niya, maabutan ko na itong gising. Mahirap na, baka pagbintangan na naman ako nitong mabibigat ang aking mga paa kaya nadistorbo ko ang kanyang pagtulog. Pagdaong sa isla ay mag aalas-otso na ng umaga.
Kagabi ay puro tuldok lang ang reply sa akin ng lalakeng yun. Nang tumawag ako ay hindi naman sinasagot. Hay naku. Alam kong sinasadya niya yun. Gusting gusto niya kasi talang asarin ako. Mamaya ka lang sa sa akin, makakatikim ka na naman ng sermon na wala dito wala doon.
Nasa bungad palang ako ng kastilyo ay naabutan ko si lola na papasok din sa main gate. Nagmano ako sa kanya. “La, yung mga damit ko ng po pala, nasa taas na/”
Kinukuha kasi nito ang maruruming damit ko at dinadala sa bahay namin sa baryo para labhan. Kung bakit naman kasi walang washing machine sa pad ni Alejandro. Gusto ko mang ako ang maglaba ng mga pinagbihisan ko ay hindi ko magawa. Kung may sampayan lang din sana sa taas. Yung undergarments ko lang ang pwede kong isampay sa loob ng banyo.
“Naiakyat ko na. Ano pala ginagawa mo dito?”
Kumunot ang noo ko. “Eh? Lunes po kaya ngayon. May duty ako.”
Umiling si lola sa akin. At sa pag-iling niyang iyon ay halos kapusan ako ng hininga. Bigla akong kinabahan. “Wala si Alejandro sa taas, Beverly.”
Napakurap ako. “Nasaan siya?”
Suminghap si lola. “Hindi ka ba tinawagan ng mga Senyor? Kinukumbulsyon si Alejandro noong Sabado ng tanghali nang maabutan ng Senyora. Nilipad nila agad-agad sa pribadong ospital sa Maynila si Alejandro gamit ang private plane ng mga Salvatore.”
Napatakip ako sa aking bibig. Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Sabado ng tanghali? Alejandro called me Saturday night at hindi man lang nito binanggit na nasa ospital na ito sa mga panahong yon?
Hearing your voice makes me feel better. You always make me feel better, Bea.
Nag-replay sa utak ko ang mga katagang sinabi nito sa akin noong Sabado ng gabi.
Tumalikod ako kay lola para punasan ang mga luhang tuluyang bumagsak. Napatingala ako sa kulay bughaw na langit.
Get well soon and come back to me fast, Alejandro…..